Press Release
March 26, 2018

Sen. Bam on genuine opposition slate in 2019 elections (Transcript of media interview)

Sen. Bam: Well, palagay ko mahalaga na magkaroon ng isang coalition opposition, independent slate sa susunod na eleksyon. I think that's important, mahalaga na magsama-sama iyong mga tao na handang manindigan, handang tumutol sa polisiya ng administrasyon. Mahalaga ito, and I think in the next 2019 elections, you will find that there will be two slates - isang admin slate, isang opposition slate. Kung sinu-sino ang mga taong ito, siyempre, nag-uusap usap pa, and our politics is very fluid. But I think it's important para sa ating demokrasya na merong naninindigan din, na handang na mag-oppose sa administration slate, at administration party.

Q: May definite names na po ba?

Sen. Bam: Of course, iyong mga incumbents are very welcome to be part of the slate, marami ring bagong mukha na nakikita at pinag-uusapan, but at the right time, this will all be revealed at pag-uusapan. Ngayon, medyo maaga pa. Sa totoo lang, a year and a half before the elections, dapat yung pinaguusapan natin yung mga kailangan ng taongbayan. But just to mention that when the time comes, I think mahalaga na merong mga grupo na nagsasama-sama at nagtutulungan para maging isang maayos na coalition opposition slate.

Q: Sir, paki-expound lang po yung The Resistance, I'm sorry, I don't know anything about this. Alin ang mga party na most likely kasama dito, or ilan sa mga sure na kasama niya, ninyo siguro for 2019?

Sen. Bam: Well, unang una, yung pagkabanggit kasi ng The Resistance, ang ibig sabihin natin diyan, may pangangailangan ng isang national coalition opposition slate come 2019. There's a need to have an opposition slate, there is a need to have a slate that's independent from Malacanang, na handang tumutol at ipaglaban yung mga polisiya na hindi nakabubuti sa ating mga kababayan. Kung sino-sino po ang mga miyembro nito, that's still very fluid. Of course, bukas iyan sa mga incumbent, bukas iyan sa mga bagong mukha, pero kinakailangan po handa na magsama-sama dito sa hangarin na tutulan yung mga polisiya ng administrasyon na hindi nakabubuti sa ating bansa. As this is still unfolding, of course, magre-reveal iyan ng mga pangalan, ng mga grupo, and you will be surprised, I think. There will be traditional political parties involved, there will be new groups involved also, and this is a process right now na pinagdadaanan rin ng oposisyon.

Q: Okay. Dagdag ko lang sir, so certain na siguro yung mga LP, nandiyan?

Sen. Bam: Well, right now, ako lang kasi yung LP re-electionist Senator. So we'll see kung merong mga idadagdag pa. But, what's clear to me is that this will have to be a coalition. Hindi lang ito puwede mula sa isang partido, kailangan na lahat ng mga grupo ngayon na may agam-agam tungkol sa mga polisiya ng administrasyon, lahat ng mga grupo po ngayon na meron pong pinagtututulan ay palagay ko po kailangan magsama-sama rin come 2019.

Q: Meron bang tatalon from PDP to...?

Sen. Bam: I don't know. Hindi pa natin alam. Sabi ko nga eh, baka by next year mas marami na rin yung minorya. So tingnan natin kung ano yung mga hakbang diyan, but definitely, ito siguro yung kaklaruhin ko - yung mga independent, yung mga hindi sumasang-ayon sa lahat ng mga proklamasyon at polisiya ng administrasyon - meron rin silang pangangailangan sa ating lipunan na magsama-sama kami.

Q: Ano yung mga key policies ng administrasyon na tututulan nitong The Resistance?

Sen. Bam: Well, clearly, yung mga nangyayaring patayan at karahasan sa ating bayan. Yun siguro, kailangan talagang tutulan na. Libu-libo na po yung mga nabiktima ng ating giyera kontra-droga, kailangan na ng mga reporma diyan. Pangalawa siguro, yung pagtaas ng presyo ng bilihin, pagtaas ng presyo ng bigas, pagsisigurado sa trabaho ng ating mga kababayan. Yun, mga pangunahing paguusapan at pangunahing hangarin ng grupong ito.

Q: Federalism, kasama?

Sen. Bam: Again, we'll talk about Federalism kapag nagsama-sama na yung mga grupo, pero yung isa sigurong gusto nating makita, matuloy ang eleksyon sa 2019.

News Latest News Feed