Press Release
August 1, 2017

Transcript of Sen. Cynthia Villar's press conference

Q: Comelec asked Congress to pass a law postponing the election?

Villar: Wala pa kaming pinag-uusapan tungkol sa postponement but minsan nagbibidahan kami kung ano ang gusto nila. Parang ang concensus, kung postponement with appointment they would rather push through with the election. Yung papalitan, yung ipo-postpone tapos maga-appoint ng barangay, hindi hold-over yung mga dati, kapag ganun parang ang concensus sa Senate, parang gusto na nila mag-elect na lang.

Q: Bakit po?

Villar: Kasi mahirap yung appointment. Kung maraming mag-try na magpa-appoint, mas marami pa ang magagalit kaysa sa na-appoint. Besides, it's really kung sino ang pinili ng tao. Like me, personally, mahihirapan ako mag-decide kung sino ang ipapalit if ever I will decide kasi it's a very hard decision to make. Kung ia-appoint din lang, hindi iho-holdover, mag-eleksyon na lang.

Q: Kung holdover, may chance na ma-approve ang postponement?

Villar: Kasi hindi magulo iyon. Kasi yung magreappoint ka, 42,000 barangays, together with the kagawad, napakarami nun. Magulo iyon. I remember during the revolutionary government, nag-appoint lang sila ng mayor, 1,600, nagkagulo na diba?

Q: Pero ang sabi ng pangulo, kapag i-appoint, that's the only time na ma-clean talaga from narco-politicians kasi sila ang mamimili.

Villar: Mahirap kasi ang pumipili. Personally, parang mahirap mamili ng 42,000.

Q: Iyong Comelec namumrublema na kasi kailngan na nilang magpa-imprenta by next week. Paano daw kung hindi matuloy, gagastos sila tapos hindi magagamit. Is it a priority in the Senate na mag-final say?

Villar: Hindi napapag-usapan.

Q: Imposible in two weeks makapagpasa?

Villar: Sa akin, parang hindi napapag-usapan. Mas napapag-usapan pa ang Comprehensive Tax Reform, yung tungkol sa smuggling sa Bureau of Customs, yung mga cartel. Sinasabi palagi na ipo-postpone pero walang movement.

Q: Ibig sabihin, dapat i-take na iyon as a cue na mag-prepare na ang Comelec kasi parang hindi interested...

Villar: Baka this week kasi may pressure pero before wala kaming pinag-uusapan.

Q: Nananawagan si President Duterte na i-pass ang buong comprehensive tax reform package?

Villar: Tingin ko mahihirapan iyon sa Senado. I mean, I'm just being frank. Syempre hindi naman pwede na en toto. Mahirap iyon. Syempre meron ding mga other considerations. Baka naman sinabi lang ni Presidente iyon para sabihin niya na iyon ang desirable. But we know that in the Philippines, what you desire is not always what will happen. Meron siyang compromises.

Q: May schedule na ba iyong pag-convene sa Senate as a Committee of the Whole?

Villar: I think ASAP. Kasi sabi nila noon they will pass our version by September. Siguro this August, we have to convene to make it to September.

Q: Pero mananatili ang stand ninyo na against kasyo sa lifting ng VAT doon sa low-cost housing?

Villar: Oo, kasi ang bumibili ng ganoong houses are the minimum wage earner at the OFW. I believe we should not give additional burden to them kasi sinasabi na natin na dapat sila ay tulungan dahil malaki ang naitutulong nila sa ating bansa. Ako, consistent ako na we should not burden them. Okay lang sa akin iyong mamahaling bahay iba-VAT pero iyong bahay na binibili ng mga minimum wage earner at saka OFW, remember according to a survey the most important desire kaya sila pumupunta sa ibang bansa dahil gusto nilang magkabahay dahil ang feeling nila kapag may bahay sila, madali nang i-hustle iyong pagkain. The food bill is kaya na nila basta may bahay na sila. And of course, the homes, they can give to the children in the future so it's an investment for them. Gusto ko lang matulungan sila na magkabahay and besides, ang laki-laki ng housing back log natin, 5.7 million. Kapag hindi pa natin sila inencourage na bumili ng bahay, lalong lalaki ang backlog.

Q: Iyon lang ba ang ino-oppose ninyo sa tax package?

Villar: Of course, nagla-lobby din ang sugar farmers na i-lessen iyong kanilang tax and then nagla-lobby din ang mga tao na i-lessen ang excise tax sa gasoline. Alam ko na nagla-lobby na para sa sugar farmers tsaka iyong population in general kasi iyong sinasabi nila kapag tumaas ang gasolina tataas lahat di ba? Of course ako naman, for the homes, for the OFW and for the minimum wage earners.

Q: Speaking of OFWs, iyong bagong requirement ng BOC na kailangan iyong magpapadala ng balikbayan box mag-itemize kung ano ang nasa loob ng kahon...

Villar: Ako naman, kung iyong mga legitimate balikbayan boxes ng mga OFW, basta ike-claim naman ng OFWs ibigay na natin iyon diba. Ang dami namang pwedeng itax na hindi natatax at nai-smuggle na hindi naman dapat i-smuggle. Bakit ba tayo dead na dead sa mga balikbayan boxes ng OFWs? Sa akin, ibigay na iyan sa kanila. That's their only joy, na mag-impake ng box na iyon at ipadala sa pamilya nila. Parang ang dami pa nating haharapin na mga problema sa Customs, bakit ba iyong balikbayan box ang pinag-iinitan natin eh maliit na bagay iyon.

Q: Dapat wala nang ceiling sa amount ng nasa loob ng box?

Villar: Diba na-hearing na iyan. P150,000.

Q: Pero 3x a year kaya 450,000. Pero sa implementing rules ang nilagay lang P150,000 once a year kaya pinare-revise ang IRR.

Villar: Pero usually naman a typical balikbayan box, 50,000 I think malaki na iyon. Maski pati mga appliances naman is less than $1,000. Kaya lang the ease of doing it, medyo magulo pa iyon. I think bihira naman ang balikbayan box na lumalagpas sa 50,000 or $1,000.

Q: No need to detail what's inside?

Villar: Parang hindi naman.

Q: Okay ba kayo sa idea na pareho ng investigation sa Customs kahapon hindi maganda iyong collection nila kasi may mga nakakalusot pa rin.

Villar: I don't think it comes from the balikbayan box. Iyong other products na mas malalaki, katulad nga nito, shabu iyong ganoon. Bakit ba natin pinagkakaguluhan ang balikbayan box unless it is being used for illegal activities, then that's the time. Pero kung iyong tipikal na balikbayan box na bigay ng pamilya sa kanyang pamilya, I think there is no argument with that. Siguro iyong ginagamit lang reason iyong balikbayan box to be able to bring in something that is not desirable or very expensive, iyon ang tingnan. Abuses iyon eh. Pero a typical balikbayan box is okay. Alam mo naman ang mga tao, mahilig din silang mamili tapos ilalagay nila sa balikbayan box parang therapy nila sa Amerika iyon eh. I think it's for their own enjoyment also and natutuwa naman iyong mga pinadadalhan.

Q: On Parojinog family

Villar: Sinasabi nila na hindi naman natin mapangunahan ang pulis how it was done. Sinasabi lang nila na a typical family kapag pinasok nang ganoong oras, matatakot kaya siguro nagkaroon ng infighting.

Q: Wala kayong nakikitang necessity for an inquiry katulad noong kay Espinosa?

Villar: Ang naging problema doon kay Espinosa pinasok sa jail. Pero iyong pagkaaresto sa kanya hindi naman problema iyon eh.

Q: Sa tingin ninyo nasunod ang rules of engagement?

Villar: Siguro natakot sila kaya lumaban sila. Kasi may nagko-comment na kapag ganoong condition, biglang darating matatakot ka at may tendency na lumaban. Siguro iyon ang naging problema doon.

Q: May reaksyon ba kayo sa move ng PNP na sa QC RTC kumuha ng search warrant para daw maiwasan ang leakage?

Villar: There's something to that, logical explanation.

Q: Better ba kung hindi sila napatay?

Villar: Better.

Q: Itong kay Vice Mayor, mas gusto ninyo na dito sa Metro Manila NBI mag-stay dahil may threat siya sa Ozamiz. Do you think that's a request na dapat pagbigyan?

Villar: Kung mas gusto niya dito sa Manila, mas better iyon. Dito sa Manila mas fair and besides, I would think na siya nga dapat at home sa Ozamiz dahil taga-roon sila pero the mere fact na siya na ang may gusto, that's ok.

Q: Panahon na ng bagyo, ano ang mga dapat i-take into consideration ng DA kasi expectedly kapag nagkaroon ng malalakas na ulan masisira ang crops?

Villar: I think expected naman iyan na kapag grabe ang disaster talagang nasisira ang crops. In fact, one of the bills na ipa-file namin is iyong agri insurance. Alam mo minsan kaya hindi nagpapautang ang mga bangko sa agriculture kasi natatakot sila. High-risk eh. Kapag nagkaroon ng disaster, and we are disaster-prone, nasisira ang crops, ano ang hahabulin nila sa farmers? Right now, we are drafting a bill which will provide agricultural insurance sa farmers para kung meron man silang pinagkautangan, merong pambayad kasi magke-claim sa insurance. Parang sa tao, halimbawa namatay ka, at may loan ka, meron kang mortgage redemption insurance, so ang bangko doon sa insurance company mo maniningil, bayad ka na kahit namatay ka. Parang ganoon din sa crops. Kung may insurance, ang bangko kung may pinautang sayo, makakasingil siya sa insurance company. At the same time, kung wala ka namang utang, makakasingil ka sa insurance company then makaka-replant ka uli kasi meron ka na namang puhunan to replant because naka-claim ka sa insurance. I think agri insurance is so important that it should be available to all farmers. Kaya namin pinag-aaralan ngayon kung magkano ba iyong agri insurance for a typical one-hectare farm para kung masyadong mahal na sa tingin namin hindi maa-afford ng farmer, maybe we can pass a law na subsidizing agri insurance by the government kaysa ilagay ang pera sa mga relief na palaging may complaint na hindi nakarating sa dapat bigyan, nasira, maraming abuses, hindi tama. So kung insurance ang sinubsidize mo, each and every individual will claim the insurance, walang gulo, malinaw, kung sino ang may insurance, siya ang makaka-claim. Walang abuses, walang mishandling, walang maski ano. Iyon ang gusto naming mainstitutionalize.

Q: Kahit na iyong ibang sinasakang lupa nire-rent?

Villar: Oo, but you are insuring the crops, the harvest. Ito naman para iyong nag-loan, hindi matakot ang bangko kasi kung masira ang crops babayaran sila ng insurance. Iyon namang walang loan kapag nasira ang crops mo makakabangon ka uli kasi makaka-claim ka sa insurance.

Q: Parang very aggressive sa Build Build Build ang government, hindi kaya dapat kasama rin doon ang post-harvest facilities?

Villar: I think kasama naman doon ang mga farm to market roads. Siguro iyong mga infrastructure na roads will be included. Iyong other facilities will be included kasi infrastructure iyon eh, buidlings and all that. But masasabi natin na kaya siguro niya ginagawa iyan kasi behind talaga tayo sa infrastructure compared to other countries. So parang hindi naman tayo naga-aggressive. We are trying to catch up. Hindi iyong parang nagko-contest tayo dapat mauna tayo, no. We are just catching up compared to other countries.

Q: Mayroon kayong project sa mga waterlily, maraming local officials during typhoon season nagrereklamo sila sa baha na apparently dala ng waterlily. Ano ang tamang approach doon?

Villar: Alam mo dalawa na ang system na ginagawa namin sa waterlily para ma-encourage. One is, i-weave mo ang water lily into products. Ngayon, hindi lahat ng tao mahilig sa weaving so we have given another alternative, we bring in iyong aming machine that converts waterlily into foliar or liquid organic fertilizer. Iyang waterlily nasa kagustuhan na ng tao kung gusto nilang iprocess, it's their wish. Hindi mo naman pwedeng pilitin ang mga tao kung ayaw. Kami very aggressive kami, iyong mga lugar na may waterlily tapos may tumawag sa amin na gustong magpaturo na i-process ang waterlily nila whether sa weaving or sa paggawa ng organic fertilizer, we are very open.

Q: Hindi pwedeng ipwersa ang mga local official na magcontribute na lang sa inyo?

Villar: Hindi mo naman mapepwersa ang local officials. They have to do it themselves. Hilig-hilig iyan. Ako kasi, in all my projects, I never force people. I give them alternatives of what they can do. But it should come from them. You can not force these things to them.

Q: They can approach you?

Villar: They can approach me anytime. We are doing it. It's one of our advocacies. Ang mga tao napepwersa silang mag-ganyan kasi nagdedemanda na ang Ombudsman if you are not implementing the National Solid Waste Management Law. Iyong iba they are doing it because they want to be able to pass that level na hindi sila madedemanda.

Q: On the surface may nakikita ba kayong irregularity sa Parojinog?

Villar: Kasi iba-iba naman ang version of what happened. Like for example, may nagsabi, I don't know if it's true na merong hawak na granada. Kaso iyong may hawak natanggal na niya iyong pin, nabaril siya kaya pumutok sa kanila. Iba-ibang version. We don't know what to believe. Sila din naman magi-investigate niyan hindi tayo. Parang wala pa akong nakikitang move sa Senado to do an investigation. Public Order iyan eh kay Sen. Lacson.

News Latest News Feed