Press Release
February 11, 2018

Transcript of Interview of Sen. Francis Pangilinan with DWIZ's Cely Bueno, 10 February 2018

ON ICC

Q: ...'yun bang ganitong statement ng Pangulo pwede rin itong makaapekto dun sa kanyang kaso sa ICC kung sinasabi niyang siya'y dictator?

SEN KIKO PANGILINAN: Iba naman siguro yon. Dahil 'di natin alam baka sabihin din niyan nagbibiro siya. So hintayin na lang natin kung ano ang magiging developments dun sa mga bitiw na salita na yon. Baka naman sabihin niya later on, eh naniwala naman kayo ako'y nagbibiro lang.

Q: Pero kayo po ba naniniwala doon sa ganoong pananaw ng Pangulo na makakamit natin 'yung porgreso/pag-unlad kung dictatorial 'yung style ng leadership.

SEN KIKO: Well, nasubukan na natin at ang resulta ay hindi naman maganda so iba ang ating punto de vista tungkol diyan.

ON P16-BILLION FRIGATE ISSUE

Q: Sir, may patanong si Marvin Sy ng Philippine Star kasi alam ko po 'yung minority 'yung nag-file ng resolution para po imbestigahan 'yung tungkol sa navy frigates. Ang sabi po ng Pangulo, dapat si Bong Go humarap sa Senate investigation sa Navy frigates at hindi sa executive session but sa open hearing. So, ang minority po ang nag-file ng resolution, Senator Kiko?

SEN KIKO: Yes, that is correct. Although hindi ko alam kung ano na ang magiging next steps diyan. Pero mabuti yan, magkakaroon ng pagkakataon si Secretary Bong Go na makapresenta ng kanyang side dahil ang lumalabas kasi sa mga marginal notes at ilang mga salaysay at interview, na mayroon siyang involvement di umano. Although of course, sabi niya he's denied it.

Q: Pero kasi ho initially, kung babagsak ho kay Senator Gringo Honasan, ang chairman ng committee on national defense and security, parang nabanggit na baka executive session so sa tingin niyo, wala naman dahilan para i-executive session so dapat talaga sa open hearing mag-testify itong si Bong Go?

SEN KIKO: We will see, kasi alam mo ang executive session, kinakailangan based on national security. We will have to determine it. I cannot say right away kung dapat ba o hindi but of course as a general rule, dapat open hearing. Exception lang 'yung executive session.

Q: Okay kung mayroon lang national security aspect po na maaaring malagay sa alanganin.

SEN KIKO: Yes, that disclosure will constitute a breach of national security, then it should be executive session. But otherwise, kung hindi naman, then it should be in open public session.

Q: So kung wala kayong nakikitang national security aspect at i-e-executive session, tututulan po ito ng minority dahil dapat magkaroon ng transparency?

SEN KIKO: Let's go by the rules. 'yun lang ang sa kin.

ON PRES. NOYNOY AQUINO

Q: Sir isa pa ho. Ngayong naglabas ng TRO 'yung Malacanang, pinigilan 'yung trial kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay ng graft and usurpation of authority, pero itong TRO parang napagbigyan 'yung hirit ng Office of the Solicitor General, gusto nila madesisyunan muna 'yung pending resolution tungkol sa kanilang petition na maisama 'yung dating pangulo doon sa iba pang respondents for reckless imprudence resulting in multiple homicide. So bilang LP President, sa tingin niyo ba hindi magandang development ito sa dating pangulo?

SEN KIKO: Well it is our court processes. Ako, bilang abogado, we will exhaust all legal remedies kasama na 'yun sa (inaudible) so we have to respect the processes and trust in its outcome. Ganoon ang ating posisyon diyan. Syempre nagpasiya 'yung Korte Suprema ng isang dibisyon. It is a process that we'll have to respect and hopefully the outcomes will be kung ano ang makatarungan.

Q: So kayo po ba minsan nakakausap niyo ang dating pangulo at napapag-usapan niyo minsan 'yung kinakaharap niyang kaso?

SEN KIKO: Itong huling development, hindi pa kami nagkausap. So hindi ko alam kung ano ang kanyang pananaw tungkol dito.

ON BAN TO SEND DOMESTIC WORKERS TO KUWAIT

Q: Sir, may nagpapatanong lang dito. Kayo ba'y pabor na talagang ipatigil na 'yung pagpapadala ng ating mga manggagawa sa Kuwait matapos poi tong mga nangyayari sa mga OFW doon. 'yung isa napatay na, nawawala, 'yun pala nasa freezer, and then recently, may tatlong sinasabi na nag-suicide pero kaduda-duda. So sa tiingin niyo it's about time na talagang ipatigil na po 'yung deployment ng OFWs sa Kuwait?

SEN KIKO: Alam mo, madali kasing sabihing itigil eh. Eh iyan ang kumikita para sa mga pamilya nila at mga mahal nila sa buhay. Ang dapat sigurong gawin ay hanapan ng hustisya itong mga naging biktima. Itulak ng ating gobyerno na magkaroon ng hustisya sa mga biktima at makipag-usap. And I think yan naman ang dapat ginagawa at palagay ko mayroon nang efforts ang gobyerno na makipag-usap sa gobyerno ng Kuwait.

A ban is always an option pero sa akin last resort, na kung kaya naman talakayin on a case-to-case basis at magkaroon ng hustisya at magkaroon ng government-to-government na pag-uusap kung paano mapo-protektahan ang ating mga kababayan na naroon na--eh magba-ban nga tayo eh naroon pa rin ang ilan sa mga kababayan natin, pauuwiin natin or maybe we should precisely figure out a mechanism na kung saan magkakaroon ng paraan na ang ating gobyerno ay takbuhan ng ating mga kababayan; mabilis na pwedeng kumilos at mababantayan ang kapakanan nila.

Q: Gusto nga ng pangulo within 72 hours pauwi na 'yung mga OFWs na gusto nang umuwi. So siguro dapat paghandaan din ng ating gobyerno pag-uwi nila ay huwag naman silang walang mapagkukunan ng ikabubuhayan na po, 'yung may mai-o-offer sa kanila na mapagkukunan ng kabuhayan.

SEN KIKO: Yes, nandiyan naman ang OWWA. Mayroong mga programa na mabigyan ng skills training, mabigyan ng dagdag na kakayahan at skills ang ating mga kababayan. At syempre nandiyan din ang suporta mula rin sa gobyerno. So dapat talagang aktibo at mabilis kumilos ang ating gobyerno.

ON RICE SHORTAGE

Q: Okay, last two points na lang po, bilang dating chairman ng committee on agriculture and food, ano po ang pananaw dito po as--parang nakaka-confuse, mayroon ba talagang shortage? Nagkaroon ba ng pagkukulang ang NFA dahil wala na raw NFA rice sa pamilihan kaya nagtataas ng presyo ng bigas ang mga private rice traders. Sa tingin niyo, may naging pagkukulang ang NFA pagdating sa importation o pagbili sa ating mga magsasaka ng palay?

SEN KIKO: Well, kumukuha pa ako ng impormasyon actually, pero simple lang yan eh. Ang nabasa ko lang rin sa dyaryo ay two days na lang daw ang buffer stocks. Ang tanong natin, paano nauwi sa dalawang araw na lang saan napunta ang dating inangkat? Sabi daw napunta sa calamities, sa Marawi. Madali naman malaman yan eh. At sinasabi wala raw shortage. Ang wala lang raw ay NFA rice.

Nung panahon natin ito'y ginawan natin ng paraan, nagkaroon pa tayo ng mga kaso laban sa ilang mga trader na nagre-rebag. Kasi ang NFA rice, murang pumasok yan eh. Walang taripa. Ang landed cost niyan pag inimport ng gobyerno, kulang--kulang mga 15-18 pesos ang isang kilo. Eh syempre pag ni-rebag yan, tapos ibebenta mo ng 40 pesos, ang laki ng kita, 'di ba. So mayroon daw ganoong mga posibleng nangyari. Tama naman ang current chairperson ng ating komite, si Senator Villar, gusto niya magkaroon ng hearing diyan. Ang tanong diyan: gaano karami ba ang na-harvest na palay at naging bigas locally? Tapos kung kulang ng--kasi hindi naman tayo rice sufficient--so kung kulang ng ganitong tonelada, ilan ang in-import? Ilan ang binigay sa private sector? Kasi may private sector importation din. Doon natin malalaman kung talagang kulang ba o hindi. Magandang magkaroon ng hearing para magkapaliwanagan bakit nauwi sa two days na lang na ang ating buffer stock na dapat 15. At tama din, pag mababa ang buffer stocking ng NFA, hindi na makikita itong 27 pesos at 32 pesos a kilo, eh talagang--

Q: Pinagsasamantala

SEN KIKO: Magkakaroon ng upward pressure na iakyat ang presyo dahil sasabihin ng kakumpitensya, eh wala na 'yung mura eh, so lahat wala na silang mapupuntahang alternatibo. So walang pambalanse ba. Kasi noong panahon natin, I remember sa Metro Manila noon, para lang matiyak na mayroon pambalanse 'yung 27 at 32 pesos a kilo eh we increased our presence sa merkado sa Metro Manila by almost 80%. Tapos minonitor natin, binantayan natin� Nagkakaroon ng spot checking para matiyak na 'yung NFA rice na 32 at 27 ay available sa merkado. Sinasabi 'nung iba, eh nirere-bag! Kaya binantayan natin. At mayroon talaga tayong kinasuhan 'non. 'yung mag naglalabas ng NFA rice at dinadala sa mag warehouse ng mga private traders.

Q: So para matiyak pala na stable ang presyo ng bigas dapat hindi mawala sa merkado ang NFA rice dahil 'yun 'yung pambalanse.

SEN KIKO: Sa ngayon. Pero ultimately dapat if you ask me, palakasin and produksyon para mas magkaroon ng mas magandang ani ang ating mga rice farmers at maganda ang kita. At the same time, magkaroon ng 'proper importation' ika nga 'nung mga kulang. At 'yung timing. Kasi kapag hindi naman tayo naging 100% sufficient, halimbawa 90% sufficient lang tayo, ibig sabihin kulang pa ng 10%. Eh ang 10% mahigit isang metrikong tonelada 'yan. One metric tonne of rice 'yan eh... annually ang kulang. 'Pag kulang 'yan at hindi mapunuan, 'yun na nga, by way of importation and proper distribution, and making accessible itong mas murang bigas, eh tataar talaga ang presyo.

Q: So Sir pabor kayo na patawan na ng taripa itong rice importation? Mayroong bill na o ping-uusapan sa mag hearing divan sa Senate?

SEN KIKO: Well, wala tayong choice dahil 'yan na ang patakaran ng World Trade Organization eh. Ibig sabihin kasama tayo dun sa tratado na 'yon. It's part of our international commitments at ang mahirap kasi, 'pag ginawa natin na ine-exempt pa rin 'yung rice, ang hinihingi naman ng ibang bansa, 'o sige, 'yung aming produkto naman ipasok natin sa inyong merkado. Mayroon ding ibang sektor sa agrikultura ang apektado pagka ganiyan. Dahil hihingi ang ibang bansa ng special treatment kung pinayagan natin uit na magkaroon ng exemption 'yung bigas. So other agri products will also be affected.

ON SHARON CUNETA

Q: So sir panghuli na lang. Pang showbiz ng konti kasi ito 'yung pinag-uusapan syempre dahil nagkaroon po ng commercial ang misis niyong si Ate Shawie at 'yung kaniyang ex-husband na si Gabby Concepcion. May mga nagtatanong kung nagla-alam po ba sa Inyo at piano-usapan niyo ba 'yun bago gumawa noong reunion commercial itong si Ate Shawie at itong si Gabby Concepcion?

SEN KIKO: Well andiyan 'yung aking support. Walang problema 'yun dahil ang mag-asawa naman dapat nagtutulungan sa kani-kanilang career at kani-kanilang proyekto, 'di ba? The same way kapag mayroon akong mga kailangang gawin, kailangan umalis ng Maynila kasi mayroong mga out of town engagements, meetings, etc., syempre kailangan ko ng suporta at unawa ng aking maybahay. The same. She will also need my understanding and my support. And she has it. Para maging successful ang kaniyang comeback, maging successful ang kaniyang career. Ganiyan naman ang mag-asawa, hindi ba?

Q: Wala raw ho bang konting pagseselos?

SEN KIKO: Alam mo... sabi kumusta raw si Sharon? Ang sagot ko eh patay na patay pa rin sa akin eh. (Laughter) Sabi ko, trabaho 'yan. Ang saka akin... saka magsisixty na 'ko. 'yung mga selos selos eh ano na 'yan. Magttwenty... twenty-two years na kaming kasal. So... ang mahala diyan is support. Ang mahalaga diyan ay nagiging successful ang kaniyang ano. At ako ay natutuwa na successful naman ang launch ng kaniyang commercial. At syempre ang kaniyang pagiging nominated na best actress.

Q: Ah nakita ko po pinost ninyo sa...

SEN KIKO: Yes, yes. Lahat ng 'yan ang sabi ko ngt, ako ang may huling salita, 'Yes dear!'

Q: Kasi sir naaalala ko ang Nanay at Tatay ko. 'yung Nanay ko mag-eeighty na, 'yung tatay ko 78. Hanggang ngayon medyo nagseselosan pa. Kapag umattend ng kasalan, at may isinayaw ang tatar ko, nagseselos pa ang Nanay ko. Si Senator Kiko may knotting pagseselos pa kaya?

SEN KIKO: Kung mayroon naming dapat pagselosan pero sala naman eh. Kaya okay lang tayo divan.

Q: Ah okay. So may go signal niyo na rin just in case 'yung paggawa nila ng movie.

SEN KIKO: Well, nasa sa manila 'yan at kung 'yan naman ang clamor talaga ng public, 'yan naman ay trabaho nila and it will be a boost sa kani-kanilang mag profession, why not? And importante you know there is fulfillment. At nakikita niya na patuloy tinatangkilik ang kaniyang propesyon, walang problema 'yun. She has my 110% support and I'm very proud of her commitment and dedication sa kaniyang trabaho.

Q: So 'yung dalawa niyong anak Sir okay lang din na magkaroon ng gang reunion movie...

SEN KIKO: Oo alam naman nila, trabaho 'yan eh. 'Di ba? So walang problema.

News Latest News Feed