Press Release
May 6, 2024

Gatchalian calls for probe into foreign nationals in gated villages suspected to be POGO employees

Senator Win Gatchalian wants an inquiry into the growing presence of foreign nationals in upscale gated subdivisions suspected to be working for Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), now called Internet Gaming Licensees (IGLs).

"This is something worthy of attention. We need to ensure that any significant gathering of foreign nationals is not for the purpose of engaging in illegal activities given the trend of rising criminality attributed to these individuals involved in the industry," Gatchalian said.

The chairperson of the Senate Committee on Ways and Means wants to specifically address ongoing concerns raised by homeowners in Multinational Village in Paranaque City over the growing number of foreign nationals now residing in their subdivision. Residents claim that an enclave within the subdivision featuring Chinese restaurants and spa salons caters exclusively to the said foreign nationals.

"Nakakabahala na maaaring mga pugante na galing sa ibang bansa ang mga nakatira sa mga subdivision na ito. Alam nila kung paano gumalaw at kung sino ang kakausapin dahil pinag-aaralan ng mga sindikatong ito ang galawan dito. Malakas ang loob nila dahil meron silang mga koneksyon at nakakakuha sila ng proteksyon mula sa mga matataas na opisyal sa bansa," the senator emphasized.

According to Gatchalian, the November 2023 raid conducted by the National Bureau of Investigation (NBI) at a residence in Ayala Alabang Village, which led to the arrest of 11 Chinese nationals for allegedly conducting illegal online gambling activities, is also concerning. The raid also led to the confiscation of an unlicensed .45-caliber pistol with a magazine and six rounds, a 9mm pistol with a magazine holding seven rounds, a switchblade knife, and gambling paraphernalia.

Gatchalian has been advocating for the termination of POGO operations in the country, saying that the social costs of allowing them to continue operations in the country far outweigh any economic gains derived from the industry.


Gatchalian nanawagan na imbestigahan ang mga dayuhan sa 'gated villages' na pinaghihinalaang empleyado ng POGO

Nais ni Senador Win Gatchalian na imbestigahan ang dumaraming presensya ng mga dayuhan sa mga upscale gated subdivision na pinaghihinalaang nagtatrabaho para sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), na ngayon ay tinatawag nang Internet Gaming Licensees (IGLs).

"Ito ay isang bagay na hindi dapat ipagsawalang-bahala. Kailangan nating tiyakin na ang anumang malaking pagtitipon ng mga dayuhan ay hindi para sa pagsali sa mga iligal na aktibidad dahil sa tumataas na kriminalidad na iniuugnay sa mga indibidwal na ito na sangkot sa industriya ng POGO," sabi ni Gatchalian.

Partikular na tinukoy ng chairperson ng Senate Committee on Ways and Means ang mga patuloy na pag-aalala ng mga homeowners sa Multinational Village sa Paranaque City dahil sa dumaraming bilang ng mga dayuhang naninirahan ngayon sa kanilang subdibisyon. Sinasabi ng mga residente na ang isang enclave sa loob ng subdivision na nagtatampok ng mga Chinese restaurants at spa salon ay eksklusibo para sa nasabing mga dayuhan.

"Nakakabahala na maaaring mga pugante na galing sa ibang bansa ang mga nakatira sa mga subdivision na ito. Alam nila kung paano gumalaw at kung sino ang kakausapin dahil pinag-aaralan ng mga sindikatong ito ang galawan dito. Malakas ang loob nila dahil meron silang koneksyon at nakakakuha sila ng proteksyon mula sa mga matataas na opisyal sa bansa," diin ng senador.

Ayon kay Gatchalian, nakakabahala rin ang isinagawang raid noong Nobyembre 2023 ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang tirahan sa Ayala Alabang Village, na nagresulta sa pagkakaaresto sa 11 na Chinese national dahil sa pagsasagawa umano ng illegal online gambling activities. Nakumpiska sa raid ang isang hindi lisensyadong .45-caliber pistol na may magazine at anim na round, isang 9mm pistol na may magazine, isang switchblade knife, at mga gambling paraphernalia.

Si Gatchalian ay nagsusulong para sa pagpapatalsik sa mga POGO sa bansa, na sinasabi na ang mga social cost sa pagpapahintulot sa kanila na magpatuloy sa mga operasyon sa bansa ay higit na mas malaki kaysa sa anumang kita sa ekonomiya mula sa industriya.

News Latest News Feed