Press Release
June 22, 2020

Incentives not taxes for online entrepreneurs - Gatchalian

Senator Win Gatchalian has prodded the government to extend fresh capital and other financial assistance to budding online entrepreneurs, instead of slapping them with untimely new taxes.

Gatchalian said online sellers should be covered by the microfinancing program of the Small Business Corporation (SB Corp.), a Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) attached to the Department of Trade and Industry (DTI), to assist them in growing their business to recover from the economic effects of the pandemic.

SB Corp., under the guidance of the DTI, has set up a P1 billion Enterprise Rehabilitation Financing facility under the Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (Covid19 P3-ERF) to support micro and small businesses affected by the economic impact of Covid-19 in the country. SB Corp.'s microfinancing program offers a minimal interest rate of not more than 2.5% per month with no collateral requirement. Micro enterprises with asset size of not more than PhP3 million may borrow PhP10,000 up to PhP200,000 while small enterprises with asset size of not more than PhP10 million may borrow a higher loan amount but will not exceed PhP500,000.

"Ang DTI ay dapat magbigay pa nga ng puhunan sa mga Pilipino na nawalan ng trabaho at gustong makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagnenegosyo sa online. Sa ganitong panahon ng pandemya, mas magandang nasa tahanan lang sila at nag-nenegosyo. Nabibigyan pa nila ng trabaho ang mga delivery service riders." Gatchalian said.

"Hindi lang basta ayuda ang hinihingi ng mga negosyanteng ito. Ang hinihingi nila ay malaya silang bigyan ng oportunidad na makapag-negosyo para may kita sila," he added.

The Vice Chairman of the Senate Committee on Economic Affairs has openly criticized the Bureau of Internal Revenue's pronouncement of taxing online sellers, emphasizing that such move is ill-timed and insensitive.

Gatchalian further added that registering businesses with the BIR is ineffective since its system requires an applicant's physical presence at this time when people are still being restricted to go out of their homes.

"Nakita ko na hindi rin handa ang ating pamahalaan na buwisan ang ating mga maliliit na negosyante dahil yung ultimong pagre-rehistro ay hindi pa sila handa kaya huwag na nating ipilit sa ganitong panahon ng pandemya, dahil hindi lang marami ang naghihirap kundi marami rin ang natatakot na lumabas ng kanilang bahay," he stressed.

Aside from providing capital, Gatchalian also urged the DTI to make use of the Philippine Innovation Law to enhance the competitiveness of these online sellers. The law, which Gatchalian championed during the 17th Congress, aims to harness innovation efforts to help the poor, the marginalized, and MSMEs to be a part of the domestic and global supply chain.

###

Gatchalian: Bigyan ng insentibo hindi dagdag na buwis ang online entrepinoys

Imbes na patawan ng buwis, hinimok ni Senador Win Gatchalian na tulungan ang mga maliliit na online entrepinoys sa bansa sa pamamagitan ng paglalaan ng dagdag na puhunan at iba pang tulong pinansiyal para mapalago ang kanilang negosyo.

Ayon kay Gatchalian, dapat isama ang mga online sellers sa microfinancing program ng Small Business Corporation (SB Corp.) upang mabilis na makabangon sa krisis na dulot ng pandemiya. Ang SB Corp ay isang Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) at kalakip na ahensiya ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ang SB Corp ay naglaan ng isang bilyong pisong Enterprise Rehabilitation Financing facility sa ilalim ng Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (Covid19 P3-ERF) upang umagapay sa mga maliliit na negosyo o micro and small businesses.

Ang SB Corp microfinancing program ay nag-aalok ng mababang interes na hindi hihigit sa 2.5% kada buwan at hindi nangangailangan ng kolateral. Ang mga micro enterprises na may pag-aaring hindi hihigit sa 3 milyong piso ay maaring umutang ng sampung libong piso (Php 10,000) hanggang dalawang daang libong piso (Php 200,000). Samantala, ang mga negosyong tinaguriang small enterprises naman na may pag-aaring hindi hihigit sa sampung milyong piso (Php 10 million) ay maaring umutang ng hindi hihigit sa limang daang libong piso (Php 500,000).

Maliban sa pagbibigay ng pang kapital, sinabi ni Gatchalian na dapat gamitin ng DTI ang Philippine Innovation Law upang lalong maging competitive ang online sellers. Ang Philippine Innovation Law, na isinusulong ng Senador noon pang 17th Congress, ay naglalayong tulungan ang mga maliliit na negosyo o marginalized (micro, small and medium enterprises (MSMEs) na maging bahagi ng pandaigdigan at lokal na daloy ng produkto at serbisyo sa pamamagitan ng pag-innovate o pagpapabuti ng kanilang mga produkto o serbisyo.

"Ang DTI ay dapat magbigay pa nga ng puhunan sa mga Pilipino na nawalan ng trabaho at gustong makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagnenegosyo sa online. Sa ganitong panahon ng pandemya, mas magandang nasa tahanan lang sila at nag-nenegosyo. Nabibigyan pa nila ng trabaho ang mga delivery service riders," ayon kay Gatchalian.

"Hindi lang basta ayuda ang hinihingi ng mga negosyanteng ito. Ang hinihingi nila ay malaya silang bigyan ng oportunidad na makapag-negosyo para may kita sila," dagdag pa ng senador.

Kamakailan lamang ay kinastigo ni Gatchalian, Vice Chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa panukala nitong patawan ng buwis ang online sellers. Banat niya, ang galawang ito ay wala sa timing at insensitibo.

Pinuna din ni Gatchalian ang makalumang sistema ng pagpaparehistro ng negosyo sa BIR kung saan kinakailangan pang pumunta mismo sa ahensiya sa kabila ng panganib na dulot ng COVID-19.

###

News Latest News Feed