Press Release
February 21, 2018

Transcript of ambush interview with Sen. Joel Villanueva re Senate probe on OFW deaths in Kuwait

Q: Ano ang nakikita niyong policy change?

Senator Joel Villanueva: If there's one word to describe what we encountered today, it's 'unacceptable'. Maraming unacceptable systems na pinapatupad tayo. For example, kanina pinag-uusapan yung total deployment ban sa Kuwait. 'Yung recent development, we found out that they are still approving 'yung job orders. Tapos 'yung sa POEA, nasa batas natin 'yung pagpili ng mga bansa na kung saan tayo pwede magpadala ng OFWs. Medyo disappointing na mukhang 'di natitignan nang husto. Ang DFA is already saying na partially compliant lang sila and so why are we continuously sending? Very disturbing na 83, tapos 103, umabot na ng 186 in 2 years 'yung total deaths in the country, Kuwait alone. Ang tagal bago natin nakita ang red flag so iyon ang mga sistema na kailangan nating tignan na 'di tayo kailangang maghintay ng ganito karami na namamatay na bagong bayani natin. Mga kababayan natin na inilalagay sa freezer. Binanggit nga natin kanina yung mga kawani ng pamahalaan na supposed to be na dapat tumulong sa kanila, marahil sila ang dapat ilagay doon sa freezer.

Q: Mas maganda ba na i-amend ang batas o gumawa nalang ng bagong memorandum of understanding?

SJV: Well, unang nakikita natin 'yung isang malaking problema 'yung implementasyon, 'yung sistema ng pamahalaan ng pagmomonitor, 'yung counterpart doon sa kabilang bansa. Nakita din natin yung kahalagahan nitong ginagawa natin na kahit anong pagpapalit natin ng sistema kung mananatili yung kafala system na tinawag natin kanina na 'kafalan ng mukha'. Akala ho natin wala na hong slavery sa mundo na ito, eh meron pa rin palang modern-day slavery na nangyayari. At itong 'kafala mukha system' na ipinapatupad ng Kuwaiti government ay talagang gusto nating ipaalam sa kanila na masama ang loob natin sa tagal ng panahon na nagsisilbi ang ating kababayan sa bansang Kuwait, ang gobyerno ng Kuwait wala man lang utang na loob sa mga kababayan natin, sa mga Pilipino na nagsisilbi sa kanila lalong lalo na 'yung mga household service workers. Tayo ay sumusuporta sa total deployment ban hangga't hindi gumagawa ng paraan ang gobyerno ng Kuwait na mapanagot yung dapat managot sa nangyari kay Ms. Demafelis at di rin mapoproteksyunan ang ating kababayan kasi nga lumalabas na kahit anong gawin sa polisya natin kung yung kafala system na 'yan will continue to exist, eh wala ho talagang totoong proteksyon na mangyayari sa ating mga kababayan.

Q: Are you in favor na dagdagan ang bansa na lalagyan ng ban?

SJV: Dapat suriing mabuti, sinu-sinong mga bansa lalo na sa Middle East ang may ganitong patakaran. Dapat kapag ganito mayroon ding kaukulang ginagawa ang ating pamahalaan para magkaroon ng deployment ban o total ban. Again, nabanggit din sa committee hearing, just to air out, yung kahalagan ng communication protocols kasi kahit kami ritong mga senandor nalilito na at maraming katanungan kung ano ba ang protocols. Sino ba talaga yung bina-ban? Yung mga engineers natin doon, skilled workers, mga professionals. Mga nalito sila, nag-cause ng panic doon sa Kuwait dahil 'di alam. Are they being forced to be repatriated here in our country? So, things like that kailangan maging mas malinaw tayo. After 2 days, na nirelease yung deployment ban, dun lang lumabas yung department order at dun lang din nalaman na 'yung mga pwedeng magbakasyon sa Pilipinas, puwede palang magbakasyon. So, ito kailangan i-revisit natin at higit sa lahat, i-improve natin para bigyan naman natin ng hustisya yung mga modern day heroes na nagpapakabayani at nagsisilbi sa ibang lahi para lang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Q: Is the committee looking at permanently banning the deployment?

SJV: Well, tinitignan natin yung issue na yun at nakikipag-ugnayan tayo sa DOLE and for them to make a necessary recommendation dahil itong household service workers na nakikita natin ay very vulnerable. Binaggit din ni Secretary Mama-o na yung mga household service workers ang pumapasok sa tinatawag na kafala system o parang modern day slavery. Kinukuha 'yung cellphone, kinukuha 'yung passport. At doon sa kafala system o sponsorship system, 'pag umalis ang ating kababayan nang hindi nagpapaalam, may criminal liability na puwedeng harapin ang ating kababayan. Ito po ay napakahalaga na pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno.

News Latest News Feed