Press Release
March 7, 2019

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar after the Hugpong ng Pagbabago Campaign Caravan in Las Pinas, March 6, 2019
(On El Nino, Rice Tariffication Law, Coco Levy bill veto, Forbes Richest Filipino)

Q: On El Nino

Villar: Maraming sinasabi ang Department of Agriculture, unang-una kausap na nila ang Air Force magka-cloud seeding sila para ma-encourage ang rainfall. Tapos mamimigay sila ng mga seeds para medyo baguhin yung planting season para itatanim yung kaya na mas less water at hindi muna itatanim yung kailangan ay more water. Magre-reschedule ng planting season at medyo mag-iiba ng crops kasi hindi naman natin kayang labanan ang El Nino. This is a natural phenomenon so gagawin natin ang lahat para hindi masyadong maapektuhan ang farmers sa El Nino.

Q: Ano-anong crops ito?

Villar: May mga vegetables na hindi naman kailangan masyado ang tubig. Kasi kung walang tubig dapat ang itanim mo hindi masyadong nagde-demand ng more water. At alam naman nila iyan, they will be distributing seeds then medyo mag-iiba ng planting season.

Q: Sa rice tariffication law daw mas tataas ang presyo ng bigas? Hindi na makakabili ang ating mga kababayan ng P25 na NFA rice?

Villar: Hindi po. Wala pong nagbago sa budget ng NFA, P7 billion pa rin. Ang instruction nga sa kanila huwag silang makialam sa import, mamili sila sa local. Gamitin nila ang pera nila para mamili sa local rice farmers. So bakit mawawalan sila ng supply ng local rice?

Q: Iyong local rice na iyon ibebenta nila in a lower price also?

Villar: Talaga namang dapat lower, diba ang range nila is P27 to P32. Bibilhin nila iyon tapos ibebenta nila ng P27 per kilo. Iyong P7 billion na iyon iyon ang gagamitin nilang working capital kasi hindi naman nila ipinamimigay ang rice, ipinagbibili rin nila so iyong P7 billion iyon ang working capital nila. Iikot nila iyong P7 billion.

Q: Makakabili pa rin murang rice after August?

Villar: Oo, mas mumura. Last time naman hindi tayo makabili ng mura diba, P45, P55, P65, bakit ngayon nagwo-worry tayo eh bumababa na? In fact, bumaba na ang inflation rate natin, 3.8 percent, within the range ng Central Bank na 2 to 4. Dati 6.7.

Q: Hindi ba malulugi an gating local farmers kung sakali na bilhin ito ng NFA?

Villar: Babayaran sila. Diba minimum na bili sa kanila P17? Iyon ang rule, eh. In fact, ngayon P20 pa may premium na P3. Pero ang talagang guideline is they buy the rice from the local farmers at P17. Ang puhunan doon ng local farm,ers, P12, so may kita silang P5 for every kilo.

Q: Iyon pong rice tariffication ginagamit na isyu sa inyo?

Villar: Bakit magiging issue sa akin? Ang rice tariffication bibigyan ng buwis ang imported rice para protektahan ang local farmers. At iyong proceeds ng buwis ay ibibgay sa local farmers para sila maging competitive. Iyon ang tinatawag na Rice Competitiveness Enhancement Fund or RCEF.

Q: On NFA

Villar: Dati nang ganyan ang system na binigyan ng pera nag NFA to buy rice bakit natatakot sila ngayon? Ganoon din naman ang system. Dito pa, ita-tax ang imported. Tapos lahat ng proceeds ng tax ibibigay pa sa local farmers para bigyan sila ng machinery, bigyan sila ng seeds, bigyan sila ng credit, bigyan sila ng training. Kasi wala na tayong magagawa kasi pinirmnahan natin noong 1997 iyong WTO agreement that after 22 years, magli-lift na iyong quantitative restriction on importation of rice so kailangan itariffy natin ang import para maprotektahan ang local farmers. At iyong tariff na makokolekta natin doon ipamimigay natin sa local farmers para gamitin nila para sila ay mag-mechanize, bigyan sila ng better seeds, bigyan sila ng better credit at bigyan sila ng training through TESDA.

Q: Walang dapat ipangamba?

Villar: Wala silang dapat ipangamba. Hindi nyo ba naiisip na baka ang umaayaw ay iyong nawawalan ng hanapbuhay na mga cartel?

Q: Paano po natin ma-eradicate iyong smuggling?

Villar: Whether makakolekta sila or hindi, nilagay na sa national budget ang P10 billion for the local farmers. Problema ng Customs iyong mangolekta sapagkat whether makakolekta or hindi, bibigyan nila ng P10 billion a year ang local farmers.

Q: On implementation of rice tariffication

Villar: Yes, I think this is a good model. Syempre ang pagi-implement niyan ay malaking bagay kaya ako naman as a senator, mago-oversight ako diyan. Babantayan ko how they will spend the RCEF and make sure that this Rice Competitiveness Enhancement Fund na nanggaling sa tariff ay magamit nang maayos para finally, iyong ating mga farmers ay makaproduce ng murang bigas because of mechanization and better seeds and training and cheap credit.

Q: On coco levy bill veto

Villar: I-refile natin. We will refile it as soon as we come back to Congress. I will assure you that within the year, we will pass it again. At this time, it will not be vetoed. Kasi mag-uusap na kami nang masinsinan kung ano ba iyong reason for the veto.

Q: Sabi ng Presidente na gusto niyang masecure na hindi mapunta sa corruption?

Villar: Alam moa ng corruption will depend on who will implement. Maski na ang ganda-ganda ng batas pag luko-luko talaga ang mag-iimplenent, there will be corruption. Ngayon kami, oversight kami, we will see to it na as much as possible, huwag mapunta sa corruption. Kami po ang oversight niyan.

Q: Ano po ka ang naging loophole?

Villar: May mga detalye silang siansabi na minor things na dapat nga sinabi nila sa amin agad para na-address namin iyong problem na iyon. But I will go back to the Senate, refile again and within the year I will try to pass it again.

Q: Sabi po ng Forbes Magzine, si Senator Manny Villar ang pinakamayamang pinoy. May pangangailangan pa daw ba on your end to be in the Senate and Sec. Mark to be in DPWH?

Villar: Kami ay nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang binigay sa amin. Makakaasa kayo na dahil mabait naman sa amin ang Diyos, magsisilbi kami ng tama sa ating mga kababayan.

News Latest News Feed