Press Release
September 21, 2017

Sen. Bam interview before Holy Mass commemorating the 45th anniversary of Martial Law declaration
(Transcript of Sen. Bam's media interview)

Q: Sir your thoughts on the declaration ng Presidente na national day of protest. Do you find it (inaudible) or even insulting?

Sen. Bam: Alam mo iyong mga sinasabi ni President lately parang magkakasalungat na. Ang mahalaga siguro ay iyong taumbayan may araw na puwedeng ilabas ang kanilang saloobin. Iyong mga patayan na nangyayari sa ating bansa, mga pang-aabusong nangyari sa ating bansa 45 years, dapat hindi na maulit uli.

Today, I think a number of Filipinos will be expressing themselves. Whether sa mga events dito, sa Luneta, sa CHR, or online, marami sa mga kababayan natin nagsasabi dapat huwag nang maulit ang nangyari noon.

Q: Is it really getting worse, is it getting repeated?

Sen. Bam: Araw-araw may mga namamatay...Itong mga nangyayaring kasamaan sa ating bayan. Siguro naman, after so many years, after so many decades, dapat ipakita ng taumbayan natuto na tayo, na dapat nating payagan ang mga ganitong pag-abuso na mangyari uli.Iyong panawagan ngayon, never again, huwag na sanang maulit muli.

Today, marami sa atin ang magsasabi na itigil na sana itong mga pangyayaring ito, especially iyong mga patayan sa ating bayan.

Q: Sir are you convenors of Tindig Pilipinas?

Sen. Bam: The party is one of the groups in the coalition.

Q: Sir, iyong coalition na iyon is criticizing a lot of policies, the drug war, but it's not calling for his resignation. How do we put an end to these policies if we don't call for his resignation?

Sen. Bam: Obviously, the President needs to change his policies on many of these fronts. Marami tayong mga hinahanap na mga reporma. After all, iyon naman ang pangako sa taumbayan di ba? Na magkakaroon ng mga pagbabago. So hinahanap natin ang mga repormang ito. Imbes nakukuha ang reforms, nakikita natin na pinapayagan ang patayan na nangyayari sa atin bayan. We're looking for these reforms to happen. We're looking for a more moderate members of the administration to start working on these reforms. Siyempre, panawagan natin today, stop the killings. Tama na iyong patayan.

Q: Realistically sir puwede ba iyon?

Sen. Bam: Puwede. If you remember iyong panahon na pinatay ang Korean businessman, si Jee Ick Joo, nagtawag ng ceasefire, nagtawag ng pagtigil sa Tokhang. Nakita natin bumaba talaga ang dami ng namamatay sa ating bansa. So puwede naman. There are actually areas in the country, kung saan bumaba ang krimen pero ang number ng patayan hindi naman tumaas. So mayroon din sa loob ng PNP na may kakayahan na itigil ang droga, itigil ang krimen na hindi humahantong sa karahasan, na hindi pumapatay ng suspects. Mayroong tayong proof na mayroong lugar na hindi kailangang pumatay para matigil ang krimen. Ito ang hinahanap natin. Siguro naman, iyang bagay na iyan, hinahanap na iyan ng lahat ng Pilipino na matigil ang kasamaang ito pero hindi tayo humantong sa karahasan at pumatay ng kapwa Pilipino.

Q: Sir after today, anong kailangang gawin ng mga tao. Ngayong araw na ito, prinotesta natin ang Martial Law.

Sen. Bam: I think people need to be more vocal. Kailangan mas maging vocal tayo sa hindi natin gusto sa ating bayan. That's part of our history. Isa iyang parte ng kasaysayan natin, iyong peaceful process so we need to be more vocal. I think, puwede naman tayong magkaisa rito. Kahit anong partido ka pa, kahit saan pang panig mo, basta't pagdating sa pagpatay sa kapwa Pilipino, dapat sabay-sabay nating sabihing itigil na ito, tama na.

Q: Many of the supporters of the President, especially on social media, they dismissed their particular occasion, sabi po dilaw. You had your chance daw, bakit ngayon nagrereklamo kayo?

Sen. Bam: Paano ka ba naman di magrereklamo, na maraming namamatay sa ating bansa. Libu-libo na iyan. Ang hirap sabihin na ginagawang partisan ang ganyang klaseng nangyayari sa ating bansa. Bilang human being, bilang tao, bilang Pilipino, dapat naman sabay-sabay nating sabihin, tama na ang pang-aabusong iyan.

News Latest News Feed