Press Release
January 4, 2018

SEN. KIKO PANGILNAN ON PROPOSED CHARTER CHANGE

Heto ang iilan sa mga bulong-bulungan sa Kongreso ng mga posibleng amendments tungkol sa minumungkahing Charter change:

1. May 10 taon na transition period sa federalism na wala munang eleksyon at itutulak ang term extension para sa mga nakaupo.

2. Hindi lang si PRRD ang may term extension, lahat ng kongresista at mga senador term extension din kaya wala ng eleksyon, wala ng gastos ang mga pulitiko, wala ng bababa sa pwesto.

3. At dahil wala ng eleksyon, appointed na muna ang lahat ng mga lokal na opisyal.

4. Bibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na gumawa ng mga batas tulad ng Amendment no. 6 nung panahon ni Marcos habang hindi pa nabubuo ang Federal government.

5. Tatanggalin na ang restrictions sa exploitation ng dayuhan ng natural resources natin para wala ng hadlang na pumasok ang China at buhusan ng bilyon na pautang at pagnegosyo sa ating mga lupain at karagatan.

Heto ba ay ZTE NBN, Northrail scandals part 2?

Ipagtanggol ang demokrasya!

Sigaw ng taumbayan, trabaho, murang pagkain, at dagdag na kita, hindi Chacha!

News Latest News Feed