Press Release
October 2, 2017

Transcript of DZMM Interview of Senate President Aquilino "Koko" Pimentel III with former Vice President Noli de Castro

On the postponement of barangay elections

SP Pimentel: ...... Postpone po natin yan. Actually same version kami ng House, kaya wala nang halos bicameral conference committee diyan, kasi nagsabay yung aming pagiisip diyan. If I am not mistaken, March 2018.

Q: So ano na lang po ang wala po?

SPKP: Wala tayong election ngayon po. So bakit naghahanda ang Comelec parin? Siguro kasi hindi pa napipirmahan ng Pangulo, kasi batas din po ito eh. So just like any law, pumirma na po ako doon sa tinatawag na 'enrolled' bill or official printing ng panukalang batas, at magiging batas iyan kung pinirmahan ng Pangulo, o palampasin niya ng 30 days. Pero huwag na niya palampasin ng 30 days.

Alam mo Kabayan, certified urgent bill din naman ito, ang nagcertify, ang Pangulo rin, so dapat bilisan na po nila, para i-stop ng Comelec lahat ng kilos nila.

Q: Baka busy lang ang Pangulo, pero dapat yata may magfollow up sa office ni Executive Secretary para mapirmahan na.

SPKP: Ginagawa rin po namin iyon, pero gawin na po natin lahat. Kasi urgent na iyan.

Q: Kamusta po ang budget? Matatapos niyo po ba before ang Christmas break?

SPKP: Okay, ganito po ang plano sa budget. Ang plano sa budget, ang plenary discussions, ang interpellation, pagusapan at uumpisahan ngayong Huwebes. Ngayong Huwebes, magses-session kami, mage-extend kami. Kasi Monday to Wednesday lang kami, pero gagawin namin na Monday to Thursday sa dalawang susunod na linggo.

Tapos open dapat kami kung kailangan ng Biyernes ngayong linggo, gagawin namin iyon kung kailangan. Ngayon umpisa ngayong Huwebes, ang plano sa budget, tapusin ang interpellation, magsubmit na ng mga written amendments diyan or anong planong pagbabago, during the break.

Pagbalik namin sa November, amendment period na. So yung session namin ng November, amendment plus approval. Then printing na tayo sa early December, then hopefully by December 15, mapirmahan na po iyan bilang batas.

Q: Yan po ang pag-asa ninyo?

SPKP: Yan po ang plano. Alam mo naman pagdating sa legislative process, ang plano ay nasisira. Q: Tsaka budget po iyan.

SPKP: Tama po budget po iyan, napakaimportante. Pero kung magawa po naming iyon, maganda kasi mayroon namang mga taon dati yata na kahit January na, hindi pa rin napapasa. So medyo reasonable na po yung aming timetable.

Q: Kung hindi po maipasa ay maihahabol naman po ata nang Christmas break.

SPKP: After po ng break, kaya pa, may mga konting araw pa. Kaso binigyan din kasi namin ng panahon yung bicam, binigyan namin sila ng limang araw ata. Depende na rin iyan sa bilis ng pagresolve ng differences sa bicam.

Depende na rin po doon. Pero kailangan bigyan ng panahon iyon, kasi i-anticipate na natin na ang version ng House at ng Senate, hindi po eksaktong magkaparehas. Yun po yon.

News Latest News Feed