Press Release
February 1, 2018

Interview with Sen. Chiz Escudero after a hearing of the Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System

QUESTION: Di ba si (inaudible) was asking for the copy nung image ng ballot?

ESCUDERO: Yes. Bilang isang resource person hihingin namin ang isang image nung balota na sangayon sa AS System natin. Dapat naman talaga mayroong picture image yung kada balota. So humihingi kami sa Comelec ng sample lamang yun. Pero hindi dun sa area na hinihingi niya. Well gaya ng sinabi ko hindi kami papayag na magamit ang Komite ng sinomang may protesta ngayon o sinomang may pending na kaso sa ngayon para sa ano mang pwesto national o lokal man.

QUESTION: Sir mga how many sample yung kailangan niyo?

ESCUDERO: Isa lang.

QUESTION: Isa lang talaga?

ESCUDERO: Isa lang.

QUESTION: Tapos saang lugar?

ESCUDERO: Bahala na yung Comelec because it should be a representation of all the ballots and the images supposedly in every area that's even according to Attorney Chong.

QUESTION: Sir can you expound on the data you have na supposedly hindi na image ng back-up yung name?

ESCUDERO: Actually may print out kaming nakuha pero mas maganda manggaling sa testigo mismo na nagsasabing hindi mirror image yung back-up drive noong main drive. Ang tanong, ilan ba sa back-up drive yung ipinadala? At nasaan ba iyong record ng back-up drive? Apparently walang ganung uri ng record ang Comelec. Kung kaya't hiniling namin na maibigay yan sa Komite para makumpara at mapag-aralan naming ng husto.

QUESTION: Sir you're going to present the witness (inaudible)

ESCUDERO: Yes.

QUESTION: Ano yung implication nito kung hindi pareho yung (inaudible)

ESCUDERO: Well ang sunod na tanong, ilan ba roon sa back-up drive ang ginamit? Dahil kung hindi siya accurate picture o carbon copy nung main drive edi mag-iiba yung result at a certain degree. To what extent, hindi ko alam at kung hanggang saan hindi pa rin namin masabi sa ngayon. That is a basic technical issue that should not even be present dahil dapat mirror image siya. Kumbaga sa carbon paper parang nag-type ka sa papel dapat kung ano yung tinype mo sa papel yun din ang nasa carbon copy. Ganun din dapat yung back-up drive atsaka yung main drive, carbon copy dapat siya.

QUESTION: Sir how many cases yung nasa possession niyo ngayon?

ESCUDERO: I think it covers 3 reasons.

QUESTION: Are you allowed to (inaudible)

ESCUDERO: Intayin ko na lang yung testigo kasi hearsay kung ako ang magsabi. I think I let the witness if at all present that na hawak niya mismo.

QUESTION: (inaudible)

ESCUDERO: Kapag ganoon ibig sabihin hindi accurate at yung tanong kung manipulated o hindi papasok yun kung ilang back-up ba ang ginamit. Ang problema ko right now hindi alam ng Comelec ilan nga bang back-up ang ginamit dahil ayon sa kanila back-up man o main basta pinadala yun lang ang concern nila. Pero tiyak ko nasa minutes yun but then they have to cull it from their records. Hiniling ko at binigyan ko sila ng tatlong linggo para ibigay sa amin. Ilan bang back-up drive ang ginamit nila sa buong bansa.

QUESTION: Sir, can it fast down the results of the election?

ESCUDERO: Again, ayokong magamit ang komite kaugnay sa resulta ng halalan pabor o kontra kaninuman. Ang pag aaral na ito ginagawa namin para maiwasan ang muling mangyari sa darating na halalan sa 2019. Hindi apektado ang barangay elections dahil manual ang barangay elections sa May.

QUESTION: Can you elaborate on this witness? Siya yung lumapit sa inyo?

ESCUDERO: Dating COMELEC official din.

QUESTION: Kailan siya lumapit sa inyo, Sir?

ESCUDERO: Few months back, late last year.

QUESTION: Then he gave you...

ESCUDERO: ...nang hindi pa ako chairman nito.

QUESTION: Did he gave you authentic documents?

ESCUDERO: He gave me photocopies. I presumed authentic documents are with him. That's why I don't want speak in details about it until unless he himself presents it. Kasi kung ako ang magpe present hearsay lamang yun.

QUESTION: Sir kailan yung next hearing?

ESCUDERO: Three weeks from now kailangan naming ng dalawang linggo para ma-publish yung aming rules bago kami makapag hearing dahil kapag ka adversarial na ang hearing namin baka ma-question pa kami ng puro abogadong nasa loob ng kuwarto.

QUESTION: Sir you'll present the witness Sir.

ESCUDERO: Yes.

QUESTION: ...in the committee? Kailan Sir?

ESCUDERO: Yes. We will present himself, he is the one to present the documents kasi hearsay kung ako ang magpe present.

QUESTION: Pinapa clarify niyo kay Commissioner (Inaudible) na wala silang pinaghahandaang anumang plebesito sa March.

ESCUDERO: Hindi, joke lang 'yun, wala naman akong alam na plebesito dahil wala silang budget para sa anumang plebesito sa taong 2018. Pero may savings sila. Buti na rin yun.

QUESTION: Pero ibig sabihin pinaghahandaan na yung plebesito para sa (inaudible)

ESCUDERO: Wala kasi walang budget unless magpasa ng supplemental budget ang Kongreso. Sa ngayon wala akong nakikitang posibilidad. Ano mang ingay o palitan ng pananaw sa media ngayon sa iba't ibang opisyal wala naming budget ang COMELEC para diyan sa taong ito.

QUESTION: Anong nangyari kay Bautista?

ESCUDERO: Aba ewan ko di namin makita yung address. Isa lang yung tumanggap, kasambahay.

QUESTION: Pero subpoena pa rin? Hindi arrest order?

ESCUDERO: It has to be received. It has to be served properly. We have 3 known addresses, yung dalawa hindi tinanggap, yung isa tinanggap ng kasambahay pero inaalam namin...

QUESTION: Arrest order na?

ESCUDERO: Hindi subpoena pa lang. Kailangan ma-serve validly pag hindi nase-serve yun walang basis.

News Latest News Feed