Press Release
September 19, 2017

Statement of Senator Trillanes on the alleged bank accounts in Singapore

Naipakita ko dito sa pagpunta ko mismo sa DBS bank Alexandra Branch dito sa Singapore na hindi totoo ang paratang ni Duterte na meron daw akong bank account dito. "No such accounts exist" ang sabi ng bank teller ng ipinakita ko ang aking passport kasama ang dalawang account numbers na galing kina Duterte, Erwin Tulfo at Mocha Uson. Niliwanag ko pa kung meron bang Antonio F. Trillanes IV or Antonio F. Trillanes either existing or closed accounts and whether single or joint accounts sa kanilang bangko, upon checking in her computer, ang sagot muli ng teller ay, "No such accounts exist." Ito ay narinig at nasaksihan ng ilang media reporters na kasama ko sa pagtatanong ko sa bank teller.

Pinuntahan naman namin sunod yung sinasabi nilang Hongkong Shanghai Bank Raffles Branch na kung saan ay meron din daw akong account. Subalit, walang ganitong bangko kahit saan man sa mundo. Kaya pinuntahan na lang namin ang Hongkong and Shanghai Banking Corporation (HSBC) sa Raffles City Tower na ito ang lumalabas sa Google. Subalit wala ring HSBC branch sa Raffles City Tower. Pinuntahan naman namin ang HSBC sa Raffles Blvd. pero ATM lang ang meron doon. A quick check at the HSBC Singapore website showed that there is no HSBC Raffles Branch. Again, ito ay nasaksihan ng mga kasamahan kong media reporters.

Maliwanag na nagsisinungaling si Duterte at gawa gawa lang nila ang mga paratang niya na meron akong mga foreign bank accounts. Ito ay ginagawa niya para siraan ako bilang kritiko niya at para malihis ang atensyon sa involvement ng anak nyang si Polong sa illegal drug shipment at sa BOC smuggling; at sa paratang ko na meron syang bilyon bilyong pisong deposits sa BPI accounts niya.

Mr. Duterte, pusoy ka na. Checkmate ka na. Wag ka na magpalusot. Pumirma ka na lang ng waiver para malaman na ng mga loyalista mo kung gano ka kakurakot.

News Latest News Feed