Press Release
July 24, 2017

Grace Poe's Ambush Interview Transcript after the SONA?

Question: Reaksyon sa SONA, saan nakukulangan?

Sen. Grace Poe: Sana ay nabanggit din ang FOI...(inaudible) Ang emergency powers ay gawing priority bill kasi kung talagang importante para sa imprastraktura iyon, kapag iyan ay priority bill, mayorya ng mga kasama namin sa Kongreso at Senado ay mga kaalyado niya, siguradong maipapasa iyon. Pero kung hindi nababanggit ay siyempre kalbaryo ang pagdadaanan din nun.

Q: Yun lang po FOI and emergency powers?

Poe: Oo sana nabanggit niya. Sana ginawa niyang prayoridad ang emergency powers kasi kung prayoridad yun, maipapasa agad iyon at yung kailangan niya para sa programa niya na imprastraktura na magbibigay ng milyun-milyong trabaho.

Q: Yung hinihinging tax reform package, gusto ng presidente, buo at mabilisan. Kaya ba?

Poe: Siyempre unang-una, kailangang gawin ng Senado ang trabaho kung ito ba ay makatarungan para sa ating kababayan. Siyempre gusto nating magkaroon ng pondo ang gobyerno pero ayaw rin naman natin na maging masyadong pahirap. Ang isa pa, kung ang imprastraktura ay prayoridad ng Pangulo ay sana nabanggit niya na gawing priority bill ang emergency powers kasi kaalyado naman niya yung mga kasama ko, so kung sinabi niyang prayoridad ito, ipapasa ito dahil matagal ko nang itinutulak ito, kaya lang medyo matagal nga ang deliberasyon sa Senado dahil hindi nga prayoridad nung umpisa, pero ngayon na nabanggit niya na kailangan niya ng tulong sa imprastraktura, sana naman ay magising din yung mga iba na pwedeng sumuporta dito.

Q: Ma'am, sinisingil niya kayo sa traffic, 'di ba sabi niya 'bahala ka na sa traffic sa EDSA.'

Poe: Para sa akin, yun nga ang sinasabi ko, kung talagang ito'y prayoridad ng Pangulo, sana ang emergency powers ay ginawa niyang priority measure kasi kung ito ay priority measure, hindi na ako mahihirapan na kumbinsihin ang aking mga kasama sa Senado na ipasa ito. Hindi nga naisama sa mga priority measures kaya hindi masyadong minamadali. Baka ngayon na narinig na nila ang sinabi ng Pangulo ay gawin na nilang mabilisan ang deliberasyon dito.

Q: Ano ang masasabi ninyo doon sa banat ni Presidente doon sa mga pumupuna sa EJK, doon sa war on drugs niya?

Poe: Alam naman natin ang Pangulo, iyan ang pinaka-adbokasiya niya. Para naman sa akin, lahat tayo, binabalanse lang natin. Kung hindi tayo naniniwala sa isang bagay, huwag din tayong matakot na mamintas o magsabi kung ano ang nararapat kasi kasama iyan sa kalayaan sa ating bansa. Kung hindi tayo sang-ayon, sa tingin natin ay lumalabis o sobra, dapat magsalita din tayo.

Q: On peace talks?

Poe: Siyempre kailangan naman. Naintindihan ko yung Pangulo, hindi naman pwedeng hindi masyadong makatarungan ang hinihingi 'di ba?

News Latest News Feed