Press Release
November 5, 2017

Sen. Bam on 'Lord Heal Our Land Sunday', mega drug rehab and Senate hearings on EJK
(Transcript of Sen. Bam's media interview)

Q: Mahaba pa raw ang hamon sa panawagan nating matigil na ang mga pagpatay?

Sen. Bam: Natutuwa kami na ang Simbahan nanawagan na sa taumbayan na makiisa sa pagtigil ng mga patayang nangyayari at magsimula na ang healing sa ating bansa. Pero sabi nga niya, ang pagtigil ng patayan, iyon ang pinaka-una at nakapa-importanteng hakbang pa lang para sa pagkamit nitong paghihilom na hinahanap natin sa ating bansa.

Kami naman po sa oposisyon, tumutugon kami sa panawagan ng Simbahan. Kaya ilan sa amin nandito. Marami ring iba't ibang political parties ang nandito kung tutuusin. Bilang mga Kristiyano, bilang mga Katoliko, sumasang-ayon kami sa panawagang ito na itigil na po iyong patayan at simulan na ang paghihilom sa ating bayan.

Q: On another note Senator, may na-mention si Dangerous Drugs Board (DDB) chairman Dionisio Santiago na malaking pagkakamali daw ang mega drug rehabilitation center sa Nueva Ecija. Ano ang comment niyo tungkol doon?

Sen. Bam: Ang alam ko, kakaunti rin ang pumupunta doon. Kung hindi ako nagkakamali, wala pang limandaan ang naka-check in doon. Ang inaaral talaga ng DDB at DOH iyong tinatawag na community-based rehabilitation na kung saan ang simbahan ay may panawagan na gawing community-based, hindi siya facility-based, gaya ng nasa Estados Unidos, para iyong mas bagay sa ating bansa, iyong community rehab. Palagay ko, kailangan nating suportahan iyan.

Ito naman pong mga gawain na rehabilitation, community engagement, ito ho iyong gusto nating mapalakas pa para matigil ang droga sa ating bansa. Hindi lang po tayo humantong sa karahasan. Palagay ko, iyan din ang isang panawagan ngayong araw na ito na marami pong solusyon na kailangang gawin upang matigil ang krimen ang droga sa ating bansa. Iyong pagbaling natin sa karahasan, pagbaling natin sa patayan, iyon ang isang bagay na hindi maganda ang kakalabasan sa ating bansa. Palagay ko, ang pagsabi ni Santiago ay isang pruweba na kailangang bigyang pansin ang rehabilitation sa ating bansa.

Q: Sa pagdinig sa Senado, mayroon pa ba tayong aantabayanan na malalaking usapin na may kinalaman sa sinasabing EJK.

Sen. Bam: Hindi naman natigil ang aming hearings dito. Ongoing pa po siya. Iyong nag-break kami pero noong last time kaming nag-usap, may panawagan kami na kung may kapulisan na gustong magkuwento ng kanilang mga naranasan kasi marami nang umiikot na mga kapulisan na humihindi na sa order na pumatay. Gusto naming marinig iyan. Gusto naming makita kung totoo ang ganyang klaseng kuwento.

News Latest News Feed