Press Release
November 21, 2017

Grace Poe's Ambush Interview Transcript

POE: MRT pa rin? Basta may nadi-derail, ganoon talaga.

Q: Ma'am, reaction niyo doon sa pag-file po ng DOTr ng case against Abaya and other officials?

POE: Salamat naman na nag-file na. Ako'y nagpapasalamat sa DOTr na sila'y nag-file na kasi importante talaga na malaman ng ating mga kababayan na hindi ito pinapabayaan at dapat may managot dito. Pangalawa, pinapaalala ko rin sa DOTr na ang pag-file ng kaso ay isang hakbang lamang pero dapat patuloy ang pag-iisip ng solusyon para matugunan ang pangangailangan ng maayos na pagpapatakbo ng tren. So ang pag-file ng kaso ay isa lang iyon, ang pinakamabigat na trabaho ngayon ng DOTr ay masigurong ligtas ang mga tren at maidagdag na ang mga kulang na train na matagal nang ipinangako. Salamat.

News Latest News Feed