Press Release
May 3, 2024

Senators Alan and Pia extend more livelihood packages to Vigan, Ilocos Sur Residents on Labor Day

Honoring the hard work and perseverance of Filipino laborers, the offices of Senators Alan Peter and Pia Cayetano visited Vigan, Ilocos Sur on May 1, 2024 to provide more livelihood programs for a total of 56 residents.

The timely disbursement provided support to two groups: the Sinait Garlic Growers and a parents' group in Sinait.

"Sa tulong na ibinigay sa aming asosasyon, malaking tulong po ito sa pagp-process ng bawang," said Reginaldo Tumbaga, one of 26 recipients from the Sinait Garlic Growers whose livelihood depends on garlic processing.

Similarly, 30 members of a parents' group in Sinait received vital aid to enhance their livelihoods, which include running sari-sari stores, selling frozen goods, retailing rice, and raising goats.

One beneficiary who raises goats to support his family, Erwin de Peralta, expressed gratitude for the aid he received. "Salamat po sa ibinigay ninyong pangkabuhayan, makakaasa po kayo na mapapalaki namin ito, talagang malaking tulong po ito sa amin," he said.

Another goat raiser, Reymar Palino, said the assistance he received would help cover his family's daily expenses.

"Ako po ay nagpapasalamat sa napakagandang programa na talagang makakatulong po sa aming mahihirap," he said.

This is the second time the Cayetano siblings have provided timely aid to those engaged in goat rearing in Sinait, following the initial disbursement activity on March 16, 2024.

The senators collaborated with the Department of Labor and Employment (DOLE) through its Integrated Livelihood Program (DILP) to provide Vigan City residents with the vital livelihood package.

DILP, a flagship initiative, aims to broaden economic opportunities for workers by offering assistance for capacity building in entrepreneurial ventures.

The successful execution of the activity in Vigan was attributed to the dedication and support of Governor Jerry Singson.

The sibling senators remain committed to providing essential assistance to Filipinos nationwide, enhancing their livelihoods and expanding their economic opportunities.


Senador Alan at Pia, nagbigay ng karagdagang livelihood package sa mga residente ng Vigan, Ilocos Sur sa Labor Day

Bilang pagpupugay sa sipag at tiyaga ng mga manggagawang Pilipino, binisita ng opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang Vigan, Ilocos Sur noong May 1, 2024 upang magbigay ng karagdagang programang pangkabuhayan sa 56 residente.

Napaabutan ng napapanahong suporta ang dalawang grupo: Sinait Garlic Growers at isang grupo ng mga magulang sa Sinait.

"Sa tulong na ibinigay sa aming asosasyon, malaking tulong po ito sa pagp-process ng bawang," sabi ni Reginaldo Tumbaga, isa sa 26 benepisyaryo mula Sinait Garlic Growers na nagpoproseso ng bawang bilang kabuhayan.

Tumanggap din ng mahalagang tulong ang 30 miyembro ng isang grupo ng mga magulang sa Sinait upang mapabuti ang kanilang mga kabuhayan, tulad nang pagpapatakbo ng sari-sari store, pagbebenta ng mga frozen goods, pagtitinda ng bigas, at pag-aalaga ng kambing.

Nagpahayag ng pasasalamat si Erwin de Peralta, isa sa mga benepisyaryo na nag-aalaga ng kambing upang masuportahan ang kanyang pamilya. "Salamat po sa ibinigay ninyong pangkabuhayan, makakaasa po kayo na mapapalaki namin ito, talagang malaking tulong po ito sa amin," aniya.

Ayon naman kay Reymar Palino, makakatulong sa pang-araw araw na gastusin ng kanyang pamilya ang suportang natanggap. "Ako po ay nagpapasalamat sa napakagandang programa na talagang makakatulong po sa aming mahihirap," wika niya.

Ito ang pangalawang pagkakataon na nagbigay ng napapanahong tulong ang magkapatid na Cayetano sa mga nag-aalaga ng kambing sa Sinait, kasunod ng nauna nang pagbibigay ng suporta noong March 16, 2024.

Nakipagtulungan ang mga senador sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Integrated Livelihood Program (DILP) nito para magbigay ng tulong pangkabuhayan ang mga residente ng Vigan City.

Layunin ng DILP na palawakin ang oportunidad pang-ekonomiya ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pag-aalok ng tulong upang mapalakas ang kanilang kasanayan na magagamit sa pagnenegosyo.

Naging matagumpay ang aktibidad sa Vigan dahil sa suporta at tulong ni Governor Jerry Singson.

Patuloy sa pagbibigay ng mahalagang tulong ang magkapatid na senador sa mga Pilipino sa buong bansa upang mapalakas ang kanilang kabuhayan at mapalawak ang oportunidad pang-ekonomiya.

News Latest News Feed