Press Release
January 26, 2017

SEN. GRACE POE'S QUESTIONS PROBE ON KIDNAP-FOR-RANSOM MODUS OF ROGUE COPS

Sen. Grace Poe: Unang katanungan ko po ay kay Gen. dela Rosa. General, kayo na po mismo ang umamin kanina na may mga bastos talaga at mga pasaway at mga hindi gumagawa ng tama sa inyong organisasyon. At minsan ay nabu-bully ang mismo nilang mga superiors. Bakit nangyayari ito? At paano pinapayagan na nangyari ito? Anong kakulangan ninyo? Siguro itong mga superior na matino, walang masumbungan dahil nagdududa din sila sa mga kasamahan nila? Saan ba yung IAS ninyo ngayon? Diba ang ating Pangulo ay nagtalaga na ng isang sibilyan na IAS? Nandito po ba siya ngayon? So, wala pang nagsusumbong sa kanya? Ano ba ang nangyari sa inyong ranggo kasi diyan nakikita natin ang breakdown ng chain of command?

Gen. Bato dela Rosa: Your honor, palagi ko pong ine-emphasize kapag nag-uusap kami ng aming mga tauhan, how I wish maibalik natin ang dating kultura ng staff correction. Kasi noon, your honor, yung C2C takot sa C1C, yung C1C takot sa staff sergeant. Yung sargeant takot sa staff sergeant. Yung master sergeant takot sa second lieutenant. Kasi po yung disiplina po naming, solid na solid. Pag ngayon po, noong kami ay naging PNP, nawala yung kultura na ito at naging sibilyan na kami. Ang aking pangarap ngayon, lagi kong nirerequest kay Sen. Lacson kung pwede yung maibalik sa amin yung kultura sa training ng PNP. Dahil nga very basic formation ng isang pagkapulis yung training, yung pagpasok niya sa organisasyon na hindi masyadong matutukan. Yung mga pulis na pumapasok, 300 na pulis ang nag-susupervise o tatlong pulis lang na hindi pa organic ng PPSC kundi yung binigay lang nila sa amin so what output can you expect out of that training? Hindi po masyadong natutukan kaya gusto ko sanang maibalik sa amin iyan at sa training pa lang. Diyan nagsisimula ang problema.

Poe: Tama po kayo General. Training pa lang dapat nandoon na, pero makikita din pag napaparusahan ang mga nagkakasala ay matatakot din ang iba. Kung mayroong narcolist, hindi ba dapat mayroong rogue police list din? Katulad ng nakita natin noong 2007 itong si Sta. Isabel ay nadawit na at nadismiss lang ang kaso. Tama ba ako, General? Nadawit na siya pero na-dismiss.

Dela Rosa: Yes, your honor.

Poe: Anong ginawa ng PNP para i-follow-up ang kanyang mga susunod na mga operasyon? Dahil alam na nga na mayroon siyang nakasangkutan. Itong mga bagay na ito dapat din ay tinitingnan natin, katulad niyan, mayroon na pala kayong, kailan ninyo nakita ang kopya? Hindi ba taun-taon, fina-file ang SALN ng mga kawani ng gobyerno katulad natin? Nakita naman natin kung magkano ang sweldo ni SPO3 Sta. Isabel? Hindi ba iyon nagkaroon ng red flag sa inyo para tingnan? Saan po galing yung kanyang ari-arian na P17 Million, P20 Million?

Dela Rosa: Your honor, hindi po ako umiiwas sa responsibilidad niyan pero iyan po na trabahong iyan ay sa lower commanders na directly may control sa kanila dahil hindi ko po pwedeng basahin ang SALN ng buong kapulisan, your honor, kaya nga commanders. And that, mismo, yung nagrecruit sa kanya eh alam naman natin involved din sa krimen. Yung si Superintendent Dumlao na nagrecruit sa kanya. Before that, your honor, we presume that he's clean because pagpasok ko po as Chief PNP ito naman siya, nanggaling siya na director for intelligence, this is the highest title in the Office of the PNP. Cleared siya. Ngayon lang ito naungkat lahat--yung mga recourse na ito noong nahuli sila sa krimen na ito. Kung hindi sila nahuli, tuloy ang ligaya ng mga taong ito. Hindi natin malalaman.

Poe: Alam ni Sen. Lacson yung nabanggit nga ninyo. Tayo ay nagpapasalamat sa mabilis na paggulong ng kasong ito. Pero ang totoo po at ang masaklap na katotohanan ay hindi naman gugulong ito kung hindi talaga natututukan ng media na nabibigyan sila ng udyok na kumilos. Usec Cuy, meron po kayong idadagdag?

Usec Catalino Cuy: Thank you ma'am. We have discussed this issue of scalawags in the uniformed service and with the secretariat of the interior government--myself and Dir. Gen. dela Rosa, we will be readily enforcing on the capability of the counter intelligence unit of the investigation's intelligence group. Prioritizing the least of suspected misfits and scalawags in the service.

Poe: Ngayon po wala pa kayong listahan ng mga pulis na may mga kaso na nadismiss na?

Dela Rosa: Mayroon po, your honor. May listahan na po tayo.

Poe: Anong ginagawa ninyo?

Dela Rosa: Pina-iimbestigahan ang mga tao na ito.

Sen. Panfilo Lacson: What you are saying, Usec Cuy, is that you are strengthening the counter-intelligence capability?

Cuy: Yes sir. With the same aggressiveness that is shown in the anti-illegal drug operations the PNP will be intensifying its claims for operation.

Lacson: Another point lang, with the permission of Sen. Poe, yung statement ni Chief PNP Dela Rosa tungkol sa training. We have in fact, the committee on public order and dangerous drugs has in fact conducted a hearing already and I think you were there during the hearing and may opposition lang doon sa PPSC. And we are trying to reconcile all the disagreements para we can already come up with a committee report para mapadali. So, yes.

Del Rosa: Expected po yung position nila, your honor, dahil sila po ang mawawalan ng trabaho kapag tinanggal sa kanila yung pag-train ng pulis.

Lacson: Rest assured we'll expedite the passage of at least the committee report pertaining to that bill filed by Sen. Trillanes. Thank you.

Poe: Alam ninyo, napakalaking ebidensya itong kay SPO3 Sta. Isabel, magkano po ang kinikita ninyo sa PNP buwan-buwan?

Sta. Isabel: Yung misis ko po talaga ang nagpapatakbo ng business po namin. Grumaduate po ang misis ko na cum laude sa MLQU. Magaling po si misis at masipag po.

Poe: Ang tanong ko po magkano po ang sweldo ninyo?

Sta. Isabel: Yung sweldo ko po sa PNP ay pinandadagdag ko sa business po namin.

Poe; Hindi, sir. Magkano po ito buwan-buwan?

Sta. Isabel: Nasa P8,000 po buwan-buwan.

Poe: Yung misis po ninyo na graduate sa MLQU, ano po ang kanyang natapos? Ano po ang kanyang kabuhayan?

Sta. Isabel: Graduate po si misis ng Law at dapat nga po ay magba-bar na.

Poe: Ano po ang kanyang business?

Sta. Isabel: May insurance po kami. Tapos mayroon po kaming lotto at Western Union.

Poe: Saan ninyo nakuha yung unang kapital para magkaroon ng mga ganyan?

Sta. Isabel: Sa sipag niya po dahil sa insurance po commission basis po iyan. Napalago po unti-unti yung business po namin at lumaki po.

Poe: Alam ko pribadong mamamayan ang asawa ninyo pero siguro tingnan din natin ang kanilang deklarasyon sa kanilang taxes.

Sta. Isabel: Deklarado po lahat iyon.

Poe: Deklarado. So nilagay naman ninyo kung magkano ang kinikita ng asawa ninyo? Magkano po ang kinikita ng asawa ninyo? Kayong dalawa, noong nakaraang taon? Magkano ang dineklara?

Sta. Isabel: Hindi ko po kabisado dahil si misis po ang nagpapatakbo ng opisina.

Poe: Mukha yatang sa organisasyon ninyo kayo ang bida, pero sa bahay misis ninyo?

Sta. Isabel: Siya po talaga ang nakakaalam ng operasyon sa business.

Poe: Dito dapat nating tutukan ang imbestigasyon dahil napakalaking agwat sa walong libo at sa dalawampung milyon. Kahit na sabihin natin na ang asawa ay talagang kumikita ngayon. Kumukuha ka ng mga direktibo mula kay Superintendent Dumlao?

Sta. Isabel: Opo. Tama po.

Poe: Siya ang nagbigay sa inyo ng direktobo. Superindendent Dumlao, mayroon ba talagang dahilan na manmanan itong si Mr. Jee?

Dumlao: Your honor, wala po akong inauthorize na ganyang operation. Hindi ko po alam. In fact yung mga kasama po niya, hindi ko po ka-unit. Kasi po mayroon kaming protocol. Hindi po kami pwedeng kumuha ng isang tao doon sa isang unit ng wala pong proper documentation at hindi po alam sa taas. Ngayon po, yung sinasabi nila na pinapakitaan po sila ng warrant, hindi ko po alam yun eh. Ngayon ko lang po nalaman ma'am.

Poe: O sige, matagal na kayo na magkakilala ni Sta. Isabel, kaya nga tinanggap mo siya sa inyong unit?

Dumlao: Ganito po ma'am, hindi po kami matagal nang magkakilala. Nagkakilala lang po kami doon sa may EOD tapos po nag-aapply po siya dito sa may AKG, hindi po siya natanggap. Nakita po niya ako na nasa AIDG so nagpiprisinta po siya doon dahil ang sabi po niya, marami po siyang maibibigay na trabaho. Ma'am ang ginawa ko po, alam ko po kasi nasa DI siya pero hindi ko po alam kung iko-confirm po ito, tumawag po ako sa CSD-DI at nagtext po ako doon sa may classmate ko na pinapatingin ko siya initially kung meron po siyang derogatory information. Bumalik po siya sa akin, negative. Hindi po ako kumbinsido ma'am, tinanong ko pa uli, can you please check thoroughly, background investigation, sabi po niya sa akin babalikan kita after several days. Bumalik po sa akin negative, tapos nasa DI po siya. Unsuspecting naman po ako, hindi ko lang po talaga nakita na meron po siyang previous na case kasi hindi po naka-file sa court.

Poe: Lahat naman yan ay sinasabi ninyo, sana maganda kung mapapakita mo ang pruweba ng iyong pagsasaliksik ukol sa kanya, pero siguro hindi na. Ngayon, matanong ko si Marisa, Ms. Marisa, sa pagkuha sa inyo, sino ang mga personalidad na kasama? Narinig mo ba na kasama si Sta. Isabel? Nadoon ba siya?

Marisa: Siya po yung nakita ko po pumasok sa loob ng bahay.

Poe: May narinig ka bang pangalan na Dumlao na nakikipag-usap sa kanila?

Marisa: Wala po.

Poe: Hindi mo rin siya nakita?

Marisa: Hindi rin po

Poe: Sino pang ibang mga nakasama doon?

Marisa: Ang na-identify ko lang po ay si Sta. Isabel po at saka po si SPO4 Villegas po.

Poe: Maraming salamat, Marisa, sino sa tingin mo ang nagmamando ng operasyon sa kanila?

Marisa: Hindi ko po alam Ma'am

Poe: Hindi mo nadidinig, pero sino sa tingin mo, siyempre pag nandoon ka na, alam ko na kabado ka, nadidinig mo kung sino ang parang lider sa kanila, sino sa kanila ang parang merong pag-uutos?

Marisa: Kasi po nun ma'am noong nasa loob ng bahay, si SP03 Sta. Isabel, may tumatawag po sa kanya, ang tawag po niya is "boss."

Poe: Pero walang titulo, boss lamang?

Marisa: Opo

Poe: Anong sinasabi niya sa boss niya?

Marisa: Kasi ang last po na tawag sa kanya, tinanong po kung positive o negative, sabi niya po, negative po.

Poe: Negative

Marisa: Positive po noong walang nakita. Wala pong nakitang droga kasi po yung inaano po nila kay Sir nagbebenta daw po ng droga.

Poe: May nadidinig ka, ano yung mga huling pananalita, alam ko masakit ito, anong mga huling pananalita na narinig mo doon sa iyong boss nung siya ay kinuha nila?

Marisa: Nung nasa loob po kami ng sasakyan, pagkalabas po namin ng subdivision, nakalagpas kami sa tulay ng Anonas, ano po bigla pong nagpupumiglas si sir tapos binugbog po nila, sinuntok po nila. Tapos bigla pong niliko yung sasakyan tapos sinabi po ni sir na hindi daw po siya makahinga

Poe: Pero nandoon ka pa ba nung namatay ang iyong boss?

Marisa: Hindi po, inilipat po nila ako sa ibang sasakyan.

Poe: Nilipat ka na nila. So siguradong nandoon si Sta. Isabel? Nais ko ring malaman, sir paano niyo naiugnay si Sta. Isabel at si Dumlao dahil wala namang eye witness account na nandoon si Dumlao.

Dela Rosa: Your honor, according to the testimony of SP04 Villegas, nakasama siya doon sa front seat nung sasakyan. Nasa likod yung victim, ginagwardyahan ng dalawa. Twice niya nakita, buhay pa yung Koreano your honor, twice niya nakita na nag-uusap itong si Sta. Isabel at Dumlao.

Poe: Sinong nakakita?

Dela Rosa: Si SP04 Villegas po your honor. Before pinatay yung Koreano, nag-uusap itong si Dumlao at Sta. Isabel sa labas ng sasakyan, doon sa training service at pangalawa doon sa oval, sa parking lot na malapit sa oval na malapit na sa EDSA, nakita rin nila doon nag-uusap si Dumlao at saka si Sta. Isabel, so yan po. Bago pinatay ni Sta. Isabel yung biktima doon sa loob ng sasakyan doon na sa PCRJ na parking lot.

Poe: Maaari po bang isubpoena natin ang mga phone records nung lahat ng involved? Hindi lamang kay Sta. Isabel para ma-crosscheck din yung mga numero kasi baka iba, may mga postpaid iyan eh na kailagan natin o may mga prepaid numbers para makita natin. Pangalawa, nais ko ring tanungin, to the widow of Mr. Jee, I would like to know if there is any effort on the part of the PNP to secure your family? And then to update you regularly on the status of the case?

Mrs. Choi Kyung Jin: Senator regarding your question, regarding the security issues, before, they didn't have any assistance but now, after the case and the situation has been all over the internet and the media, PNP AKG sir Glen Dumlao is consistently updating her regarding the issues as their attorney.

Poe: Dumlao is the one updating the family?

Mrs. Choi: Yes. Sir Glen Dumlao.

Poe: Para ma-clear up. Sa DOJ at sa PNP, nagkaron ba ng kaso kung saan nadawit ang pulis, pagkakamali ng pulis na binigyan ng reparation or kung ano mang financial assistance ang pamilya? Kasi dapat ganoon eh. May mga liability dapat yung PNP nagababayad doon sa mga nabibiktima. May ganoon ba tayong insidente o kaso?

Dela Rosa: So far your honor sa PNP wala pa po. Wala po kaming pondo intended for that purpose your honor.

Poe: Siguro kapag may ganun kayong batting average na talagang nasasangkot ang mga pulis at nababawas sa pondo ninyo na dapat mapunta sa ating mga kapulisan ay siguro mas magiging strikto ang mga commander na teka muna baka sa kakabayad namin sa mga liabilities ninyo ay mabawasan ang mga benepisyo na dapat ay mapunta sa inyo. Nais ko ring tanungin siguro ngayon, alam niyo po yung may sinasabing rogue list, huwag nating kalimutan dun pa lamang sa Espinosa slay, yung mga nasama. Para sa kaalaman ng ating mga kababayan. Ano na ang status ni Supt. Marvin Marcos? Si Chief Inspector Leo Laraga, nakakulong ba sila ngayon? At large? Leave without pay? Ano po ba ang nangyayari sa kanila?

Dela Rosa: Right now all of the are under restrictive custody, chinecheck po sila everytime ng ating director ng HSS - Headquarters Support Service. The status of the administrative case your honor can I call the attention of the new IAS your honor.

Poe: Yes please we would like to be updated.

PNP-AIDG: Ang case po ni Marcos et. al. ay for resolution na po.

Poe: Resolution sa IAS pa lamang?

PNP-AIDG: Opo.

Poe: So wala pang kaso?

PNP-AIDG: Tapos na po yung hearing ma'am. Gagawan na po namin ng resolution and the draft decision for the approval of the PNP chief?

Poe: So mayroon na bang na-file na kaso laban sa kanila?

PNP-AIDG: Matagal na po.

Poe: Nasaan na po?

Dela Rosa: The administrative case is handled by IAS but the other cases are handled by NBI, your honor.

Poe: Nasa DOJ?

Dela Rosa: Nasa DOJ na, your honor.

Poe: Ano yung status sa DOJ ng kaso nila Sec. Aguirre? Ano po ang status ng mga kaso ni Marvin Marcos, yung mga naimplika sa Espinosa slay?

Aguirre: Good morning, Senator, Mr. Chairman. Yun pong katulad ng nasabi natin kanina, yun pong kay Marcos ay under preliminary investigation pa po.

Poe: Dahil ang trabaho natin, Mr. Chair, magbalangkas ng batas. Mahabang iniimbestigahan kasi lahat ng ito, patuloy pa rin sila kung saan man sila, diba, yung restrictive custody? Ano ang ibig sabihin noon? Sila ba ay pagala-gala pa rin? Pwede pa rin ba silang pumasok sa kanilang opisina? May access pa ba sila sa kanilang mga presinto?

Dela Rosa: Wala na po, your honor.

Poe: Kuhanin ninyo ang kanilang tsapa at mga baril?

Dela Rosa: Wala na ang baril, ang tsapa, ang posisyon. Restricted sila inside the premises of the headquarters as support service. And yung alam ko na nakakalungkot, your honor, is hindi namin siya pwedeng palabasin ng walang escort. So eescortan naming kung papayagang lumabas. Harap-harapan ng escort, tatakbo sila, hindi po siya pwedeng posasan, hindi po siya pwedeng barilin.

Poe: Hwag mo na lang sabihin, baka gawin pa nila iyon. Alam nila iyon, so hindi sila talagang tumatakas ng sadya. So, nasaan ang compound nila ngayon? Nasaan sila?

Dela Rosa: Sa kampo ng premises ng headquarters sa support service. Sa loob ng Camp Crame.

Poe: Camp Crame. Okay. Sa Camp Crame maraming mga nangyayari diyan pero siguro, si Tereista Ang Siy, ang advocate ng mga nabibiktima ng mga kidnapping... Sinabi niya ngayon na marami na talagang mga involved dito sa tokhang at hindi lang mga Chino yang tinatarget dito. Mayroon nga na nabanggit sa hotel sa Binondo kung saan mayroon ding nabiktima nito. Nalalaman mo ba itong mga kaso na ito?

Dela Rosa: Yes, your honor. In fact, nakarating sa Malacanang yung concern ni Ang-Sy, your honor. I was called up by Malacanang na aksyunan ko yung complaint na iyan. Then I referred the case to the director of Manila Police District who entertained Teresita Ang Sy about all these cases and mayroon naman silang napag-usapan, your honor. Ang problema naming, itong mga biktima, most of them hindi po nagfi-file ng complaint formally sa ating kapulisan. Iyan ang problema namin.

Poe: Ganito po, Chief. Siguro importante rin talaga na maipakita mo na magbigay ka ng ehemplo na isa sa kanila na napaparusahan mo. Kasi dito sa laban, yung war on drugs na sinasabi, ang daming mga nanlaban daw, napatay pa raw, pero hindi naman nabibiktima ng mga pulis, palaging mga sibilyan. Kahapon lang, mayroong napabalitaan na nanggahasa na pulis rin. Marami ngayon ang yumayabang na dahil ang sa tingin nila ay kinakampihan sila at hindi kaagad-agad nareresolba ang kaso. Matanong ko lang din, sa crematorium, yung dito sa Caloocan city, mayroon daw CCTV. Mayroon ba kayong kopya noong CCTV?

PNP-AIDG: Actually ma'am noong binalikan namin at humingi kami ng mga records, yung death certificate, nakuha namin at tsaka yung pangalan ng nagdeliver na it turned out to be the liaison officer of Gream Funeral Homes. Nag disguise. Now as to the CCTV ma'am, mayroon sila pero ang sinasabi ay override but we are striving hard na.

Poe: Na-override. So, parang nabura? Or papaano?

PNP-AIDG: We are exerting efforts.

Poe: Ito bang crematorium na ito operational pa o pinasara ninyo muna?

PNP-AIDG: Sabi ng Caloocan city ay ipapasara na nila.

Poe: Hindi. Kayo yun mismo. Diba dapat napapasara iyan ng PNP?

PNP-AIDG: I think the NBI Head...also...

Poe: Dahil pag ongoing ang inyong imbestigasyon, ano na ang nakalagay ngayon sa, hindi ba dapat kumuha kayo ng listahan ng mga na-cremate iyan? Baka iyan ang negosyo nila, yung mga gustong may pagtakpan, pupunta doon. Nabanggit ata ni Gen. Dela Rosa.

Dela Rosa: Yes, your honor we are going to get the records from that crematorium.

Poe: So, hindi pa po?

Dela Rosa: Hindi pa po your honor. Nakapokus lang po kami doon sa isang case na ito your honor.

Poe: Hindi ba yung may-ari ng crematorium yung barangay captain ata? Dating pulis din?

PNP-AIDG: Yes, ma'am.

Poe: At umalis noong natagpuang patay itong biktima?

PNP-AIDG: Umalis noong January, papuntang Canada, according to immigration.

Poe: Yun yung medyo kaduda-duda rin kaya dapat ay saliksikin ito. Mr. Chair, yun lang po. Maraming salamat sa pagkakataon. Sa ating mga kapulisan, siguro ay dapat ipakita ninyo na kayo ang ehemplo mismo at bigyan ng parusa yung mga nasasangkot at ang tagal na ng mga kaso.

News Latest News Feed