Press Release
June 15, 2017

TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEW AFTER SUGAR TAX HEARING

Q: Sir, okay po ba sa inyo yung 2 tier na P10 per liter?

SJEA: Mukhang yung 2-tier, parang ang karamihan ng eksperto, ang opinyon ay ilegal yun, especially kung ang basehan kung galing sa ibang bansa talagang magkakaron tayo ng problema sa World Trade Organization dahil pirmado tayo doon. At magkakaroon ng gantihan. Gaganti sa atin yung mga ibang bansa. Yung ating mga lokal na industriya naman, ay baka naman matamaan.

Q: Sure po ba ang committee that you will pass a bill imposing excise tax on SSBs?

SJEA: Well, that's the direction but siguro titignan natin kung ano yung rasonable talaga dahil lumalabas na parang sa isang litro ng softdrink dito sa panukala ng House ay 50 percent, o kalahati yung itataas ng presyo. Medyo natataasan tayo ron. Kasi pinag-aralan din natin yung sa ibang bansa, at lumalabas parang naglalaro lang sa 10 percent yung pagtaas, e. So tignan natin kung ano ang ginawa sa ibang bansa kung epektibo ba yun. Pero tinitignan din natin yung ibang sukatan doon sa pagpataw ng buwis. Kasi sa ngayon, ang sistema na ginawa ay yung sa volume. Ibig sabihin ng volume, ay kada litro ng inumin na may asukal ay binubuwisan regardless doon sa laman na asukal. E, ang sabi ng mga eksperto, kung kalusugan ang pinag-uusapan, dapat tinitigan natin yung laman na asukal at yung buwis nakabase doon sa laman na asukal. Pinag-aaralan natin yan.

Q: May mga nagsasabi na magsasara raw po yung mga sari-sari store?

SJEA: Definitely pag masaydong malaki yung buwis, matatamaan yung ibang apektado dyan dahil sila yung maiipit sa presyuhan.

Q: So inclined kayo na mas mababang rate?

SJEA: Titignan natin dahil mataas na nga yung P10 so tignan natin kung ano yung kompromiso rito.

Q: Sir, ano ba yun, health bill or revenue bill?

SJEA: Hindi pa masyadong klaro although ang linya ng executive is that health bill sya. So, ano talaga yung talagang makakatulong sa kalusugan at sabi nga natin, kung talagang ini-encourage natin yung healthy habits, dapat hindi volume based kund doon sa sukatan ng laman. Sabi ng DOF, pag-aaralan nila yung sugar content basis. Ibig sabihin - ang ginawa kasi sa ibang bansa, kapag may tinatanggap na acceptable minimum level of sugar, whether it's 50 grams or 70 grams, tapos ang tina-tax, anything over that. Tapos, pag lumampas ka roon, meron silang parang scale - depende sa content, meron silang ipinapataw na buwis na naka-base doon. Kasi sa ngayon, yung gatas, tsaka yung softdrinks, parang parehas ang lagay, e. Parang hindi yata tama. Yung kape tsaka yung softdrinks - aminado naman ang mga eksperto na iba yung epekto nyan sa populasyon.

Q: So sir hindi pa sya lusot ngayon?

SJEA: Sa ngayon tingin namin medyo hilaw pa. Kaya nga pinapaaral namin sa DOF yung ibang alternatibo. Kung ano yung maganda.

Q: Sir, ano ang target nyo?

SJEA: Target namin is by September sana meron na tayong committee report na ilalabas sa plenaryo para i-debate ng ating mga kasamahan.

Q: Saan po marerecover yung revenue na ma-eerrode sa compromise sa excise tax on sugar?

SJEA: Revenue neutral naman ang goal natin. Ibig sabihin nun, kung anuman yung ibibigay natin na tax break, may karampatang ikakalap na buwis. So walang malulugi ang gobyerno.

Q: Revenue na makokolekta sa sugar-sweetened beverage tax?

SJEA: Nasa P47 billion sabi ng DOF.

Q: Kung insignificant yung pinaplanong itaas na prices, paano madidiscourage yung mga consumers ng sugar-sweetened beverages?

SJEA: Kaya dapat nakabase doon sa sugar content. Kasi kung pare-pareho ang trato natin sa gatas at sa softdrinks, edi titigilan nila lahat. Hindi ba mas maganda na painumin natin yung mga bata ng gatas kesa sa softdrinks. Para sakin, mas maganda yun. So yun yung sistemang gusto nating gawin. Yung mga bata i-encourage natin ng tamang nakakatulong sa kalusugan, yun ang iinumin nila.

Q: Sir, hindi po ba naglolobby yung mga softdrinks?

SJEA: Lahat yan nag-lolobby. May kanya-kanyang pananaw pero syempre yung pananaw natin yung sa taumbayan, yung makakabuti sa kanila.

Q: Sir, yung sa tax administration, kaya ba?

SJEA: That's what Congresswoman Suansing is saying, tinapon natin sa FDA yung tanong, ang sabi nila kaya naman but may kailangan silang bilhing kagamitan o equipment.

Q: May leakages po ba?

SJEA: Ang nakikita natin dyan not so much leakage but more of lilipat yung manufacturers dun sa mas mababa ang buwis. Yun ang gusto natin, gagawa sila ng mas healthy na inumin.

Q: Compromise yung P5?

SJEA: We'll look at that. We'll consider the feedback ng mga kasamahan natin at ng mga resource person dito. Kailangan pag-aralan yung iba't ibang factor like revenue, epekto sa industriya, epekto sa trabaho, lahat yan mahalaga.

Q: Mas tama ba na health measure ito o revenue generating measure?

SJEA: Para sakin, hindi mo naman pwedeng ipaghiwalay yan. Kasi at the end of the day, kahit katwiran mo ay health yan, may pabigat pa rin sa bulsa ni Juan Dela Cruz so kailangan mag-ingat tayo. Whether it's a health or revenue measure, kailangan rasonable.

Q: May susunod pa na hearing?

SJEA: We need to have some more. Wala pa tayong hearing sa lifting of VAT exemptions kasama dyan yung housing, BPOs may nagrereklamo din.

News Latest News Feed