Press Release
May 19, 2017

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar

Q: On the hearing on the Agri-Agra Law

Villar: Actually, we want to review iyong Reformed Agri-Agra Law na pinasa noong 2009 kasi hanggang ngayon, based on studies, ang cause pa rin ng lack of competitiveness at kahirapan ng ating mga farmers and fisherfolks is their inability to access cheap credit. Bagsak pa rin tayo doon. Kaya itong agri-agra law, iyan talaga dapat ang mag-solve noon. Hindi natin maintindihan why we are failing. Either iyong mga farmers natin, they lack the knowledge to access this credit, so we are building farm school para maturuan doon how to access cheap credit. At the same time, baka values din na hindi naturuan na magbabayad ng utang, or hindi talaga nila mapakita iyong farms nila, they lack the expertise to operate their farm as a profitable business.

Q: Nabanggit nyo kanina iyong sa Quendancor...

Villar: Ang pinakalamalaki nga iyong sa Quedancor, P4 billion. Iyong iba ayaw na nilang ipa-condone kasi mga coop. Hindi rin maganda sa coop na itotolerate mo silang hindi nagbabayad kasi ang daming magagaling na coop sa Pilipinas, nagbabayad naman. Bakit naman natin itotolerate na huwag magbayad iyong mga coop. Ang nakikita ko na lang doon iyong condonation of the amortization of land reform beneficiaries. Pero ang sabi nila nagpapa-pass sila ng law, ibigay na lang ang lupa for free sa land reform beneficiaries. Kapag binigay ang lupa for free, wala na rin ang amortization. That's a different law.

Q: Ano ang amendments sa Agri-Agra law?

Villar: Na-amend na nga eh. It was a presidential decree in 1975, inamend noong 2009. They call it the Reformed Agri-Agra Law. Ngayon supposed to be after three years, ire-review nila kung ang kanilang reforms worked. Tinatanong namin kung nag-meeting na sila ng DA, DAR saka BSP tungkol dito, wala pa.

Q: Magkano ang total amount ng interest and penalties na tinitingnan ninyong iko-condone?

Villar: Hindi pa nga nila masabi. Magulo. Isa pa iyon, iko-condone pero hindi alam kung ano iko-condone. Tapos iyong CDA doesn't agree na dapat i-condone iyong sa coop. Kasi that will be teaching them not to pay loans when in fact, it is their business na nagpapautang sila. Kung iyong nagpapautang hindi magbabayad ng utang nila, ano ang ituturo sa kanilang mga members, huwag na rin magbayad ng utang? Medyo magulo itong bill na ito. This bill is not coming here for the first time. It has been forwarded in many Congresses. Kaya siguro hindi napapasa, medyo magulo.

Q: Naestablish na ba natin kung ano ang problema ng farmers, iyong access sa credit o dahil sa mga policies na iniimpose ng coop?

Villar: No, they reformed it. Kasi dati, ang bangko they are required to lend 25% of their loanable funds to agriculture and fisheries. Kapag hindi mo na-accomplish iyon, you pay a penalty. It's ½ of 1 percent of your loanable funds na short. Ni-revise nila iyon in 2009 na pwedeng other modes of compliance. Dapat ni-review iyon what happened. Did it improve? Wala pa silang report.

Q: Ano ang chances ng bill na ito kung magulo siya?

Villar: I cannot pass this kung ganito kagulo. I have to understand the bill.

Q: What do you require for the next hearing?

Villar: Iyong report what happened to the Reformed Agri-Agra Law. They have to have a definite figure of what they want to condone. Wala silang figure eh.

Q: Iyong amendment noong 2009 ng Agri-Agra Law, nandun na sana ang cheap credit?

Villar: Supposed to be, it will work. Kaya nga ni-reform mo so that it will work. Hindi pa nare-review if it worked, kung tumaas ba ang loan sa mga farmers based on compliance. Wala pa silang figure kung tumaas nga ba o hindi. Tinatanong ko, ano ba figure ninyo? 13 percent daw ngayon out of the 25. Pero ano ba ang figure before the passage of the law, para ma-compare natin kung ano itinaas. Hindi rin nila alam.

Q: Next hearing ba would you require na mga higher officers na ang mag-attend?

Villar: Hindi naman ako nagre-require pero dapat ang pupunta iyong nakakasagot. Kasi paano tayo maghi-hearing kung ang pumupunta hindi nila alam kung ano isasagot nila. Siguro para makasagot ang kailangan medyo matas ang posisyon.

Q: What can you say about Duterte administration rejecting the EU aid?

Villar: Iyon naman ang sinasabi nila ang nire-reject nila ay iyong mga aid na may colatilla na sa tingin nila kapag sinunod nila ang mga requirement, it will question iyong independence of our foreign policy. Pero iyong mga ibibigay naman na maganda for poverty reduction, at maganda for economic development, at mga aid na ibinibigay for humanitarian reason, hindi naman iyon ang kine-question. Iyong mga aid lang na may colatilla na tingin nila iyong ating mga independent foreign policy hindi na natin magagawa kasi may mga nire-require.

Q: You're not worried, ma'am?

Villar: Kasi alam mo, ako pa rin ay believer. Ewan ko kung kami ay mali or tama, na we can improve ourselves on our own kung tayo lang eh we will work hard for it. Hindi ako masyadong believer na kailangan natin. Maliliit lang naman iyong foreign aid na iyan na minsan baka natuturuan pa tayo na we don't work harder kasi umaasa tayo sa mga ganyan. Kasi kami sipag at tiyaga.

Q: Si Secretary Mariano is expected to be bypassed by the CA?

Villar: Wala naman akong nadidinig na maba-bypass siya.

Q: Kasi wala na daw hearing next week ang CA. Magbe-break na ang session.

Villar: They will be back after the resumption of session. By-passed lang, hindi naman rejected.

Q: You don't see it affecting his functions?

Villar: Hindi naman. Kahit ka naman OIC, pareho pa rin, you can do your job.

Q: You mentioned kanina mga problema sa NFA?

Villar: Nag-file kami ng resolution, which I hope to hear even during sine die, after the end of the session. Diba ang dami-daming publicity about NFA na hindi sila mag-agree sa policies nila. We want to know what they are disagreeing on, clarify things and hopefully to pass an amendment to the NFA charter. Kasi iyong NFA charter nila, napakatagal na rin noon. Baka naman iyong conditions noon, hindi na ang conditions ngayon. So titingnan namin iyong NFA charter what we can do so that we can correct whatever is wrong with that NFA charter.

Q: Wala pang specific na NFA amendment kayong naisip?

Villar: Wala pa. I have to hear them, ano ba ang nagiging problema nila na hindi sila mag-agree, iyong NFA administrator at saka NFA Council. Tapos sasabihin ng DA, hindi sila kasali sa NFA Council, when in fact, kasali sila. And then, dapat idini-determine ilan ba talaga ang iimportin natin at what price natin bibilhin ang rice ng local farmers. Kasi ang nakalagay doon, P17/ kilo. Maraming nagsasabi na dapat i-adjust iyon for inflation kasi matagal na rin iyong P17. Iyon ang re-rebyuhin natin kung may basis ang mga contention na ganun.

Q: May sumulat po sa inyo na agri-business group na SINAG?

Villar: Kasi merong nakaimbak doon sa Bureau of Customs na supposed to be smuggled rice. Diba napasa namin iyong law declaring large-scale agricultural smuggling as economic sabotage and non-bailable? They want to file cases against those na nasa customs na napakalaki, around 4.5 billion worth. Ang large-scale agricultural smuggling is just P10 million. Large-scale agri smuggling na iyon. They want to know if cases will be filed. Hopefully, doon sa hearing namin maka-clarify namin kung ano ang gagawin nila doon.

Q: Sa usapin ng rice importation, saan tayo mas makakamura? Government to government na pag-import or gorvernment to private?

Villar: Wala namang problema sa importation. Ang nagiging problema natin kung private ang magi-import, sinasabayan nila ng smuggling. Kasi alam mo, kapag nag-import ka, katulad noon sasabihin nila 800,000 metric tons of rice ang iimportin, less than a million. Okay lang iyon kung iimport iyon kasi iyon ang shortage natin. Pero kapag sinamahan ng smuggling iyon at lumaki iyon, then nadi-destroy ang supply and demand. Syempre kapag ang inimport mo, mas malaki sa demand, mao-oversupply ang rice mape-penalize ang ating mga local farmers kasi mumura ang rice nila. Kasi ang price is determined by the law of supply and demand. Kapag na-oversupply ka, babagsak ang presyo to the detriment of our local farmers. Iyon ang problema. So kung iyon lang ini-import nila, 800,000 metric tons of tons, okay iyon kasi doon tayo short. Pero kapag nasamahan ng smuggling, iyon ang nagiging problema nao-oversupply tayo. Kung private ang magi-import, iyon ang problema. If we can only prevent smuggling, okay lang iyon pero kaya ba natin? Iyon ang problema, nao-oversupply because of smuggling. Pero kung importation na nakasulat at walang smuggling, okay lang iyon kasi they won't import more.

Q: Have you talked with the NFA Council po?

Villar: Kasi napag-usapan na iyan katagal-tagal na. Syempre ngayon nag-appoint ng bago, we are having the hearing para maintindihan din nila ang point of view ng ibang tao. This is the first hearing we will do about NFA in the new adminsitration. Before ginawa natin noong panahon ni PNoy.

Q: May date na po ang hearing?

Villar: Basta ang concern namin ma-file ang resolution at masabi na we will hear it after sine die para wala kaming limit. Kahit on vacation ang Congress, makaka-hear kami kasi ang dami pa naming trabaho.

Q: Doon sa isinabmit ninyong SALN, nanatili kayong richest senator?

Villar: Iyon pa rin yung dati.

Q: Pero tumaas ang inyong net worth?

Villar: 100 ba? Sila ang nag-submit noon sa business, hindi ko naman pinakikialaman iyon, hindi naman nila ako binibigyan ng pera.

Q: Indikasyon iyon na maganda ang takbo ng business?

Villar: I don't know. Kasi dividends iyon, hindi naman iyon yung business. Kapag nagbigay sila ng dividends that's the time na may income kami.

Q: Si former SP Manny Villar ang behind it?

Villar: Oo, hindi ako nakikialam doon kasi hindi naman nila ako binibigyan ng pera.

Q: Dapat bang ireconsider ni Presidente ang decision to stop iyong tinatanggap na foreign aid from EU kasi si NEDA...

Villar: Syempre, sila ang NEDA gusto nila as much pera ang papasok. But we are talking here of iyong nire-require nila to receive iyong aid, parang may mga conditions na tingin nila it affects us kasi parang nadidiktahan ang ating foreign policy. Iyon ang question. I don't know kasi hindi naman ako familiar kung ano ang mga conditions pero ang nagsabi yata ang Department of Finance na may mga conditions na baka hindi nila mami-meet. Mahirap tanggapin kung hindi mo naman maibibigay iyong mga conditions that come with it. Maybe we will ask them what are those conditions.

Q: Can we afford to lose iyong mga grants na iyon?

Villar: That's 16 billion, ang budget natin is P3.3 trillion. Ilang percent iyon ng budget? .... Maliit relative to the total budget.

Q: Hindi kawalan?

Villar: Kasi kung hindi mo naman mami-meet ang condition, bakit mo tatanggapin?

Q: Ang beneficiaries pala noon maliliit na communities sa Mindanao?

Villar: Sa ARMM...

Q: So dapat government funds ang gamitin para hindi magsuffer?

Villar: Tingin ko kaya naman nila iyon.

Q: Dapat ba mag-set ng example ang government officials doon sa hindi paninigarilyo dahil nagpalabas na ng EO?

Villar: Hindi ako naninigarilyo so I am an example, and my whole family hindi naninigarilyo. Walang problema sa amin... Pero iyon naman in public places lang and we are observing that naman.

Q: Do you see any repercussion sa mga people relying on the tobacco industry?

Villar: No, noong i-pass natin ang sin tax, diba tina-tax natin ang tobacco, excise tax? Talagang tumaas na ang prices ng tobacco and to soften the blows sa ating tobacco farmers, iyong sin tax bill, 15% ng collection goes to the tobacco-producing provinces. I think ang latest figure is P23 billion a year to the tobacco-producing provinces. Malaki iyon.

Q: Pero naka-schedule na uling itaas diba?

Villar: Oo, pero that is part of the sin tax law. Na-accept na iyon ng tobacco-producing kasi ang laki ng binibigay sa kanila para i-encourage na ang mga tao to go to anotehr industry. Kasi iyan eeffect lang iyan after one generation. Kasi ang aninigarilyo ngayon hindi na mapipigil iyon. But iyong future generation, hindi na sila maninigarilyo. So sila ngayon binibigyan sila ng pera para humanap na sila ng hanapbuhay other than tobacco para hindi mabigla ang mga tao. Kaya nga binibigyan sila every year ng part of the sin tax...

Q: On EO on smoking

Villar: It's good for our health. Iyon daw second hand smoke mas grabe kaysa iyong ikaw mismo ang naninigarilyo. I think this executive order is for the benefit of a healthier Philippines. Kung yung sin tax bill is a health bill, ito rin is an executive order for our health.

News Latest News Feed