Press Release
April 15, 2024

Timely support from Senators Alan and Pia reaches MSME owners in Gingoog City

"May mga panahon na may bagyo, hindi kami makakakuha ng isda, panay ulan, wala talaga, ang hirap talaga," fish vendor Analie Garcia Padigos, said as she described the struggles of her trade.

Analie and her husband source fish from other cities and sell it within their community. With the prices of food and other essentials continuing to rise, Analie is thankful for the assistance she received from the offices of Senators Alan Peter and Pia Cayetano.

"Sa kanilang tulong, may pandagdag na po kami sa isda, pampuhunan," she said.

On April 12, 2024, 500 beneficiaries with Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) in Gingoog City, Misamis Oriental, were reached by the offices of senator siblings to provide timely aid that could be used to further boost their livelihood.

Another beneficiary, Corazon Balaba, plans on using the aid to add more products to her sari-sari store.

"Y'ung natanggap ko, pandagdag sa negosyo, lalo na ngayon na gusto ko magtinda ng frozen goods," she said.

"Kami pong maliliit na negosyante, nagpapasalamat po kami kay Senator Alan at Pia Cayetano. Dahil po sa programang ito [livelihood assistance], marami po kayong natutulungan. Daghang salamat kaayo!" Corazon added.

Small business owners in Gingoog City, Misamis Oriental were provided essential assistance through the senators' collaboration with the Department of Social Welfare and Development (DSWD) through its Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

AICS aims to provide assistance to individuals to help them recover from difficult situations or to uplift their economic opportunities by supporting their livelihood.

The recent disbursement activity in Misamis Oriental was executed successfully due to the participation and efforts of Mayor Eric Canoza, Board Member Bobet De Lara, and 1st District Representative of Misamis Oriental, Christian Unabia.

The sibling senators continuously visit various cities nationwide to provide vital assistance that can be used to boost the livelihoods of Filipinos and widen their economic opportunities.


Napapanahong suporta mula kina Senador Alan at Pia, umabot sa mga MSME owners sa Gingoog City

"May mga panahon na may bagyo, hindi kami makakakuha ng isda, panay ulan, wala talaga, ang hirap talaga," wika ni Analie Garcia Padigos habang inilalarawan ang mga hamon sa pagbebenta ng isda na kanyang ikinabubuhay.

Nag-aangkat ng isda si Analie at kanyang asawa sa karatig-lugar na ibebenta naman sa kanilang komunidad. Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang mga pangangailangan, nagpapasalamat si Analie sa tulong na natanggap niya mula sa opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano.

"Sa kanilang tulong, may pandagdag na po kami sa isda, pampuhunan," sabi niya.

Noong April 12, 2024, 500 benepisyaryo na may Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa Gingoog City, Misamis Oriental ang tumanggap ng napapanahong tulong mula sa magkapatid na senador na magagamit upang lalong mapalago ang kanilang kabuhayan.

Plano naman ni Corazon Balaba na gamitin ang tulong na natanggap pangdagdag ng produkto sa kanyang sari-sari store.

"Y'ung natanggap ko, pandagdag sa negosyo, lalo na ngayon na gusto ko magtinda ng frozen goods," aniya.

"Kami pong maliliit na negosyante, nagpapasalamat po kami kay Senator Alan at Pia Cayetano. Dahil po sa programang ito [livelihood assistance], marami po kayong natutulungan. Daghang salamat kaayo!" dagdag ni Corazon.

Natulungan ang mga may-ari ng maliit na negosyo sa Gingoog City, Misamis Oriental sa pakikipag-ugnayan ng magkapatid na senador sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Layunin ng AICS na magbigay ng tulong sa mga indibidwal upang makabangon mula sa mahirap na sitwasyon o madagdagan ang kanilang oportunidad sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang kabuhayan.

Naging matagumpay ang programa sa Misamis Oriental sa pakikipagtulungan nila Mayor Eric Canoza, Board Member Bobet De Lara, at 1st District Representative of Misamis Oriental, Christian Unabia.

Patuloy na binibisita ng magkapatid na senador ang iba't ibang lugar sa buong bansa para magbigay ng tulong na magagamit upang mapalago ang kabuhayan ng mga Pilipino at mapalawak ang kanilang pang-ekonomiyang oportunidad.

News Latest News Feed