Press Release
July 15, 2017

Grace Poe's Ambush Interview Transcript
Philippine-Chinese Chamber of Commerce and Industry event
Iloilo City
July 15, 2017

Question: As chairman of the panel that investigated Mamasapano, ano ang comment nyo doon sa pag-file ng charges kay former President Aquino?

Poe: Para sa akin, simple lamang yan, noong pangulo si Pangulong Noynoy, syempre hindi sya nabigyan ng pagkakataong mag-explain sa Senado, ngayon na may kasong ganyan, may pagkakataon syang depensahan ang kanyang sarili na marinig natin ang kanyang panig. Makikita natin na pagkakataon ito, at magkakaroon na rin ng pagtatapos o closure kasi napakatagal na ng Mamasapano at hanggang ngayon, yung mga apektado, mga biktima, hindi pa rin nila alam kung sino bang nahahatulan. At kung ikaw naman ay wala namang dapat kasalanan ay depensahan mo ang iyong sarili.

Q: Sa martial law sa Mindanao, dapat pa bang i-extend o stop na?

Poe: No doubt, may threat pa rin. Magkakaroon na kami ng resumption ng session sa mga darating na araw, gusto naming magkaroon ulit ng briefing at sa tingin ko, magkakaroon ulit kami ng briefing sa AFP para malaman talaga ang sitwasyon doon. Sa ating mga kasama rin, mga kaibigan natin sa Marawi, meron din silang mga kinukwento sa atin. Ang importante, yung rehabilitation efforts, habang ang isang lugar ay devastated by war, or devastated by fighting, syempre, walang trabaho, walang maayos na tinitirhan ang ating mga kababayan. Dapat maayos ang mga yun kasi mas hindi magtatagumpay ang mga ganyang terorrista.

News Latest News Feed