Press Release
March 5, 2018

Sen. Bam on solutions to Nakaw-Load, and CJ Sereno impeachment

Q: Sir, paulit ulit na po kasi, how can we assure this time na this won't happen again?

Senator Bam: Well, ang maganda doon sa hearing, there was a very clear solution na na- present. By the next hearing which will be by the end of March, we hope that our telcos will be able to mention na sumusunod na sila sa solusyon na ito; at iyon ay yung bawat load na ibabawas po sa atin, kailangan po mayroon tayong notification at kung nakita natin na hindi tama ito, mayroon tayong oras para i- complain ito at ibalik yung pera po sa atin. I think yung naging problema kasi, may mga value added services na hindi naman talaga tayo nag- opt in pero kinakaltasan tayo. May mga panahon na nagugulat na lang tayo, doble o triple yung charge sa atin.

Every transaction, bawat bawas, bawat pasok, dapat po mayroon tayong notification. At bawat subscriber, pwede po nilang itago yung thread na iyan para may pruweba tayo kung saan po napupunta yung ating pera sa ating load wallet. It is a very simple solution. We are hoping that the two telcos can agree to it already. Sa ngayon po, mayroon talaga tayong batayan kung saan po napupunta yung load natin. Pangalawa, mahalaga po siguro na kasuhan natin yung mga value added service providers na nanloloko sa ating mga kababayan.

Yung lumabas kanina, isipin ninyo mayroon mga pop-up sa iyong telepono. Kapag clinick mo yung 'x' ibig sabihin opt in. Saan po naging naging tama iyon? Saang mundo po naging tama iyon? Obviously, mayroon pong panloloko na nangyayari dito. Dapat yung bawat panahon na mag-oopt in tayo, napakalinaw. In fact, sabi nga noong ibang telco, they want to institute a two- step process. Hindi lang yung pumindot ka ng isang beses, suddenly naka- opt in ka na at araw- araw binabawasan ka ng load.

So, there are clear solutions and clear steps na kailangang gawin po natin and we also ask the NTC, the ICT, DTI na magkaisa po sila kasi ang rami din pong ahensya. Sometimes, nalilito din yung mga kababayan natin kung saan po sila pupunta. Sana malinaw na. Sino yung pwedeng puntahan? And dapat ho within 24 hours, kung mayroon kang complaint, mabalik ho kaagad yung load po sa inyo.

Q: Sir, clear po ba yung sagot ng SMART at ng GLOBE doon sa gusto nyong notification every time may in or may out sa load nila?

Senator Bam: Well, to be frank, I don't think they can commit to that right now. Siyempre, kailangan nilang kausapin yung head office. But informally I think it's a good solution and I don't think it will cost much. Hindi naman iyan malaking cost po sa kanila. At the same time, magiging malinaw na po sa ating lahat kung saan po napupunta yung ating pera.

Q: Sir, hindi ba kailangan ng...

Senator Bam: Sometimes, nagugulat na lang tayo wala na tayong load. Hindi malinaw.

Ang hinahanap po natin, bawat pasok at bawat labas ng pera sa load wallet, kailangan po malinaw. Kapag ni-notify ho kayo na mayroon po diyang hindi kayo nag- opt in, you should have a certain grace period to be able to complain at maibalik yung pera ninyo. That, I think, is one of the best solutions na pwedeng gawin habang pine- penalize po natin yung mga value added service providers na nanlilinlang po sa atin.

Q: Sir, will you draft a law to mandate that?

Senator Bam: That can the output of the committee. But as we know, laws take time.

Ang hinahanap po ng mga kababayan po natin, ngayon na yung solution. So maybe in a sign of good faith, they can institute new procedures, bagong mga patakaran po para mawala na po itong problema natin habang binubuo po iyong batas.

Q: *inaudible*

Senator Bam: Well, alam mo hindi ko naman masabi agad agad na may shortcomings yung mga ahensya natin. Siguro, ang hinahanap po ng taong bayan, mas mabilis na action. I think right now, kung magcomplain ka sa Facebook o magcomplain ka sa Twitter, mayroon naman pong pupunta sayo. But alam naman natin, mas marami po tayong kababayan, hindi na sila nagcomplain sa Facebook o Twitter. Nangyari na lang po ito sa kanila. At kailangan, may paraan na maibalik po yung pera sa kanila at hindi po makaltasan yung kanilang load wallet na wala naman po silang in-opt in talaga na value added service.

Q: Sir, kung yung Globe may system- wide refresh, anong ginagawa ng Smart ngayon?

Senator Bam: Well, yung system-wide refresh ng Globe I think, mahalaga po iyon. Nabanggit po nila na starting today until the end of the week, they will opt- out everyone para start fresh po itong vast system na ito.

In fact, I think if there's one thing na naibigay po itong hearing natin, is that opt-out ng lahat ng subscribers. Kasi from now on forward, magiging malinaw na po sa tao kung saan po sila nag- opt in at saan hindi. Kung nababawasan po yung kanilang load, malinaw po kung saan po ito nababawas.

Now, I am suggesting even Smart does that. Yung isa ding pong sinuggest natin, isang system audit ng lahat ng value added service provider. Alam niyo po, ang telcos po natin, kumikita din sila sa ating *inaudible*. They earn a percentage of that so they are also responsible dito. At kailangan, maganda siguro, hindi naman yan lumalampas ng dalawang daan, ma- analyze po nila ano ba yung mga ginagawa nitong kanilang ka-partner at kung mayroon pong hindi magandang ginagawa dyan, tanggalin, i-black list, kasuhan. I think hinahanap din yan ng taumbayan especially kung mayroon na pong panlilinlang na nangyayari.

(NOTE: Globe system refresh will start tonight March 5 up to March 10. This will automatically opt out subscribers from value added services (VAS). The system refresh will start in batches until completed by March 10.)

Q: *inaudible*

Senator Bam: Well, in the next hearing, ang unang unang gusto kong marinig sa next hearing ay napag-usapan na ito and that they agree that they will change their procedures pagdating sa pag-handle ng load wallet natin. I will go back doon sa suggestion ng Internet Society. Dapat kada- labas, kada- pasok, mayroon tayong notification para yun na rin po yung parang resibo po natin sa ating load wallet at hindi po tayo pwedeng manakawan ng basta basta.

Q: Sir, clarification, every pasok, every labas so kahit bawat text lang makakakuha ulit ng update? Hindi ba parang medyo *inaudible*

Senator Bam: Alam mo, unang una kapag nakakakuha ng notification, posible ngang annoying yan pero atleast may tala ka na eh. Mayroon ka nang listahan ng lahat ng pinaggagamitan mo. I would propose that para atleast yung bawat kababayan natin and as we know, mas marami sa mga kababayan natin yung naka- prepaid, talagang malinaw kung saan napupunta yung pera nila at kapag mayroon kang nakita na binawas sayo na hindi mo ginawa, you should be able to complain right away and be able to refund right away.

Q: *inaudible* o value added service lang?

Senator Bam: Well, I guess we can get into detail sa next hearing natin but I would suggest na malinaw kung saan binabawas yung load wallet natin, malinaw sa mga subscribers natin kung saan ito napupunta. Mahirap kasi yung isang research speaker natin, apat na beses siya nakaltasan ng six pesos, isa beses lang dapat. Isipin mo, kung may tala siya, she has proof. May proof siya na pwedeng ipareimburse agad yung charges na iyon. Yung nangyayari ngayon, gulatan. Nagugulat na lang yung mga tao, isang daan nabawas na. Dalawang daan, nabawas na. And if there is no proof na dapat nabawas yun sayo, then dapat may case ka talaga to get the refund. Malinaw po iyon. I think that is something na ngayon po na napakalawak na ng issue na ito, napakarami na pong nagko-complain, palagay ko iyon, isang simpleng solusyon para po ma-check ho natin kagad itong nakaw- load issue na ito.

Q: Sir, malinaw po kasi magtetesting yung isang telco, hindi po ba magpataw sila ng bagong charges kapag ganyan?

Sen. Bam: Well, napaka saklap nun. Magnonotify sila, ikaw pa nagbayad. At least naklaro rin natin na yung tawag sa kanilang consumer complaint, wala naman pong charge. We will hold them to that, na lahat ng complaint natin, dapat hindi tayo chinacharge. Nawalan ka ng sampung piso, pagcomplain mo pala, kinse pesos diba. So, that's something, I think, was a good commitment on their part. Na itong complaint process, hindi nila dapat chinacharge yung consumer.

Q: *Inaudible*

Sen. Bam: It would probably end up in legislation. Kaya lang, as we know, legislation takes time. And maraming papasok dito, magkaka-impeachment, magkaka-con-ass. Ang hinahanap natin is that by next hearing, end of March, itong mga agreements natin, nakapag-agree na tayo, then we can also work on the law at the same time.

Q: Sir, will these work out.. *inaudible*

Sen. Bam: Hindi po. Ako kasi, puwede tayong gumawa ng karapatan ng ating mobile subscribers. I think may mga Senators na rin na nag-file ng ganiyang klaseng bill. We can seek to support that, at maging malinaw lahat ng transactions natin sa ating *inaudible*.

Q: Meron din po ba yung telcos, *inaudible*, makita yung consumer, hindi naman babawasan?

Sen. Bam: Opo. Yes, kahit now, lahat naman ng notification na binibigay sa ating consumers, wala namang dapat bawas yun. But of course, hindi naman nakapag-commit kaagad yung ating telcos dito. Kailangan pa nilang tanungin iyan sa kanilang headquarters, which is why gusto po natin sa next hearing, end of March, we could come to the table na meron na tayong solusyon para sa problemang ito.

Q: Sir, magkano nga po yung naka-register na nakaw-load na kailangan i-refund ng Globe and Smart?

Sen. Bam: Ako, kung wala kang opt in, at binabawasan ka, kailangan talagang irefund iyon. I think that's very clear. In the cases naman na naraise dito, narefund naman sila. 50 pesos, 30 pesos, narefund. Pero isipin niyo, isang katerbang trabaho iyon. Ilang minuto yung tawag sa kanilang consumer, complaint, nag-post sa Facebook, for 30 pesos. So we should find a way na magiging mas madali itong pagrerefund ng telcos, hindi dapat ganun kahirap itong proseso ng pagrerefund natin.

Q: *Inaudible*

Sen. Bam: Ang nabanggit po nila, meron silang 3 months-worth of records. Palagay ko kung araw-araw nakukuha niyo yung notification kung saan napupunta yung load niyo, I think three months would be enough. But we're looking for better practices mula sa ating telcos. We're looking for a commitment and cooperation on their part para masolusyonan natin itong problema ng nawawalang load sa ating bansa.

Q: Sir, as far as you're concerned, gaano po dapat katagal... *inaudible*

Sen. Bam: Dapat within 24 hours. Kasi clearly, yung opt in naman na iyan, sa kahit ano, kahit bumili ka online, meron kang grace period na kunwari nagkamali ka ng pindot o nagkamali ka ng purchase, you have x number of minutes or hours para i-reverse yung transaction na iyon. I think that should be the case. Kapag natanggap mo yung notification, meron kang certain number of minutes or hours na puwede mong i-reverse iyon. But I think kung maiimplement natin yan nang maayos itong problema ng nawawalang load, mas masosolusyonan po natin ito.

Q: Sir, yung *inaudible*, as in parang ang bababa na ng inooffer nilang data services, na kapag lumagpas doon, mas malaki yung kakaining load.

Sen. Bam: Unfortunately, hindi namin napagusapan yung data cap, but we can raise that in the next hearing. Yung expiry, napagusapan rin natin. Kasi I think in the past, yung expiry talaga yung rason kung bakit po nawawala yung load, and at least na rin po ng NTC that starting July, lahat ng load ay 1 year na po yung expiration. And I'm hoping na matutuloy na po iyon. That's also one concrete step para masolusyonan po itong nawawalang load.

Q: Meron nang nagsisikap na...*inaudible*

Sen. Bam: Meron pong mga nag-file ng mga karapatan ng prepaid mobile subscribers, and we will look at that. Tignan po natin kung puwede yang isama dito sa output ng Committee on Science and Technology.

Q: Will you be allowed to bring that on the floor?

Sen. Bam: Right now, ang hinahanap natin, very short-term solutions, because yung problemang ito, talagang sumabog in the last few months. We're hoping that by the next hearing, in two weeks, magkakaroon po tayo ng concrete steps para masolusyonan po ito. In the end, we will probably be looking at legislation as well.

Q: Sir yung sinasabi ng DTI na criminal charges that they can file, *inaudible* VAS providers and telco ...?

Sen. Bam: Kailangan po kasi, yung ating business practices sa isa't isa, dapat po tapat. And lumalabas po talaga na itong ilang mga VAS providers ay talagang nanlilinlang. So we need to be clear, and we need to be definite dito. Kung meron pong ginagawang pangloloko, dapat na po silang kasuhan.

Q: *Inaudible*

Sen. Bam: Well, nabanggit po yung estafa kanina, but I think maraming batas na puwedeng tignan kung saan yung kanilang penalties. But definitely, kung may nanlilinlang po sa publiko, dapat silang kinakasuhan.

Q: *Inaudible*... Solicitor General against CJ Sereno. Sa tingin niyo ba dapat hayaan na lang matapos yung impeachment... *inaudible*

Sen. Bam: Well, ang alam ko po, ang complaint po sa mga justices ay natatackle po iyan ng impeachment complaint. So as i've said before, we are ready to tackle this issue when it comes to us. Nakakabahala po na yung napakalinaw na proseso sa ating Konstitusyon, iniiba po yung ginagawang mga proseso. Sana po mas maganda, hayaan nalang po yung Kongreso, hayaan na lang po yung Senado na gawin yung trabaho namin.

Q: Sir pano po iyon? Parang ang feeling nila, hindi mai-impeach dito kahit...

Sen. Bam: Of course, I cannot speak for them. But sa pagkakaalam ko po at sa pagkakaalam ng ibang mga Senador, siguro malinaw sa ating Konstitusyon na kung meron pong impeachment na gagawin sa ating Chief Justice o sino mang Justice, dumadaan po iyan sa impeachment complaint na dumadaan po sa Kongreso, at dumadaan po sa Senado.

Q: Sir, kung matuloy po yung discussion ng *inaudible*, sa tingin niyo po ba yung mga Justice na nagpressure kay Chief Justice ay ma- inhibit doon sa discussion?

Sen. Bam: To be honest, this is the first time I've heard about this, so maganda sigurong pag-aralan din kung ano talaga yung finile nila. But as far as I'm concerned and as far as I think a number of us are concerned, ang proseso po ng pagtanggal ng isang Chief Justice ay isang proseso na nakasaad po diyan na impeachment iyan. So itong pagbabago ng proseso, labag iyan sa ating Konstitusyon.

News Latest News Feed