Press Release
May 30, 2017

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW

Q: Ma'am sa reso naman calling for a joint session?

Poe: I think that if there's a need for it, kung mayroong isang nag-disagree at gustong i-reject, dapat mapag-usapan in joint session. Yun ang aking interpretasyon kasi siyempre napakalaking desisyon ito bagama't suportado ko ito, siguro kailangan mapagdebatehang mabuti dahil in the interim naman patuloy pa rin naman ang inisyatibo ng gobyerno doon. Dapat gawin naman ng Kongreso at Senado ang aming trabaho na pag-usapan talaga kung ano ba ang safeguards niyan. Ano ba ang dahilan kung bakit mayroon tayo niyan at dapat marinig ng ating mga kababayan ang aming mga sariling pananaw ukol dito.

Q: Ma'am ngayong gabi expected na pagdedebatehan yung dalawang resolusyon: for joint session tapos yung isa in support of martial law

Poe: Ako, I am for the joint session. Kailangan sa tingin ko na magkaroon nito kung mayroong disagreement. Right now in principle, I support the martial law. I don't think kailangan naman talaga ng isang resolusyon. Sa tingin ko individual explanation kung bakit namin sinusuportahan ito. Pero sa tingin ko ang intensyon talaga, kung mayroong isang salungat sa paniniwala ay kailangan magkaroon talaga ng joint session kasi paano natin malalaman ang eksplanasyon natin ng boto, napakahalaga ng bagay na iyan. Kahit suportahan natin ito, kailangan pa rin na on record.

News Latest News Feed