Press Release
March 24, 2017

Sen. Leila M. de Lima's Handwritten Note
Dispatch from Crame No. 38

Hinggil pa rin sa patuloy na paninira sa'kin ng Pangulong Duterte--

Ano man ang ibato nya sa akin, na pawang mga kasinungalingan, ay hindi magiging katumbas ng pagtraydor at pagbenta nya sa ating bansa sa Tsina.

Ang ating mga teritoryo at pag-aari sa karagatan na pinaglaban ng ating mga ninuno, at kinilala ng Arbitral Tribunal at the Hague, ay binebenta naman ng namumuno ngayon.

Ginagamit lang ako upang pagtakpan ang katraydoran nya sa ating bansa at ang iba pang kapalpakan ng pamahalaan na ito.

LEILA DE LIMA

News Latest News Feed