Press Release
February 17, 2018

Sen. Bam on implementation of free college law
(Transcript of media interview)

Q: Kaugnay po nitong, ang ganda kasi ng balita eh, free na ang tuition fee, kasama ang mga miscellaneous expenses pero bakit hindi pa po maipatupad ng ating mga kolehiyo?

Sen. Bam: Well, yan nga rin po yung tanong natin saka panawagan po natin sa CHED na iimplement na po as soon as possible itong ating batas ano. Ako po yung principal sponsor ng batas pong yan na ginagawang libre na nga po yung ating tuition and miscellaneous expenses sa ating SUCs, mga credited LUC at mga TESDA Run TVI. So kanina po si Director General Jean kasama rin po ninyo. So kasama rin po mga TESDA Run Technical Vocations Institutions dun po sa magiging libre na. Now, ito po batas natin, napasa po natin yan last year, napirmahan po ng president, August 3, naging batas po yan August 18 and yet February na po, Pebrero na po hindi pa din po iniimplement ng CHED. Ang sabi ho nila, sa susunod na lang daw po na school year no, na 2018-2019. Eh tingin naman po naming sa Senado na napondohan na po natin yan, 41 billion pesos. Yung kagustuhan po ng mga mambabatas ay ma-implement na po yan agad agad at marami pong estudyante at magulang, hinihintay na rin po yung ayudang iyan. Kaya ang panawagan po namin, implement na po iyan agad agad at ngayon po sa second semester ng school year 2017-2018, dahil nangolekta na o yung ibang SUC, siguro po sa kanila, dapat magrefund po sa mga estudyante ng mga kinolekta po nila.

Q: Pero, Senator, saan po ba nagkakaroon ng problema? Sa panig po ba ng CHED o sa panig po ng Department of Finance, baka wala pa pong pondong naibibigay o naire-release para sa CHED?

Sen. Bam: Well, hindi sila naging malinaw po sa amin. Nagsulat na po kami noong time po ni Chairman Licuanan. Ngayong time po ni OIC Popoy De Vera, nagsulat po kami, humihiling po kami ng eksplinasyon pero kasi alam mo Ruby, noong panahon noong budget, kasama namin sila. Kasama namin yung mga empleyado ng CHED at sabi namin, paano natin ito maiimplement agad-agad? So nagsuggest sila ng mga provision sa ating budget, nilagay naman po natin. Sinang-ayunan po yan ng Senado at Kongreso, so tingin ho naming, kailangan po na maimplement na yan. Nandyan po yun pondo, funded po ito. Nandyan po yung legal basis. Wala po talagang rason kung bakit di po nila iimplement ito. In fact, sobra sobra pa po yung pera para sa batas natin. Now, kung talagang may problema sila sa administration part o sa administrative part, edi mangako na lang sila ng refund kasi palagay ko yun pa po siguro yung pinaka-compromise po natin. Funded po ito, hindi po nila maimplement agad, siguro naman po bago mag-Marso, bago po matapos yung second semester, makapagrefund naman po sila sa mga estudyante na kinolektahan nila. Kasi alam mo Ruby and Neil, mayroon tayong probisyon doon sa batas, nakalagay bawal na pong mangolekta ng mandatory fee yung ating SUC. So technically, illegal na po kasi yung pagkolekta nila. Naiintidihan ko naman po yung ibang SUC kung wala naman pong ponding galing sa CHED, wala din silang pambayad sa mga guro. Wala din silang pambayad sa mga kuryente nila saka tubig so kinailangan nilang gawin iyan. What we're looking for mula sa CHED ay sabihin lang nila, 'Sige, we will fully implement come 2018 school year pero itong patapos na school year, magre-refund po kami dahil nararapat lang na yung estudyante natin saka mga magulang, maranasan na po yung tulong na gusto pong ibigay ng gobyerno po sa kanila.

Q: Okay, Senator, dito po sa batas, tinitingnan ko po, ang sinasabi dito, libre ang tuition fee kasama po ang miscellaneous fees?

Sen. Bam: Yes. Actually, Ruby, to clarify, yung tuition hindi na sila nangolekta kasi nung 2017, nagkaroon ng congressional insertion dyan. Nauna na ng konti yung budget kaysa doon sa pagtapos nung batas. Mayroon po kaming nilagay na initial 8.3 billion pesos in 2017. Hindi na po talaga sila dapat nangolekta ng tuition. Ito pong gusto nating iparefund, yung miscellaneous because noong nahabol yung batas noong Agosto last year, sinama rin po yung miscellaneous fees. Klaruhin ko rin, yung miscellanoues fees po, tawag din po dyan other fees, other school fees, miscellaneous fees. Iba iba po yung tawag dyan pero ito po yung kinokolekta kasabay noong tuition para po maenroll yung ating mga estudyante. So, ito pong miscellaneous na mayroon tayo, sa pagkakaalam po natin, may mga 60-70 SUCs na nangolekta pa po nito, gusto po natin makita mula sa CHED na popondohan nila ito upang marefund po sa mga estudyante. At palagay ko, tama lang naman ano, kasi andyan na yung batas, andyan na po yung pondo. Wala po talagang rason kung bakit ipagkakait pa po iyan sa mga estudyante at mga magulang po natin.

Q: So Senator, iyan pong batas na iyan ay talagang napakaganda ho para ho sa lahat, sa mga estudyante pero kung hindi naman ho mararamdaman at hindi naman ho nakikita pa, dapat nararamdaman na nila yan at baka next school year pa maimplementa. Iyon ho bang sinasabing pagrerefund, mapapabilis po iyan? Baka matagalan din po iyan?

Sen. Bam: Alam mo, Neil, nagawa na nila iyang libreng tuition ng first semester ng last year. Nitong second semester, nilibre na rin nila ang tuition. Ang hindi ko maintindihan, itong miscellaneous, may proseso na naman sila, hindi pa nila magawa-gawa. Ang pinakamahalaga dito, ito ang batas, ito ang kagustuhan ng mga mambabatas, ito ang kagustuhan ng presidente nang pinirmahan niya ang batas. Ibig sabihin noon, there's an intention to implement this as soon as possible. Alam po nila iyan. Sa lahat ng proseso ng paggawa ng batas, kasama po sa CHED doon po sa pagbuo ng budget so hindi ko alam kung bakit pagdating sa dulo, sasabihin nila next school year na. E may pondo na po iyan, may legal basis na po tayo, bakit pa natin ipagkakait iyan sa mga estudyante. Sa ating panahon na napakagulo ng pulitika, ito pong batas natin lahat bumoto po diyan unanimous, minority, majority, oposisyon at administrasyon. Noong Monday, naghain tayo ng sense of the Senate resolution, lahat ng senador pumirma sa ating sense of the Senate. Ibig sabihin ng sense of the Senate, ito iyong pakiramdam ng Senado. Doon po, nagkaisa na naman po kami na sabihin sa CHED, manawagan sa CHED na i-implement na po ito as soon as possible. Ang term na nga po natin ay refund, kasi kumbaga kompromiso na po iyon. Di niyo na nga ito na-implement nang maayos, at least mag-refund naman kayo.

Alam ko po, iyong mga kasama natin sa Kongreso, mukhang maghahain din sila ng sense of Congress resolution. So kung iyong sense of Senate naipasa na, and I'm guessing iyong sense of Congress mapapasa na rin, buong lehislatura na po iyan sinasabi po sa executive paki-implement na ito kasi noong binubuo natin ang batas, iyong gusto namin mabigay na ang tulong na hinahanap ng pamilyang Pilipino.

Q: Senator, pag sinabi niyo bang miscellaneous fees, lahat-lahat na po ba o totally zero ang babayaran ng estudyanteng nasa state college. Kasi mayroon silang certain energy fee, parang may field trip pa sila, may extra pa.

Sen. Bam: Actually, ang determination niyan ay lahat ng mandatory fee. Ano ang ibig sabihin ng mandatory, wala kang choice kundi bayaran iyan. Kung mag-e-enroll ka at wala kang choice sa gastusing ito, mandatory fee po iyan at kasama iyan sa ililibre ng gobyerno. Kung mayroon kang choice, ibig sabihin niyan non-mandatory fee po iyan, iyon po hindi po iyan kasama. For example, field trip, puwede pong sumama, puwede pong hindi sumama, May mga ibang, mga palabas, excursion, mga katuwaan sa mga eskuwelahan, iyong mga fees pong iyon, non-mandatory po iyon at hindi po iyon kasama. Pero kung hindi ka makaka-enroll kung hindi mo mabayaran, ibig sabihin mandatory po iyan at kasama iyan sa ililibre ng gobyerno.

Q: Senator, sa state universities, maraming mga may kaya diyan, ito ba naliwanagan na diyan. Paano ho ang may kaya, sila ba ay kasama rin?

Sen. Bam: Actually, mayroon tayong opt out provision. Ibig sabihin niyan, nasa choice na ng pamilya kung gusto nilang hindi kunin ang tulong gobyerno at imbes magbayad ng kusa. Actually, meron tayong ilang pamilya, sa totoo lang, mga pamilya ng OFW in some SUCs, nag-opt-out sila, kasi kaya nilang mag-ambag sa ating gobyerno. I expect, sa mga schools like UP Diliman, dapat mas marami ang mag-opt-out. Sa totoo lang, aside from UP, iyong karamihan ng SUCs natin, maybe up to 90 percent kailangan ng tulong. Pero ang UP, I think ang number ay 60 percent lang ang kailangan ng tulong. I'm hoping na mayroon po tayong ilang porsiyento pa rin ng estudyante, siguro kung de-kotse ka naman at papunta ka sa college, or hinahatid-sundo ka ng BMW, siguro naman mag-o-opt out ka. Pero I would admit titingnan natin kung kumusta ang implementation nito. Ang naging desisyon namin, ilahat na lang talaga kaagad. Kasi nakita namin during the application process for scholarship, at alam natin na sa ilang schools, may socialized tuition fee scheme, e nagiging palakasan kung makakakuha ka ng tulong o hindi. Sa ibang lugar, ang mga estudyante tinatago nila na umaasenso ang kanilang pamilya kasi ayaw nilang matanggalan ng scholarship. Naisip namin, ibigay na lang sa lahat at maging determination na lang ng magulang at estudyante kung kaya naman nila na magbayad na lang ng pang-tuition. Admittedly, hindi pa natin talaga ito nache-check kung ano ang magiging ending ng procedure na iyan, but we're hoping na itong unang taon, makita natin na may iilang mag-opt-out dito sa tulong na ito.

Q: Magbibigay ba kayo ng deadline at possible bang may kaharaping kaso ang CHED kapag hindi ito naipatupad?

Sen. Bam: We're giving them some time na mag-respond formally kasi Senado na ang nagbigay ng panawagan. Of course, kailangan po nilang mag-respond nang maayos. Tingin ko kasi may kaso, may ilang students groups na rin ang nakausap namin, feeling kasi nila at feeling ko rin, palagay ko rin, dahil Agosto pa ang naging batas po iyan. August 18 po siya effective. Lahat po ng gumawa ng batas, gusto po na ma-implement ito kaagad-agad at may pera po, napondohan, palagay ko mayroon na po iyang puwedeng i-compel ang CHED na i-implement ito. Pero palagay ko naman, hindi na tayo kailangang umabot diyan. Common sense lang naman ito, may pondo, ito ang gusto ng executive, ng legislative, siguro po nararapat lang na gawin na ito ng CHED.

News Latest News Feed