Press Release
August 21, 2017

INTERVIEW WITH LIBERAL PARTY PRESIDENT SEN. FRANCIS PANGILINAN ON NINOY AQUINO DAY AND THE KILLING OF KIAN LOYD DELOS SANTOS

Q: ...remembering si Senator Ninoy after 34 years--

Q: --and especially during this time, sir.

SEN. PANGILINAN: Si Senator Ninoy, isa sa mga celebrated na kaso ng extrajudicial killing at sa ngayon, sa dami ng extrajudicial killings, nakikita natin na marami pa tayong kinakailangang gawin upang magkaroon ng tunay na pagbabago at tunay na pananagutan sa mga kaso ng extrajudicial killings mula noon hanggang sa ngayon. Nakikita rin nating ang kahalagahan na tingnan natin bakit nagkaganito ang sistema ng ating katarungan. Nainip na ang mga kababayan natin at marami sa kanila ay nakikita ang EJK bilang solusyon na hindi naman dapat kung ang ating sistema ng katarungan ay talagang moderno na at talagang mabilis kumilos para 'yung nagkakasala ay nananagot at 'yung mga inosente naman ay naaabswelto.

Magandang sariwain natin muli itong pangyayari noong August 21, 1983 para magsilbing panawagan din at hamon sa lahat ng mga mamamayan na kinakailangan pa rin nating kumilos para sa tunay na pagbabago at sa ating bansa.

Q: Sir, nung time daw na 'yon, si Ninoy 'yung parang nag-trigger, parang wake-up call. Ngayon daw may Kian na parang mas maraming nakikita na mali 'yung nangyayaring war on drugs.

SEN. PANGILINAN: Nakakalungkot na kinakailangan pang mayroong namamatay at pinapatay para magkaroon ng kamulatan ang ating mga kababayan na mayroon talagang problema. Hindi tama itong pinapatay lalo na ang mga mahihirap. Hindi tama itong war against drugs na ang nakikitang solusyon ay kinakailangang mas maraming pinapatay.

Ang mga addict, pwede pang magbago 'yan. Ang mga addict ay hindi naman salot ng lipunan 'yan. Sila'y biktima rin at nakakalungkot nga na 'yung maliliit ang siyang napupuruhan habang 'yung mga malalaki na pinapalusot itong bilyung-bilyong pisong shabu ay may due process. Dapat lahat may due process, mahirap man o mayaman. At 'yun din ang isa sa mga nakakalungkot sa kasalukuyang mga pangyayari.

Q: Sir, ano pong masasabi ninyo na even the majority coalition of the Senate are condemning the killings...

SEN. PANGILINAN: Well, mabuti naman. 'Yung aming naging posisyon mula pa nung nakaraang taon na hindi tama itong EJK. Hindi tama ang magiging resulta nitong araw-araw may pinapatay. Mabuti naman ang mayorya sa Senado ay nakikita na rin ito. Huli man, dahil marami na rin ang napatay ay we still welcome this dahil sana sa naging karanasan nitong nakaraang ilang mga araw, 'yung pagiging independiente ng Senado, sana ay itulak talaga dahil tayo'y naninilbihan bilang check and balance sa pang-aabuso sa gobyerno at sana ito'y senyales na para sa lahat ng kasamahan natin sa Senado, na napakahalaga na manatiling independent ang Senado at nagsisilbing check lalo na pagka mayroong pang-aabuso.

Q: Sir, ano po 'yung ibang outcome na ineexpect niyo from this investigation compared to the one we had before?

SEN. PANGILINAN: It all depends. Hopefully, itigil muna o itigil itong direksyon ng war on drugs at baguhin, tingnan nang mas holistic na hindi lang ito problema ng kapulisan, problema rin ito ng kalusugan, problema rin ito ng kahirapan. 'Pag tinugunan natin ang usapin ng kahirapan, at 'yung health issue--holistic in other words, mas matitigil na itong walang humpay na patayan at titingnan na problema sa panibagong approach.

Q: Sir, do you see the effect nung statements ng Pangulo na 'kill', I mean--

SEN. PANGILINAN: With all due respect, hindi ito ang solusyon. Kahit sa Davao City, matapos ang 30 taong war against drugs doon, libu-libo pa rin ang nagsu-surrender na mga addict at pusher. So, ibig sabihin, hindi ito ang solusyon. Ang solusyon ay hindi patayan. Ang solusyon ay komprehensibong pagkilala na hindi lamang criminal issue itong droga.

Q: Will the Senate have to tell the President to change his strategy?

SEN. PANGILINAN: Well, we hope na dito sa imbestigasyon na ito, 'yun ang magiging resulta na iatras itong patayan, iatras itong patakaran na ang mga addict ay walang karapatang mabuhay at dapat lamang sila'y pinapatay. Sana 'yan ang magiging resulta.

Ultimately, solusyon ba? Mababawasan ba ang droga dahil dito sa patayan? Palagay ko mas mababawasan ang droga kung 'yung mga nasa likod nung 6.5 billion na shabu smuggling ang mga managot dahil 'yung mga mahihirap 'pag naririyan ang droga, kapit sa patalim. Pero pagka natigil natin o nabawas-bawasan natin nang husto itong mga sindikatong nagpapasok ng droga, ay palagay ko mas magiging solusyon 'yon.

Q: Sir, what do you say to the supporters of the administration saying that your party is politicizing the killing of Kian?

SEN. PANGILINAN: That's not true. Kahit tanungin niyo yung ordinary citizens na wala namang partido, hindi rin nila ginugusto itong mga pangyayaring ito. Sasabihin na nila kung ano ang gusto nilang sabihin pero hindi tama kahit saan mo tingnan na sa loob lamang ng tatlong araw ay halos walumpu ng ating mga kababayan ay patay na.

Q: What do you make out of Kian's killing na kitang-kita sa CCTV ay ibang-iba sa report ng pulis?

SEN. PANGILINAN: Well, sabil nila isolated incident pero sa totoo lang mahigit tatlumpu na na mga menor de edad ang nagiging collateral damage at pinapatay o napapatay dahil dito sa kampanyang ito.

News Latest News Feed