Press Release
February 26, 2018

Transcript of Ambush Interview of Senate President Aquilino Pimentel III

On postponement of the SK and Barangay elections

SP Pimentel: Nasa House pa yan. Sa Senate, wala akong alam na nagfile. Pag pumasa sa House yan, ipapasa rito. Dun i-di-discuss namin.

Q: Pero sir kayo, ano ang stand niyo? Pabor pa ba kayo?

SPKP: Dapat mabigat na ang dahilan to postpone elections.

Q: Pero kung i-accommodate yung plebisito para sa Chacha?

SPKP: Separate naman ang plebisito for the new Constitution. You can even schedule that as a stand alone electoral exercise.

Q: So ano yung mabigat na issue for the barangay postponement?

SPKP: Wala akong maimagine. Hintayin natin ang whoever is the one proposing. Siya ang magbigay ng reason bakit.

Q: There's no condition ngayon...

SPKP: Wala nga akong maisip. Kaya nga hindi ako nagfile ng postponement kasi kung may naisip talaga ako na reason, papapostpone ko rin pero wala. Handa na yata lahat. Handa na ang Comelec. Handa na yung mga nakaupo. Handa na rin ang botante. Yung mga ayaw na nila yung kanilang mga kapitan, gusto na nila ng halalan para mapalitan.

Q: Two weeks nalang sir?

SPKP: Ang session namin? Oo. Tama po. Malabo pero depende sa House. Alam mo naman sa House kaya nila ipasa yan in one day. Pasa nila kagad sa amin. Pero dito sa Senate, mabigat na diskusyon yan.

Q: Mahirapan makalusot dito sir?

SPKP: Kasi yung last postponement, nahirapan na kami ilusot.

On the effect of the creation of a local party of Davao City Mayor Sara Duterte to PDP-Laban

SPKP: It should not have any effect kasi ang interpretation namin sa aming party constitution ay members of PDP-Laban can be a member of a local party and even of a partylist. Ang finorm naman ni Mayor Sara is a regional party which is also a local party. Wala dapat effect.

Q: Sir, to clarify lang, pwede kang member ng PDP Laban tapos pwede kang member ng local party?

SPKP: Yes. Pwede ka rin member ng partylist. Ito po ang interpretation namin ng aming party constitution. Technically speaking, there should be no effect.

News Latest News Feed