Press Release
January 26, 2017

GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
Office of Sen. Grace Poe

Q: On Sta. Isabel's assets and lifestyle check sa PNP

Sen. Grace Poe: Ito nga yung talagang nakakadagdag ng duda. 'Di ba ilang beses kong tinanong si SPO3 Sta. Isabel, magkano ang sweldo mo? Talagang iniwasan niya yung sagot, tapos lumabas P8,000 a month. Ang kanyang assets ay P18 o 20 milyon. Kaya nga makikita mo, ang layo ng agwat doon sa kinikita at sa kanyang ari-arian. Ngayon sabi niya ang misis daw niya ang talagang nagdadala ng kabuhayan sa kanilang pamilya. E di pagaralan. Saan ba galing ang kanyang puhunan? Dahil lima yata ang kanyang properties at ang daming sasakyan, doon pa lamang makikita mo na, malaki ang duda dito. Sa tingin ko ang dami talagang mga tulisan ngayon na lumalabas ang mga kasabwatan nila, kasi mismong si Gen. Dela Rosa nagsabi na yung mga mabababang ranggo ay pwedeng takutin yung nasa mas mataas na ranggong pulis. Nakikita natin na yung mga salbahe tinatakot pa yung mga mababait. So doon malinaw na ang operasyon nila ay kailangan nakasentro rin sa mismong organisasyon ng pulis.

Q: Matagal na pong sinusulong yung parang lifestyle check sa mga pulis. Ano po ang masasabi niyo doon sa prosesong iyon na hanggang ngayon may mga ganito pa ring malaki na agwat sa sweldo?

Poe: Malabo talaga ang kanilang nagiging kilos dito. Napakabagal kasi malaki naman ang disparity makikita mo, katulad nito P20 milyon (ang net worth) tapos P8 thousand (ang sweldo). Dapat yun red flag na kaagad. Ang IAS bagong palit na ngayon ng head na sibilyan so dapat tutukan iyan ni Gen. Dela Rosa na 'uy tignan niyo ang mga ari-arian diyan at kung di man nakalahad sa kanilang SALN ano bang sasakyan iyan.' Di ba mismong ang superiors, si Dumlao, dapat sinasabi na niya na may duda ako sa mga kasamahan ko dito pero hindi niya ginawa kaya naniniwala ako na pati siya mukhang kasangkot din dito.

Q: Will you also be asking for the SALN?

Poe: Oo, hindi lamang yung SALN nilang lahat. Pati yung mga phone records nilang lahat kasi minsan marami sa kanila naka-prepaid e. Iba yung telepono nila sa mga transaksyon na ganyan. So dapat makita kung anu-anong numero ang lumalabas. Pero malinaw dito na kung vigorous sila sa pakikipaglaban sa mga gumagamit ng droga o nagtutulak ng droga ay dapat din tignan nila ang organisasyon ng pulis dahil sa tingin ko sila Gen. Dela Rosa kapag may pinakita kang pinarusahan na pulis ay mas matatakot ang iba, e sa ngayon sila Marcos ay yung kasabwat ni Espinosa mukhang pati yung mga kaso nila hindi pa umaarangkada kaya makikita natin talaga na ang daming kulang.

Q: Maaaring kasama ni Sta. Isabel?

Poe: Sabi ni Sta. Isabel, si Dumlao. Si Dumlao naman hindi daw siya. Pero si Villegas sinasabi na nagkita yung dalawa at nandun siya. Pero wala si Villegas ngayon. Kaya nga dapat ipatawag talaga siya nang malaman, dahil sa ngayon hearsay pa lamang yun pero malinaw na mayroon kang direct responsibility. Yun yung head ng unit. Paano niyang hindi malalaman ang mga pangyayari?

Q: This early paano niyo po i-aassess yung credibility ni Sta. Isabel at ni Dumlao?

Poe: Sa ngayon wala silang credibility talaga kasi makikita mo sa mga pagsagot ni Sta. Isabel ay hindi diretso. Makikita natin na mismong yung katulong si Marissa, sinasabi niya na nandoon si Sta. Isabel. Nakita mo takot na takot yung tao at balot na balot, magsisinungaling ba iyon? Kaya nga yung kaligtasan nila ay hinihiling ko rin sa ating PNP Chief na masiguro, kung malalim ang sabwatan at conspiracy dito sa PNP.

Q: Sa punerarya ma'am dapat po ba imbitahan iyon kasi may possibility na baka hindi lang yung kay SPO3 Sta. Isabel baka may iba ring (inaudible)

Poe: Alam mo ang may-ari ng punerarya ay Brgy. Captain tapos dating pulis. Napakabilis ng proseso ng pag-cremate. Mayroon lang nagsabi na pamilya ako, di ba dapat marami pang papeles na hinihingi minsan nga reklamo natin yun, samantalang ito mabilis at pumunta ng Canada kaagad-agad nung namatay itong si Mr. Jee kaya para sa akin, malinaw na mayroong responsibilidad ang funeral parlor at ang may-ari nito at sinabi nga noong hinihingi ang CCTV, ang sagot ay na-override. So nabura na naman pero si Gen. Dela Rosa ngayon pa lang niya hihingin ang listahan ng mga na-cremate within the past how many months sa punerarya, dapat iyan ay hindi na operational iyan.

Q: Senator do you buy the idea na yung mas low ranking official talagang kaya niyang pasunurin yung mas mataas sa kanya?

Poe: Eh kasi nga kung P17 to 20 million na ang kanyang SALN eh matagal na siya sa mga operasyon na ganyan. Marami na siyang tinatakot kaya yun yung sinasabi ko, mayroong breakdown sa chain of command sa PNP. Kung nakikita na takot ang mga superiors sa mga mas mababa sa kanila dahil nga may sindikato doon.

Q: Lifestyle check sa PNP

Poe: Isa yan yata sa tinitingnan ng ating head ngayon ng public order na si Sen. Ping Lacson...Ang IAS, ngayon lang nagkaroon ng sibilyan na head. Sabi ng ating Pangulo meron na ngayong Freedom of Information sa Executive. Hihingin namin ang kopya. Sabi ni General Dela Rosa meron daw siyang listahan ng mga rogue policemen. So dun sa rogue policemen list niya siguro doon tayo mag-umpisa, ikumpara nila ang mga SALN nung mga naroroon kasi kung may mga kaso noon pero nadismiss pero nasa listahan, maaring tingnan natin at i-cross-check natin.

Q: What should the PNP do?

Poe: Unang-una alisin sila sa serbisyo muna. Siyempre lahat sila may karapatan na depensahan ang sarili pero kunin ang tsapa, kunin ang baril, obserbahan ng mabuti. May restricted custody ngayon sila sa isang compound pero ang problema nga dun pwede silang umalis, hindi sila pwedeng pigilan. Nakita nating may puwang sa batas. Siguro hindi naman masyadong masama kung sabihin natin na we should expect more from our police officers and in fact dapat mas mabigat ang parusa 'pag sila ang nasasangkot dahil sila dapat ang nagpapatupad ng batas.

Q: Sa ngayon si Police Supt. Dumlao yung pinakamataas - may possibility kaya na meron pang mas matataas na position ang involved sa mga ganitong klaseng operation?

Poe: Sa ngayon hindi natin nakikita pa iyan. Walang sinasabi si Dumlao ukol dito pero kung matagal na nilang operasyon iyan sa dami ng kinita ni Sta. Isabel kung saka-sakali, tingnan natin kung sino pa yung mga ibang naging mga superiors niya noon. Maaaring doon natin maumpisahan ang pagtuon kung sino pa yung mga kasama.

News Latest News Feed