Press Release
February 14, 2017

Transcript of Interview with Senate President Pro-Tempore Franklin M. Drilon
DZRH hosted by Deo Macalma ang Karen Ow-Yong

Q: Diyan po sa senado ay medyo hati sa isyu ng death penalty. May mga threat sa Kamara, ewan ko lang kung may threat kay Senate President Pimentel? Diyan ba sa senado may mga ganiyang issue?

SFMD: Wala, wala sa senado. Ikaw matagal mo nang kilala ang mga senador at ang senado, walang ganon sa amin. Nirerespeto namin ang paniniwala ng bawat isang senador. Ang senado naman, alam mo naman, it has always been known for its independence. Sa katunayaN, ang biro nga dito sa senado ay we have 24 republics, kaya hindi mo pwedeng sabihan na, "Hoy sumunod ka sa amin dahil kung hindi tatanggalan ka namin ng komite." Hindi po ganoon ang patakaran sa senado. Dalawampung taon na ako sa senado, wala akong narinig na ganoon.

Q: Yung LP block po ay talagang naninindigan na ayaw ninyo sa death penalty.

SFMD: Unang-una, ako rin po ang pangulo ng senado noong 2006 nang aming pinagbawal ang parusang kamatayan. Ito po ay dahil sa aking paniniwala na yung kasalukuyang sistema ng ating hustisya ay pwede na mabitay ang inosente, because of the defects of our justice system. Pangalawa, ako po ay naniniwala na the certainty of the penalty is the deterrence to crime, not the death penalty. Sa ngayon, yung nakukulong ay yung mga mahihirap lamang kaya ako po ay hindi naniniwala na dapat ibalik ang parusang kamatayan sa ating mga batas.

Q: May mga nagsasabi na since ang Pilipinas ay signatory sa mga international treaties tungkol dito sa death penalty, pero may mga nagsasabi rin na dapat ang mga batas dito sa ating bansa ang mangibabaw.

SFMD: Yung international treaties ay bahagi n gating batas sa bansa. Kaya po kapag pumasok tayo sa isang tratado, iyan ay kasama na sa pangkalahatang batas ng ating bansa. Kami po ay naniniwala na kapag ipinataw muli ang parusang kamatayan, iyan po ay labag sa obligasyon sa ating tratado.

Q: Kung may conflict sa ating Saligang Batas at isang tratado, alin po ang mangingibabawa?

SFMD: Kung may conflict sa ating tratado at sa ating batas, dapat hindi po iyan mangyari dahilan sa hindi iraratipika ng senado ang isang tratado na labag sa ating Saligang Batas.

Q: Maari po bang mag-withdraw?

SFMD: Ang argumento doon ng mga anti-death penalty group, kabilang ang Commission on Human Rights at Amnesty International, na walang provision doon sa Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na ating pinasukan, walang provision for the withdrawal, kaya hindi pwedeng mag-withdraw ang ating bansa. Sa panig ng senado, umpisa doon sa tratado na ating pinasukan upang sumali doon sa Asian Investment Infrastructure Bank na itinayo ng Tsina, doon ating sinabi na kung gusto nating lumabas o mag-withdraw dapat ay may concurrence ng senado, dahil ang senado ang kasama doon sa concurrence nang tratado na iyon. Kahapon nag-file kami ng sense of the senate resolution kung saan may 14 na senador na sumasang-ayon sa position na kung sakaling mag-withdraw tayo sa isang tratado ay dapat may concurrence ng senado.

Q: Sa ibang topic po, ang senador ba ay may immunity from arrest?

SFMD: May immunity from arrest kung ang parusa sa isang kasong ipinataw sa kanya ay hindi hihigit ng anim na taon. Kung mahigit anim na taon, wala pong exemption sa aresto. Sa kaso po ni Senator Leila, unang-una na sinasabi niya ay walang jurisdiction ang Department of Justice sa kasong isinampa kundi ang Ombudsman. Ngunit sakaling ito ay balewalain ng DOJ at magsampa ng kaso sa husgado, at mag-issue ng warrant, iyan po ay aming rerespetuhin. Ang isang punto lang ay huwag naman sanang i-serve ang warrant sa loob ng session hall in deference to the senate as an institution. Malaya ang law enforcement to serve the warrant outside of the session hall. Iyan po ay kapangyarihan nila.

Q: Ano po ang inyong pagtingin? Sino po ang may jurisdiction: ang Ombudsman o ang DOJ?

SFMD: Sa aking tingin, dapat ang Ombudsman, ngunit ang magdedesisyon niyan, at this point, is DOJ.

Q: Di po ba sa kaso ni Senator Estrada, Revilla, Enrile at maging ni dating Pangulong GMA, hindi po ba DOJ ang nag-decide non?

SFMD: Hindi po. Mali po kayo. Sa kaso ni Senators Enrile, Revilla at Estrada, ang Ombdusman at Sandiganbayan, at hindi ang DOJ. Ang ginawa ng DOJ ay ipinadala ang kaso sa Ombudsman for preliminary investigations. Ang Ombudsman ang nag-conduct ng hearing on preliminary investigations, at nang may may probable cause, ika nga, ay isinampa ang kaso sa Sandiganbayan.

Q: Tungkol pa rin po sa death penalty, tinanggal na raw sa plunder yung element of death penalty. Do you think it's the right decision po

SFMD: Sa akin dapat huwag ibalik yung parusang kamatayan regardless of whether the plunder is there or not.

News Latest News Feed