Press Release
May 15, 2017

SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
After the MRT hearing

Question: Yung revelation ni DOTC Secretary that he signed the contracts without going thru the nitty gritty.

Sen. Grace Poe: Yun nga siguro yung pinakamalaking rebelasyon dito, pinayagan niya yung maintenance contract na pumasok para palitan yung Sumitomo pero hindi pala niya alam ang detalye nito. Basta pinirmahan na lang niya dahil sabi niya bago lamang siya doon pero yung nakaraang secretary at yung mga tauhan niya ang nagdesisyon dito.

Q: Ma'am do you see a need to call or invite Sec. Mar Roxas for the next hearing to clarify?

Poe: Nandoon naman sina USec. Limcauco at saka si USec. Lotilla, kasama doon. Sa ngayon, hindi pa natin iniisip. Alam mo pinag-iingatan ko na huwag sasabihing pulitika ito pero nakikita talaga na yung isang incorporator na hindi dumating ngayon, na pinapa-subpoena ko, si Marlo Dela Cruz ay talagang kasama siya sa mga nananalo sa mga bidding na yung kanyang kumpanya bagong-bago, bagong incorporate, napakaliit ng kapitalisasyon, ang meron lamang siya ay koneksyon doon sa mga nakaraang nakaupo sa DOTC. Sa tingin ko, ito yung talagang nag-ugat ng problema dito. Anong kinalaman ng isang tao na nakapasa nga sa bid pero wala naman talagang track record, bigla na lang nananalo. Marami rin nagsasabi na hindi rin sila sinasabihan tungkol sa bidding schedule at saka yung Sumitomo, paulit-ulit na nilang binibigyan ng maintenance extension pero pagdating sa bidding, hindi naman nila nabigyan ng sapat na oras para makilahok.

Q: Ma'am ano yung pagkakaalam niyo sa koneksyon ni Marlo Dela Cruz doon sa past administration?

Poe: Ito galing sa iba ito, inamin na rin ni Sec. Abaya nakilala niya ito bago pa rito sa DOTC dahil kaalyado nila ito. So yun ang maaaring isang anggulo. Hindi siya sumipot dito ngayon, bakit? Kung wala naman siyang tinatago, dapat magpakita siya. Pero yun yung nakakalungkot talagang nagtatago sa mga teknikal at legal na bagay ang mga dating naupo diyan. Sa ngayon naman, ang nakikita kong pagkukulang nila ay yung operations manager, hindi rin masyado nakikipag-usap doon sa kanilang mga tauhan. Hindi rin niya alam yung ibang mga schedule ng legal, kaya nga kapag ganyan ang nagiging problema, hindi nag-uusap usap sa loob ng departamento, kung nag-uusap man ay nagkakayarian, talagang magkakaroon tayo ng hindi maaayos na pagpapatakbo ng tren.

Q: Ma'am ano yung connection ni Dela Cruz from PH Trams to Busan? Parang representative po siya?

Poe: Hindi, incorporator siya.

Q: Ng lahat ng 'to Ma'am?

Poe: Kasama siya doon sa PH Trams. Kasama din sya doon sa Busan. Kahit papaano merong ownership yan doon.

Q: Favored siya, kasi yung mga winning ano, nandoon siya?

Poe: You can just look at it logically. Parang pabago-bagong mga kumpanya, bagong incorporated lang, pero nananalo na. Tapos makikita mo ano yung commonality between both maintenance providers, yun nga yung taong yun, si Marlo Dela Cruz. Kaya tatanungin natin, baka nga eksperto siya. So tatanungin ko sya, ano ba ang background niya? Ano ba ang mga naging negosyo nya bago yun? Diba, kasi pagkakataon niya sanang mag-eksplika sa harapan natin, pero di naman siya sumipot.

Q: Pero acceptable ba yung sagot ni Sec. Abaya that he didn't want to be a "doubting thomas" kaya hindi na niya tsinek yung background.

Poe: Of course not. Kasi, kung kayo ang head ng agency, sabihin na nila kung ano ang sasabihin tungkol sayo, gawin mo kung ano sa tingin mo ang nararapat, para masiguro ang serbisyo at kaayusan sa iyong departamento. Hindi naman pwedeng pag-uupo ka na dun, kunwari ako bagong upo dito, syempre titingnan mo muna ang imbentaryo, "teka maayos ba ito? Kahit na kaibigan ko pa yung dating naupo dyan, responsibilidad ko sa taumbayan na yung papasukan natin ay maayos", kasi kahit na inaprubahan na yan bago siya naupo, siya parin ang pumirma para matapos na itong kasunduan na ito.

Q: Ma'am may lumalabas ba ma'am na conspiracy Ma'am, na talagang deliberate na pinalusot lang ng dalawang leaderships ng DOTC?

Poe: Hindi. Alam mo parang lahat yan compliant legally, parang siguro mahihirapan maghanap ng bagay na magtuturo sa kanila na mayroon silang ginawang hindi lehitimo pero makikita mo, baka mayroong improper dito, bakit sa dami ng kumpanya, ito pang mag kakilala sila na hindi naman masyadong matagal pang na-iincorporate at napakaliit ng capitalization. Kaya siguro kung magkakaroon tayo ng bagong batas ay dapat masiguro natin na itong mga joint venture ay talagang legitimate, mas malaki yung ownership ng may track-record at siguro yung kapitalisasyon ng mga sasama ay proportioned sa project. Imagine, P600,000 lang ang capitalization ni Marlo Dela Cruz, yung kumpanya niya, ang contract nila ay P54 million. Kung Toyota Vios hindi nila kayang bumili tapos nanalo sila ng kontrata na iyon. So kung ako siguro yung nakaupo doon sasabihin ko, "teka muna parang mali yata ito kasi kabago-bago palang nito." Makakayanan ba talaga nila? May inventory ba sila o wala?

Q: So ma'am, in a way nagkaroon ng pagkukulang si Sec. Abaya?

Poe: Ako sa tingin ko may pagkukulang, pero aminado din naman siya. Siya na mismo ang nagsabi na hindi niya alam ang pinasukan niya. Basta nagtiwala na siya ng buo sa nakaraang DOTC na namumuno na maayos ang kanilang trabaho. Pero salamat naman at dumating siya sa ating pagdinig.

Q: Sabi ng DOTr, by December daw wala nang long lines sa MRT. Is this something you find believable?

Poe: Umpisa na naman tayo. 'Di ba dati pa sinasabi ni Sec. Abaya na madedeliver na, ngayon ang sinasabi nila by August magkakaroon ng kaunting pagbabago. Pagdating ng December, tataas na ang ridership. Basta tataas daw ang ridership pagdating ng 2019 magiging 800,000 iyan. So kung sasabihin natin na madadagdagan ng 300,000 ang capability, natural mas mababawasan ang pila pero ito na nga tayo, ang sinabi nila, sabi ng operations head, hindi pa rin daw sila sigurado kung yung signaling system ay talagang magtutugma, itetest pa nila. So ngayon talagang dineliver dito na talagang hindi pa kumpleto ang test so sino ang may kasalanan doon?

Q: Si former Sec. Mar Roxas hindi niyo iimbitahin, parang favored contractor nila?

Poe: Tingnan muna natin kung makukuha natin ang kasagutan na iyon para bawasan natin muna ang pag-sensationalize dito. Kunin natin dun sa nag-apruba talaga nito na pwede naman na magsabi kung kinakailangan ba siyang ipatawag. Pero kung paiikutin lamang, mabuti pa siguro the record would speak for itself, what has been stated here in this hearing.

Q: So far no, you're not convinced na ipatawag si dating Sec. Mar?

Poe: I am convinced that during their time they dropped the ball. And I also am convinced that Sec. Abaya should not have allowed it to continue or persist during his time.

Q: When are you coming up with a report on this?

Poe: We'll see because we still have another hearing on the 23rd. I would also like to correct the schedule, wala na tayong MRT hearing sa 18. May 18 is LTFRB, sa 23 na yung hearing ng MRT kasi yun yung iba na mag-aattend.

Q: May Tugade na yun Ma'am?

Poe: Yes I am hoping that Sec. Tugade will attend. Kasi ngayon out of the country siya.

Q: Hindi katwiran na he acted in good faith?

Poe: Yung relasyon niya sa Diyos, sa kanya iyon. Yung relasyon niya sa kanyang trabaho at sa tao , responsibilidad natin iyon na Makita kung may pagkukulang siya kasi naman ang Diyos, kahit na ikaw ang pinakamasamang tao sa mundo, kung hihingi ka ng tawad ay patatawarin ka. Dito naman sa atin, mayroon tayong sistema ng hustisya para maiwasan ang ganitong pagkakamali uli. Dapat matuto ng leksyon ang mga nagpabaya.

News Latest News Feed