Press Release
February 1, 2018

Statement of Sen. Trillanes on Ombudsman's position re ODO:

I fully support the position of Ombudsman Morales to defy what is clearly an illegal and unconstitutional order by Duterte and his minions to suspend ODO Carandang. Maling-mali si Duterte dito kahit saan mo tignan. Bukod pa sa independent ang Ombudsman and her deputies, ayon sa ating Constitution, pinasuspende nya ang taong nagiimbestiga sa mga nakaw na yaman nya. Maliwanag na obstruction of justice din yan.

Plano ko rin pakasuhan si AMLC Exec. Dir. Racela sa pag cover-up at pag deny na ang mga flagged bank transaction documents ay hindi galing sa AMLC samantalang ito ay naka saad sa minutes ng AMLC meeting noong May 2016 na ito ay parte ng MOA with the OMB to provide such documents for intelligence purposes.

Matatandaan na naitalaga lang ni Duterte si Racela sa kanyang position noong January 2017 lang, kaya hindi sakop ng kanyang termino ang mga panahong yun.

News Latest News Feed