Press Release
May 7, 2024

OPENING STATEMENT OF SEN. BONG GO, VICE CHAIR OF THE SENATE COMMITTEE ON PUBLIC ORDER AND DANGEROUS DRUGS

Mr. Chair, and all the resource persons present today.

May I put on record, noong nakaraang pagdinig ng komiteng ito noong April 30, kasabay po ito ng pinamunuan kong pagdining ng Committee on Health kung saan mainit at kontrobersyal din ang usapin tungkol sa health emergency allowance ng ating healthcare workers at ang issue ng Bell-Kenz.

Ukol naman po sa usapin ngayon ng kampanya laban sa iligal na droga, Mr. Chair, ayaw nating masayang ang inumpisahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil kapag bumalik po ang iligal na droga, babalik po ang korapsyon sa gobyerno, babalik po ang kriminalidad.

Anuman po ang approach o atake ng administration ngayon, suportado ko ito basta ang importante ay tuluyang masugpo ang problema pagdating sa iligal na droga sa ating bansa. Kaya nga po, bilang Chairman ng Committee on Sports, lagi kong hinihimok ang ating mga kabataan to get into sports and stay away from illegal drugs, to keep us healthy and fit. This is my own small way of contributing to the continued campaign against illegal drugs.

As Vice Chair of the Committee on Public Order and Dangerous Drugs, I am here to support the committee, most especially our hardworking Chairperson Senator Bato dela Rosa. Ito pong si Sen. Bato ay walang kinakatakutan. Ang nais lang natin malaman sa hearing na ito ay lumabas po ang katotohanan. Nothing but the truth.

To all resource persons here, may I remind you to respect this institution. You are all under oath - huwag na huwag ninyong tangkain na magsinungaling. The truth always. Kung ano lang po yung totoo... kung ano yung tama, 'yon ang inyong sabihin, 'yon ang inyong gawin, at hinding hindi po kayo magkakamali. The public deserves the truth, no more, no less! Katotohanan ang inaantabayanan ng taumbayan!

Dahil kapag lumabas ang totoo, mas makakapag-focus (tayo) sa pagtulong sa mga nangangailangan at pag-address sa iba pang suliranin ng bansa. Dami pa nating problema sa ngayon. Ang importante rito mawala na po yung agam-agam, at maipapakita ng gobyerno ang kanilang sinseridad na puksain po ang iligal na droga sa bansa. Ayaw nating bumalik ang iligal na droga - 'pag bumalik ang iligal na droga, maniwala kayo sa hindi, babalik na naman po ang kriminalidad. Mas nakakatakot maglakad sa gabi. Kita naman natin ang epekto kapag mapuksa talaga yung iligal na droga sa ating komunidad. Mawawala ang krimen at makapaglalakad po ang ating nga anak sa gabi na walang takot. Mas mawawala ang korapsyon at magtitiwala ang tao sa gobyerno.

Let's buckle down to work, dahil marami pong mga kababayan natin nangangailangan ng tulong.

Maraming salamat, Mr. Chair.

News Latest News Feed