Press Release
October 3, 2007

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

Na-cancel na yung ZTE deal tuloy pa ba yung hearing?

Una, very good at kinansela na 'yan, 'yan naman talaga ang panawagan ng sambayanan kaya lang inaantabayanan namin ang dokumento na nagsasabing kanselado na yan. Pangalawa yung pagpapatuloy ng hearing iniiwan ko na yan sa discretion at desisyon ng tatlong chairman ng komite na nagha-handle nito. Gagalangin ko anuman ang desisyon nila. Suffice it to say hindi layunin ng imbestigasyon na paalisin sa puwesto si Chairman Abalos. Hindi lamang layunin nito na kanselahin ang kontrata, layunin din nito na i-review ang iba pang mga ODA (Official Development Assistance) contracts kung ito ba ay naaayon sa batas, ito ba'y nararapat, kinakailangan at hindi overpriced. Layunin din naming na amendahan ang mga batas na kinakailangan tulad ng procurement law, tulad ng ODA law at tulad ng BOT ( Build-Operate-Transfer) law. Kung sa palagay ng mga chairman ng mga komite na na-address na namin ito, doon pa laman siguro ititigil ng komite ang hearing kung saka-sakali.

Ngayong nakabalik na si FG, iimbitahin ba siya?

That will be decided by the three committees, initially by the chairpersons and then by the members. On may part, all I can say naghain na kami ng anti-influence peddling bill, nire-review na namin sa ilalim ng chairmanship ko na ODA oversight committee ang mga ODA loans at pinag-aaralan na rin namin ang mga amendment sa procurement law kung papaano nito clearly mai-include ang mga foreign loans na pinapasukan ng gobyerno at G to G (government-to-government) contract na mayroong procurement ng goods at services.

News Latest News Feed