Press Release
December 18, 2017

Sen. Bam on Open Access Bill, Improving Internet Services in PH
(Transcript of media interview)

Sen. Bam: So, tinackle po natin yung Open Access Bill. Pasado na po ito sa House, at hinahabol po natin ito dito sa Senado. Ang ibig po sabihin ng Open Access, binubukas natin yung merkado ng Data Provision or Data Transmission sa ating bansa. Nakikita natin na mataas yung presyo ng data sa Pilipinas, at mabagal po at hindi maganda yung kalidad dahil kakaunti lang yung market players nito. Kapag naituloy natin yung Open Access, maibubukas po natin yung buong merkado kasi iba-iba yung segment ng merkado, merong mga- yung kumukuha ng internet mula sa mga Submarine cables natin, hanggang sa nagpoprovide ng mga internet sa bahay. Yung mahalaga po, hindi lang isa o dalawang kumpanya yung nagcocontrol ng prosesong ito, dapat binubukas natin sa mas maraming mga players. Kaya ang open access, hopefully, hindi na kontrolado yung merkado ng internet sa ating bansa, mas maraming players na puwedeng pumasok, at sa gayon, mas gaganda yung presyo at mas gaganda yung kalidad ng internet.

Q: Sir, bakit hindi siya bukas ngayon?

Sen. Bam: Hindi siya bukas ngayon dahil marami masyadong permits ang kinakailangan - kailangan mo ng congressional franchise, kailangan mo ng permits na taun-taon ang pagkuha, so kahit may mga interesado pong pumasok sa ating bansa na kumpanya, eh kung bago naman mabigyan sila ng chance na mag-operate limang taon, eh wala namang mag-iinvest sa atin niyan. So kailangan, mabilis yung pagbibigay ng permit, kung merong mga permit na puwedeng hindi na kukunin. For example, ako, I agree na dapat hindi na kailangan dumaan sa Kongreso yung mga nagp-provide ng internet sa Pilipinas. Kasi kung dadaan ka ka pa sa Kongreso, magiintay ka pa ng batas, talagang taun-taon talaga iyan. But if we allow for easy access, open access po ng mga kumpanya, pumasok sa ating bansa, mag-provide ng serbisyo sa iba't ibang mga aspeto ng supply chain ng pagbibigay ng data, mas magiging professional, mas magiging competitive yung ating merkado, at yung magbebenefit niyan, yung mga Pilipino.

Q: Sir yung tungkol sa bill na ito, okay lang sa dalawang Telcos na namamahala ngayon sa internet?

Sen. Bam: Well, they were represented by PCTO. They provided some of their concerns, but mukha namang okay. Although, to be frank, hindi ganun kalinaw yung verbal na naibigay nung PCTO Representatives. We would like to see it on paper. But whatever the case, whether pabor sila o hindi, panahon na talaga na talagang ituloy natin yung competition sa larangan na ito, kasi yun po yung rason kung bakit mabagal at mahal yung internet sa Pilipinas. Walang competition. And competition comes in many ways- hindi lang iyan ibang foreign players, pati mga local players, gusto makipag-kompetensiya dito sa ating bansa.

Q: Ano yung mga tinatanggal sa proseso para makabilis?

Sen. Bam: Well, firstly, I think kinaklaro na value-added service yung data. Ibig sabihin niyan, hindi na kailangan ng Congressional Francise para magtayo ng isang internet service provider. Pangalawa, kinaklaro po na dapat across the supply chain, yung pagpass on price ay dapat pare-parehas across competitors. Yung nangyayari kasi ay kapag miyembro ng iyong kumpanya mababa yung pagpass on mo, kapag competitor mo, mas mataas yung pass on rate mo. So tumataas talaga yung presyo ng internet, especially sa labas ng Metro Manila. Yung presyo ng internet vis-a-vis speed ay napakataas sa labas ng NCR, especially sa Mindanao and sa Visayas. At gusto natin makita, full competition, nakikipag-kumpetensiya yung mga kumpaniya para sa ating mga consumers, bababa yung presyo niyan kapag pinapayagan natin na mas maraming nakakapasok.

Q: Sir, yung House and yung Senate bill, pareho lang po ba iyon?

Sen. Bam: May mga differences, but we're seriously considering na yung ilalabas naming committee report is very very close, if not exactly the House version para talagang maipabilis na. Ang naging maganda dito, and this was through the hardwork of my counterpart, si Congressman Vic Yap - mukhang all of the resource persons po were very happy with the House version. So, our committee report might be very close, if not exact to the house version.

Q: Sir, ilang percent yung at least tinatarget natin na maibaba with respect to the price nung service?

Sen. Bam: Well it's hard to give an exact price at this point, but in any industry, nung nagkaroon ng kompetisyon, ang laking bagsak ng presyo. Nung nagkaroon ng kompetisyon sa airline industry, nagka-piso fare tayo. Nung nakaroon ng dagdag-kompetisyon sa telco industry, nagkaroon ng unli. So any industry na merong mga players na mas madami at pinapayagang makapasok, hindi kino-corrupt, hindi iniipit, usually the response ng merkado, bababa yung presyo, gaganda yung serbisyo sa taongbayan. Here, sa data transmission industry, inihihiwalay po natin sa telco industry. Kasi ang telco industry, maraming mga probisyon. Kailangan may foreign ownership restrictions, may franchise restrictions. Kinaklaro natin na ang data ay value-added service, hindi siya kaparehas ng telco. Sa gayon po, mas mabibigyan ng kalayaan ang industriya na makapasok ang iba't ibang players para bumaba ang presyo at gumanda ang serbisyo.

Q: Kung ikaw ang data company, data lang ang ipo-provide mo?

Sen. Bam: Maraming ganyan actually. There are a lot of companies now that only provide, they are called internet service providers. Pero dahil sa restrictions, hindi sila makapag-expand, hindi sila makapag-transact ng full competition with other players. Maraming issues sa kanilang industriya. Ang gusto natin, kahit sino puwedeng magtayo ng kumpanya na tutulong sa pag-provide ng mas mabilis at mas murang data sa ating bansa.

Q: May opposition po ba or any concern about the bill?

Sen. Bam: There were a lot of concerns actually, but in fairness to the House, dahil nauna sila, maraming naayos na. Noong nakarating na ito sa atin, although we filed a separate bill early on, we feel that the House version is a little bit more advanced. We will use that as a basis of our committee report, baka may konting pagbabago na lang. But the House version, dumaan na rin sa mga TWG, dumaan na rin sa iba't ibang kuro-kuro, and we're hoping that we can come up with a version close to the House version.

Q: Timeline na lang sir, when can we pass?

Sen. Bam: We'll have the TWG second week of January. We hope to have this on the floor by February. Hindi rin kasi ganon kabilis iyan. Kahit sinabi mong papasok ng isang bagong player, they don't operate in a month's time, they take some time. Gusto nating bilisan ito, maayos natin ang framework, kumbaga parang ano ito, kapag naipasa natin ito, it's like an open invitation for companies to transact in this industry, in the data transmission industry in the Philippines. Kapag binubukas natin iyan, most of the time, bababa ang presyo at gaganda ang serbisyo, iyon po ang hinahanap ng tao.

Q: Would you know bakit ganon ka-restricted?

Sen. Bam: Siyempre, the more restricted the industry is, mas pabor iyan sa first movers. Mas pabor iyan sa nagbibigay ng approval. Some people will say, you're crazy for taking out the congressional franchise, iyon ang kapangyarihan ng Kongreso at Senado. The less restrictions there are, mas malaya ang merkado, mas gaganda ang serbisyo sa taumbayan. Habang maraming restrictions, maraming kailangang pagdaanan, it also becomes a breeding ground for corruption. Marami kang kailangang hingan ng pabor, marami kang kailangang isa-isahin diyan. All of these restrictions lead to corruption kaya mas maganda tanggalin ang mga restrictions na iyan. Gawing mas madali ang pagnenegosyo at ibukas natin ang merkado through the Open Access Bill, totoong ino-open natin ang access dito.

Q: Mga ilang permits ang kailangan nilang kunin?

Sen. Bam: Marami. The resource person gave it earlier. Just the congressional franchise will take you one to five years. The NTC provisional authority, although nagsabi ang NTC na binago na nila ito, but previously would also take you one to five years. Mag-i-import ka lang ng kagamitan, it will take you years also. Kumbaga, any company who wants to invest, if it will take you one to five years just to start up, patay na ang puhunan mo doon. In effect, because of all of these rules, at hindi rin malinaw na is this a part of the telco industry, it already becomes a disincentive for these companies to invest here. Binubukas natin iyong playing field, a level playing field, allowing other players to come in also.

News Latest News Feed