Press Release
February 13, 2018

TRANSCRIPT AMBUSH INTERVIEW - KAKULANGAN NG HOSPITAL BEDS?

SJVE - Sobra. Well, through the years siguro dati hindi pa naman tayo ganun ka-financially sound pero sa ngayon, iyung population natin siguro ay talagang ano rin, yung increasing population, yung rate, medyo mabilis-bilis din kaya yung dati, halimbawa yung 100, 200 bed capacity before that it was enough already. Pero because of the growing population, talagang kinakailangan nang mag-increase. Sa halos lahat ng mga nabisita kong probinsiya, na binisita kong health facilities, ang problema dun talagang overcapacity, minsan 200, minsan 300 percent ang kanilang overcapacity. So we really would want to focus on the hospital facilities improvement and expansion to address this kasi talagang, alam mo nakakalungkot sa mga probinsiyang nadalaw ko mayroon sa mga 200 o 300 percent, mayroon silang bed sharing, minsan kahit talagang kinakailangang ma-admit, talagang nakaantay, kumbaga parang waiting list, di makapasok kasi nga punung-puno, tapos yung iba naman nasa aisle, nasa corridor. So, ito yung mga bagay na gusto nating bigyang pansin and hopefully matapos yung administration ni Pangulong Duterte by 2022, we can already improve..yung problem natin ngayon 1 is to 1,100 dapat maibaba natin 1 is to 800 man lang na bed to population ratio.

Q: This is not address in the last budget hearing DOH, 2017 going to 2018?

SJVE - Well, ano eh, sori kasi I just assumed midway, but nung ginawa kasi natin yan gawa na yung budget. Pero right now ang ginawa ng DOH at DBM, they have a 5-year plan up to 2022 to address this problem. And also in my capacity as chair ng committee on health and vice chair of the committee on finance, gusto nating iprogama man lang kasi hindi naman natinkayang ibigay yung P228 billion required to address the problem of overcapacity na maging ideal tayo na maging 1 is to 800 bed ratio capacity. Kaya lang ang pwede nating gawin, iprograma ng maayos para dahan-dahan yung mga health facilities ay mapagawa na especially yung mga infrastructure, yung mga kinakailangan pa ng magpagawa ng infrastructure ay maipagawa na kaagad. Kaya naman ano eh, kumbaga progress naman ito eh, kumbaga progress billing on the part of the DBM na sabi naman nila kaya basta lang gastuisin ng DOH, halimbawa magset sila ng P50 billion this year for hospital improvement and expansion, sana gastusin kasi magkakaproblema tayo the following pag hindi naubos.

Q: So hindi na ile-legislate ito additional bed capacity, dadagdagan na lang ng budget yung programa, ganun?

SJVE - hindi pag bed capacity kasi kailangang i-legislate, so itong mga ipinasa natin today, these are bills from the House of Representatives kaya nga nandito lahat halos ng mga congressman na nag-sponsor. So dun sa bed capacity ay ipapasa na po natin yun kaya lang ayaw naman natin na magkaroon ng expansion, magkaroon ng conversion to medical center kung walang corresponding funding. Ayaw naman natin ng kumbaga pangako na pangpulitika, we want to make sure that if we passed a law na legislation especially itong conversion, expansion of hospitals na meron siyang corresponding funding requirements. So yan ang iaano natin, alam naman natin third world country tayo hindi naman natin agad-agad kayang pondohan lahat ito, we would divide it siguro or program it in such a way that by 2022 kasi ito lang yung, matapos yung administrasyon ni Pangulong Duterte, we would be able to improve yung bed to ratio capacity from 1 is to 1,100 to at least 1 is to 800 at least malaking improvement and particularly, I want to mention kasi napunta ako ng ARMM, dun medyo malaki ang problema 1 is to 4,000 halos yung bed to ratio capacity, bed to population ratio. So I would want to look into these areas lalo na yung ARMM and other areas na talagang medyo malala yung ratio. So I'm hoping na ma-address natin itong problema na ito na sana in 4 to 5 years time ay ayaw na nating makakita ng mga hospital beds na nasa corridors, nasa aisles, minsan nasa gymnasium because its also unhealthy. We have to have a healthy environment para naman maging effective din na mapagaling natin an gating mga patient.

SJVE - ...P228 billion for infrastructure and capital outlay para pa-address na yung,mag-1 is to 800 na tayo.

Q: So mag-aantay pa ng until 2020 to meet that target, yung ideal?

SJVE - kasi hindi naman kaya yung P228 billion so we will program it na halimbwa siguro P50 billion a year, spread out natin yung P228 billion kasi for ano lang yan eh, for capital outlay, for infrastructure, for equipment wala pa yung MOOE, wala pan yung personnel services requirement, so all in all palagay ko mga P300 billion to. Kung mapo-program naman natin to halimbawa P50 billion a year, ano yun realizable kasi ayaw naman nating magpasa ng batas, sabihin na natin pangako na nating lahat na walang funding. Gusto ko masiguro na yung ipinapangako natin, kayang gawin ng gobyerno, ayaw nating mangako ng for the sake para lang makapangako, so we want to make sure na pag sinabi natin gagawin natin.

Q: San ito ipo-program, from your end yun, sa inyo mangagaling yun...

SJVE - opo in my capacity as chair of the committee on health, siguro tutulong din ako sa DOH sa kanilang pag-prepare ng budget at the same time vice chair naman ako ng finance so I would want to prioritize itong, especially itong problema ng overcapacity, talagang with our growing population talagang kulang na yung bed capacity, yan ang gusto kong tutukan.

News Latest News Feed