Press Release
April 16, 2018

Ambush interview TNVS, Boracay, electricity rates & endo
SENATE OF THE PHILIPPINES

TNVS

Q: Sir, ano po ang masasabi niyo regarding sa TNVS kasi parang Grab na lang po ang meron ngayon?

SEN WIN: Oo nga eh. Dito natin makikita na ang technology ngayon ay wala nang jurisdiction. So ibig sabihin ang transaction, nangyayari sa abroad pero tayo naman ang dehado dito kasi i-pu-pull-out lang nila ang app sa telepono, in this case, ang Uber app. Ang importante dito ngayon ay ang dalawang regulators natin, ang LTFRB at ang PCC (Philippine competition Commission), dapat bantayan nila ang bagong monopoly. Ang tawag ko dito ay monopoly dahil isa na lang siya. Tingnan nating mabuti, for example, magkano ba ang singil nila sa Singapore? Sa Indonesia? Hindi puwedeng mas mataas ang singil nila dito kompara sa ibang bansa. At the same time, ang transparency, dapat malinaw talaga na puwede lang silang maningil kung aprubado ng LTFRB, hindi sila puwedeng maningil kung hindi dahil nang-iisang provider na lang sila ngayon. They should also be transparent sa pagbibigay ng resibo, in other countries kapag sumakay ka may resibo sila at mandated ang taxi driver o ang TNVS driver na magbigay ng resibo para klaro kung ano ang sinisingil at aprubado ang sinisingil.

Q: Sir, is there a necessity na pumasok na agad na bagong player para maiwasan na Grab lang ang TNVS.

SEN WIN: Yes at sana bilisan na rin nila. Ang alam ko may mga nag-a-apply ngayon, yung Go Jek Indonesia, sana bilisan na rin ang pag-approve dito. In the meantime, dapat bantayan muna ng mabuti, monitoring ang mahalaga dito dahil puwede silang mag-charge ng mag-charge ng hindi natin nalalaman dahil ang lahat ng ito ay digital application-based. So importante talagang bantayan ng LTFRB kung ano ang tsina-charge at ang PCC kung ang tamang mga practices para walang pang-aabuso ang mangyayari.

SEN WIN: Sir, wala bang na-violate na batas ang Grab sa pagbili sa Uber dahil nawawala ang competition hindi po ba?

Q: Yes, in this case, dahil nangyari ito sa abroad, wala tayong jurisdiction at technology-based ito eh, ito ang tinitingnan natin sa batas kung in the future, kung mayroong mga technology-based na services ay dapat mayroon ding saklap ang PCC para hindi naman maabuso ang ating mga consumers.

SEN WIN: Pero ang ibang mga applicants, yung sinasabi ng LTFRB na apat pa, puwedeng bantayan ng maigi?

Q: Itong apat will serve as a competition, mas maraming competition, mas maganda para sa mga consumers. Mas mababa ang presyo at makakapili tayo. Pero sa ngayon kasi ang nag-o-operate na lang ay ang Grab, wala pa silang competition so ang pinakamahalaga dito ay bantayan ng mabuti ng LTFRB ang mga charges na pinapataw sa consumers at importante dito ay transparency. LTFRB should implement an education forum para i-explain nang mabuti sa consumers kung ano ba ang dapat nilang bayaran, maging klaro sa mga riders natin kung ano lang ang aprubadong bayaran.

SEN WIN: Sir, madami nang nakaka-experience na kinakansel o pinahihintay sila ng Grab driver, how can we address these issues?

Q: This can be viewed as anti-competitive behavior at dapat bantayan talaga ng gobyerno kung ano ang mga practices na ginagawa abroad. Hindi dapat iba ang services na binibigay dito sa Pilipinas. For example, ang Grab naman ay present sa iba't-ibang bansa so kung ano ang ino-offer nila roon, ganoon din dapat dito sa atin at dapat hindi kulang.

SEN WIN: Dapat po Sir ay mas higpitan ng LTFRB ang monitoring.

Q: Yes, tama in the meantime, nag-iisa pa lang ang nag-o-operate kaya dapat i-monitor ng mabuti. I-monitor ang abuses, i-monitor na hindi nila aabusuhin ang ating mga consumers. The second phase is to accredit the new players that will come, dahil marami naman ang gustong mag-operate sa atin dahil lumalaki ang market natin at marami talaga ang gumagamit ng mga TNVS.

SEN WIN: Sir, ang sina-suggest niyo na benchmark ay sa kita o sa pasahe?

Q: Pareho, sa kita, sa pasahe, at sa services. Yong post-structure ng mga TNVS available yan eh, makikita natin for example per kilometer magkano sa Singaore, per kilometer magkano sa Malaysia? dapat hindi tayo mas mataas doon. Kung may mga extra charges sila sa Malaysia at Singapore, dapat hindi tayo mas mataas doon. This is the type of benchmarking that should be very clear. Dapat maging pro-active ngayon ang PCC para mabantayang mabuti for possible anti-competitive abuses.

SEN WIN: May isang Congressman, humingi yata ng receipt, lumilitaw na per minute may tsina-charge na two pesos ang Grab?

WIN: Yes nakita ko nga yung issue na yun. We're waiting for the official statement of LTFRB dito sa sinisingil na per minute. Parang hindi naman tama na per minute yung singil dahil di naman to telepono or internet. So ang typical singil ng isang taxi or sasakyan ay dapat per kilometre.

BORACAY CLOSURE

Q: kuryente sa issue sa Boracay, reason para mag request ang LGU (Local Government Unit) ng boracay to subsidy?

WIN: It should not be the local government of Boracay, it should be the electric coops sial ang nakakaalam kung itong pag sasara ng Boracay ay makakapekto sa kanilang operasyon. Sa aking estimate makakaapekto pero hindi gaano kalaki. Hindi yung one peso na sinasabi na tataas yung singil masyadong malaki na yun. Ang pagsara ng Boracay can affect he operations of the electric coops but I don't think it will be in the range of 1 peso.

Q: Computation?

WIN: we have to look at the subscriber and consumer base first but definitely it is not one peso.

Q: Yung mga cooperatives daw parang nanghihinge ng tulong sa NEA dahil kapag nagsarado ay marami ang maaapektuhan.

SEN WIN: Kapag nagsarado, walang revenue, tataas ang overhead, ang overhead ipapasa sa iba. May possibility na ganyan dahil ang overhead, fixed-cost yan eh, kung mababawasan ang kita nila, ipapasa nila sa iba ang overhead.

Q: Justified yun?

SEN WIN: Justified yon para hindi magsara ang electric cooperatives pero as to how much, we have to study that carefully kung magkano ang ipapasa nila but in principle may ganoong epekto.

Q: Sino po Sir ang pwedeng mag-subsidize ng projected loss if ever? Kakayanin ba ng NEA?

SEN WIN: There are two ways para hindi malugi ang electric coop, una ipapasa nila doon sa mga consumers outside of Boracay Island. Ibig sabihin, tataas ang presyo ng babayaran ng mga consumers outside Boracay. Pangalawa, NEA will subsidize but we discourage subsidy dahil kukunin sa lahat ng taxpayers ang subsidy that's why the sooner we can open Boracay, the better, even for the electric coops kasi meron silang fixed overhead na puwedeng ipasa sa consumers.

Q: Is it fair Sir na yung mga consumers outside Boracay ang mag-shoulder?

SEN WIN: That is why there are two modes, kaya pag-aaralan yun ng mabuti dahil parang force majeure ang nangyari dito, the government can step in dahil hindi control ito ng mga consumers outside Boaracy island, lumalabas na force majeure sya and the government can step in sa subsidy. Pag sinabi nating subsidy, buong Pilipinas yan, tayong lahat ang magbibigay.

Q: Don't you think the better option is doon lang sa other areas ng Boracay?

SEN WIN: First of all, we have to determine magkano ang dapat isingil, tingin ko kung maliit lang naman, NEA can subsidize.

Q: can the coops survive within the period of operations?

WIN: I think they will survive because Boracay is just a small part of its franchise area. Yun na nga no mababawasan yung revenue ng cooperatives but papasa yung overhead sa iba. So doon ko nakikita yung pagtaas ng kuryente ng onti pero hindi one peso yun for sure. Q: so consumers talaga yung maapektuhan?

WIN: consumers of that franchise area ang maapektuhan.

Q: Hindi gaano?

WIN: ang tingin ko hindi, dahil ang Boracay is a small area as part of that franchise area.

Q: So the simple households can still shoulder expenses?

WIN: it will probably increase ng onti but sakin estimate hindi one peso yan eh. So dapat pag-aralan ng ating pamahalaan itong pagsara ng Boracay island at kung paano ito makakapekto sa electric cooperatives at doon sa mga nakatira outside Boracay island. Kung magtataas sila ng presyo dahil sa Boracay island sigurado sisingilin ito sa mga subscriber o consumers outside Boracay but within the franchise area.

Q: Sir 1.58 centavos daw ang itataas according to NEA?

WIN: I don't think that should be as high as that so we have to review, kung ganun ka taas then we might need to review that computation.

Q: Sir effective na dawt toh in the next billing cycle?

WIN: bilis ah, I have to review it. Sakin estimates maliit lang ang Boracay compared to the entire franchise area.

Q: Sir hindi ba pwede na i-retro na lang? singling na lang pagbukas ulit ng Boracay?

WIN: Meron mga cases naman na hindi isang bagsakan ang singil eh. Pwedeng one year, pwedeng one year and a half. Definitely ang estimate ko hindi ganyan kalaki.

INCREASE IN ELECTIRCITY RATES

Q: Ang possible increase po sa May due to TRAIN, 20 centavos per kilowatt hour sa tingin nyo po ba matutuloy yun?

SEN WIN: Yung nasabi ko before was due to the increased prices in coal and depreciation of peso although as early as February, nagsimula ng maningil ang mga oil companies dahil tumaas ang taxes na binabayaran nila in 2.50 excise tax, yung mga ibang areas na diesel ang ginagamit kunyare itong mga island natin puro diesel ang ginagamit, nag-umpisa na ring magtaas ng presyo. Ang importante dito, tama ba ang pagtaas? Hindi dapat sobra at labis ang pagtaas.

Q: Ang projection nga po Sir ay 20 centavo per kilowatt hour, sa tingin nyo tuloy yun?

SEN WIN: Natuloy yun.

Q: Ang sinasabi nyo na May, iba pa po yun?

SEN WIN: April-May, more or less, summer months. Nakita ko nag-increase na ang Meralco ng 23 centavos per kilowatt hour, so ito na ang epekto ng pagtaas ng presyo ng coal, pag-depreciate ng peso.

Q: Are there further increases in the next coming months?

SEN WIN: In my projection, I think in the next two months, wala na akong nakikitang dahilan para tumaas pa ang presyo ng coal, nagpa-fluctuate yan eh so nag-stabilize na sya.

Q: Yung 23 cents Sir, within projection naman siya?

SEN WIN: More or less yes, nasa ganoon naman an gaming projection. Ang mino-monitor namin ngayon ay ang presyo ng coal at ang pag-depreciate ng peso. Ang peso naman natin ay lumalakas rin so I don't expect any increase in the power rates hopefully in the next 60 days.

ENDO

Q: Labor sector on endo? Hindi na tuloy ang dialogue with the President with no reason? And hindi pag sign ng Presidente sa EO?

WIN: the President is balancing the welfare of our workers and also the operations of businesses. Ang aking position on that is hindi tayo pwede magkaroon ng endo o pagkawala ng endo sa lahat ng negosyo. This cannot be applied to all business dahil iba-iba ang nature ng negosyo. So ang mahalaga dito ay pag-aralan mabuti ang industriya. For example, sa tourism business may seasonal yan so ilan diyan ang dapat na contractual lamang pero pag dating sa fast food, wala naman seasonal yan 24/7 365 days ang operations so dapat hindi pinapayagan ang contractual diyan. Yung contractual naman is only applicable to businesses na may seasonality pero kung wala kang seasonality, dapat i-regular ng kumpanya yung mga workers nila.

News Latest News Feed