Press Release
January 23, 2023

Co-sponsorship message of Senator Risa Hontiveros for Senate resolutions lauding the 2022 The Outstanding Women in the Nation's Service (TOWNS) Awardees
January 23, 2023

Sa kagandahang loob ng sponsor at co-sponsor ng mga resolution na ito, I rise to co-sponsor proposed Senate Resolution Nos. 250, 252, 283 and 312.

Babanggitin ko ang ilan sa mga pinararangalan natin na kabaro ko, Mr. President, before going to some general comments.

Nais ko pong ipagdiwang ang paggawad ng TOWNS Awards at pagpaparangal ng Senado sa kanila, lalong lalo na po kila:

Dr. Ani Rosa Almario na naging guro at tagapangasiwa ng paaralan ng aking bunsong anak - si Ani na mula sa angkan ng mga tanyag sa larangan ng sining, ng sociology, at dahil sa kanyang life's work sa edukasyon din at sa pagpapalimbag ng mga aklat para sa ating bata at kabataang Pilipino;

Si Dr. Beverly Lorraine Ho na kinikilala po, Mr. President, lalo na ng mga universal healthcare advocates tulad ni Senator JV Ejercito at ng marami pang health reform advocates bilang isa sa pinakamahusay at pinaka-may integridad na opisyal natin sa Department of Health;

Si Ana Patricia Non na isa sa naginspire sa ating buong bansa sa isa sa pinakamadilim na taon ng pandemiya na pakainin ang isa't-isa - pakainin ang mga nagugutom at bigyang daan ang lahat, pati po yung nagugutom at mahihirap, na tulungan din ang kapwa Pilipino - si Ana Patricia na sa kabila ng mga hamon na hinarap, pati ang infamous na red-tagging maging laban sa napakainosente at magiting na gawain ng mga community pantries;

Si Anna Rosario Oposa na nagpapatuloy sa dakilang tradisyon ng kanilang angkan ng pag-alaga at giving back sa ating ekolohiya, kay Inang Kalikasan;

At si Patricia Marie Ranada - kasama po ni Pia Ranada ipinagdiriwang ko ang kamakailan lang na tagumpay ng Rappler kasama po ni Maria Ressa na naacquit po sa mga inihain sa kanilang mga tax evasion charges at kasama po ni Pia Ranada, Mr. President, na patuloy akong umaasa na humaharap ang ating bansa sa mas malaya at mas defiant na pamamahayag.

This I know for sure, Mr. President. When we tell stories of strong women, we celebrate the strength of all women. We celebrate all that women can do, and all that women can be. I honor these women who have stood strong in the face of tenacious attacks and rank misogyny; women journalists, women in the medical and science and technology profession who have been our light during the dark times of our pandemic; women environmentalists, women entrepreneurs, women community leaders.

They show us that we do not need to ask to make space at the table for women. They have claimed these spaces. And they claim them for ALL women.

Kaya Mr. President, kasama ng ating sponsor at co-sponsor, kasama ng ating buong institusyon ng Senado, ako po ay nagpapasalamat at nagpupugay sa ating ngayong taon na 2022 na ginawaran ng TOWNS awards. Salamat kaayo, Mr. President.

News Latest News Feed