Press Release
March 13, 2017

INTERVIEW WITH SEN PANGILINAN ON DESTABILIZATION, LP VOTE ON DEATH PENALTY

QUESTION: Konting kibot parang laging destab daw na Liberal Party is behind it. Tulad kanina nabanggit 'yung Lascanas and even Sandra Cam is saying, pati siya eh mga dilawan daw ang behind...

SEN PANGILINAN: Well, yun ang pinakamadali nilang gawin para ma-divert 'yung issue. Paano naman pwedeng sabihin ang LP ang nasa likod ng pagsisinungaling ni Secretary Yasay? Na ang LP ang nasa likod ng mga problema sa BID? 'Yung problema sa NFA? 'Yung problema sa NIA na tinanggal ang adminsitrador? Tapos ang lahat ng ito kami ang may kasalanan? Palagay ko naman ang taumbayan ay hindi papayag magpaloko at magpalinland. Walang destab na nanggagaling sa LP. Hindi ito totoo. Huwag nilang sisisihin o magtuturo o magdivert ng issue. Ipaliwanag nila 'yung pagsisinungaling ni Yasay. Ipalinawag nila 'yung problema sa NFA, 'yung problema sa NIA, 'yung problema sa BID. 'Yun ang dapat nilang gawin.

QUESTION: Taking off from that statement Sir, ibig sabihin mayroong pagkakamali ang administrasyon ni Pangulong Duterte doon sa kanilang mga appointments na tinalaga niya po?

SEN PANGILINAN: Well palagay ko dahil American citizen at nagamit niya ang kaniyang US passport sa napaka-habang panahon. Dapat sana ay nabusisi nang maayos 'yun. Kaya nandiyan din ang Commission on Appointments para busisiin ang mga appointments na ito.

QUESTION: Sir 'yung sa death penalty, ano po ang magiging hakbang ng Liberal Party (dito sa Senado) kasi sa kabila conscience vote?

SEN PANGILINAN: Well dito sa Senate malinaw na lahat ng miyembro ng Liberal Party ay kontra sa death penalty. So sa palagay ko magandang simulain 'yan ika nga. Gaya ng nasabi ng iba nating mga kasamahan, mukhang dito ay down the wire ang pagboboto rito, very tight, it can go either way. Hindi siguradong maipapasa pero hindi rin siguradong maibabasura o mapipigil ang pagreimpose ng death penalty. Pero ang sa atin, siguro kung mas marami sa mga kababayan natin ay nagla-lobby rin, sinusulatan ang kanilang mga Senador, nagpapadala ng email, nagpapadala ng mga petisyon, baka sakali ay mas lumakas ang suporta sa pagtutol sa death penalty.

QUESTION: Pero what do you make of your party mates who voted "yes" sa House?

SEN PANGILINAN: Well syempre iba ang ating punto de bista at pananaw. At sana sa halip na inuna nila ang ilang political considerations ay inuna nila ang buhay ng ating mga kababayan. Dahil totoo, may mga political considerations, pero palagay ko mas mahalaga ang buhay ng tao kaysa sa pulitika. 'Yun ang aking pananaw. Hindi ako sumasang-ayon sa naging desisyon nila pero nasa demokrasya tayo, rerespetuhin natin.

QUESTION: You think this will weaken the party?

SEN PANGILINAN: Mayroong epekto ito sa partido dahil ang posisyon po natin ay kontra sa death penalty at mayroong ilan na hindi sumunod. Although, sabi nga natin conscience vote 'yon, mas mainam sana, mas malakas sana ang naging kampanya at naging resulta kung mas marami sa mga kasamahan natin sa lower house ay bumoto kontra.

QUESTION: Pero 'yung stand po ba ng Liberal Party, tingin niyo po ba in the future what's gonna happen to the party? You still fully support SP Pimentel?

SEN PANGILINAN: Ay hindi, dito sa Senado nasa minority na kami. We are now in the opposition in the Senate and we are working towards consolidating as well, our forces, our members in the House in this regard. So 'yun ang direksyon na tinatahak ng partido.

QUESTION: You're chairman of the Committee on Constitutional Amendments...

SEN PANGILINAN: That is correct.

QUESTION: But the administration is pushing for federalism. How do you think you can balance out 'yung...

SEN PANGILINAN: I'm in the process of reviewing nitong lahat ng mga pending na bills, pati 'yung mga hearing. So hindi pa natin masasabi kung ano ang magiging next steps natin dahil last session lang natin nakuha ang chairmanship ng komite.

News Latest News Feed