Press Release
November 21, 2022

PRIVILEGE SPEECH OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON HUMAN TRAFFICKING
November 21, 2022

Fellow senators, mayroon po akong good news at bad news para sa inyo at sa ating mga kababayang nakikinig ngayong hapon.

Ang GOOD NEWS: Kasama na ng kinatawan ng DFA OUMWA, ang labindalawang Pilipinong OFWs na biktima ng isang large-scale human trafficking operation ng isang sindikatong Chinese based in Myanmar.

Narescue po ang labindalawa nating kababayan sa tulong ng ating local NGO community at ang kanilang solidarity networks. It was quite the extraction operation indeed, Mr. President, in a country struggling with military rule and civil war at that. After they made the successful crossing at the border of Myanmar and Thailand, the Department of Foreign Affairs met them on the Thailand side to facilitate their safe trip back home via Bangkok.

Let me thank all our partner organizations, and even our 12 OFWs for their patience, collaboration, and bravery to pull off this high-stakes mission succesfully. Malaking pasalamat sa DFA for coming to the border after they managed to cross, lalo na sa Philippine Embassy in Thailand na alam ko ay aligaga din dahil sa APEC Summit.

Salamat sa Diyos, salamat sa inyong lahat, dahil buong-buo silang mayayakap ng kanilang pamilya pagdating dito sa Pilipinas bukas. Sabay-sabay silang magpa-Pasko.

At ngayon, dumako na tayo sa BAD NEWS: Ayon sa labindalawang OFWs na ito, sila ay napangakuan ng trabaho sa isang call center, bilang CSR o customer service representative, o di kaya ay data encoder. Yan kasi ang original na job listing: call center agent. Ngunit, pagdating nila sa Thailand, kung saan inaakala nilang magtatrabaho sila, hinila sila ng mga alagad ng Chinese mafia na ito sa Myanmar upang gawing mga scammer na gumagamit ng crypto currency. At kapag wala silang na-scam o nahuthutan sa pamamagitan ng crypto, hindi sila pinapakain, hindi sila pinapasweldo, ibinebenta sila sa ibang kompanya, at higit sa lahat, pinagbabantaan ang kanilang buhay.

Ang pinakamalalang naibahagi sa atin ng isa sa mga narescue, at warning na rin ito sa ating mga ahensya, at sa ating mga kababayan dito sa Pilipinas: May namumuong masamang plano ang Chinese mafia na ito na gawing all-Filipino team ang mga scammer nila sa Myanmar at iba pang lugar dahil sa ating English proficiency. This is why, I stand before you today because this is of extreme importance and urgency.

These Chinese mafias are making the Philippines an incubator of scammers. My dear colleagues, I hope you are one with me in saying that we are not and will never be known as a nation of scammers.

As the author and sponsor of the Anti-Trafficking in Persons Law of 2022, hindi lingid sa kaalaman ninyo, fellow senators, ang aking laban, noong noon pa, dito sa human trafficking. During the 18th Congress, ibinunyag natin ang kalakaran sa Pastillas scam na nagpahina sa ating immigration borders at iligal na nagpapasok sa bansa ng mga kababaihan at mga menor de edad upang gawing prostituted women and children sa mga POGO facilities ng mga Chinese.

Also because of this investigation, we rescued victim-survivors who were trafficked to Syria, some even trafficked and abused as minors, still because of our porous borders, but this time, outbound.

As you know, matagal nang minamanmanan ng aking opisina ang outbound racket na ito kung saan ang ating mga kababayan ay nakakapunta sa mga bansang may travel ban na nga, may digmaan pa.

At sa rescue operation nga na ito ng ating 12 na kababayan, nalantad na ang isang patunay na, hanggang ngayon, kahit nabisto na, nareshuffle na, at napanagot sa batas ang mga sangkot sa notorious na pastillas scam noon, nagpapatuloy pa rin ang nakakapanlumong modus na ito, ngunit sa ibang porma at maaaring pinapatakbo ng ibang sindikato na hiwalay pa sa Pastillas Scam.

Dear colleagues, hayaan ninyong ipakilala ko sa inyo ngayong hapon si Rita, hindi nya tunay na pangalan, isa sa mga OFWs na narescue ng mga NGOs mula sa Myanmar.

Dahil na rin sa lumalalang parusa sa mga Pilipino at patuloy na pangpe-pressure ng mga Chinese, nag-email na rin si Rita sa DFA, sa OWWA, at sa iba't-ibang NGOs. Matinding pagmamakaawa at paghihintay ang pinagdaanan ng mga OFWs na ito dahil na rin sa gulo sa Myanmar at sa hirap na makipag-ugnayan sa labas ng compound ng mga mafia.

Isinalaysay ni Rita sa amin kung paano sya na-recruit, sino ang nagrecruit sa kanya, at kung paano tinuturuan ang ating mga kababayang biktima na makalusot sa Immigration Officers sa airport. Nabanggit nya rin kung paano sila nakatawid mula Thailand patungong Myanmar, at kung ano ang sinapit nila sa paglalakbay na iyon. At ang malala pa, mga kasama, alam ni Rita ang mga detalye ng kalakarang ito dahil ginu-groom sya ng mafia na maging recruiter ng kapwa Pinoy. Talagang walang katapusang pang-aabuso.

Ito ang Facebook account ng sinasabi ni RITA na recruiter nya. Si Len. At dito, nakalagay na, true enough, naghahanap siya ng encoder na taga-Thailand. Active pa rin ang profile na ito sa FB.

Ang mga post na nagrerecruit tulad nito, nagkalat sa iba't ibang mga Facebook pages, private man o public, na tinatarget ang ating mga kababayan na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Hanggang ngayon, nakikita ang mga ganitong mga umanoy vacancy sa mga FB page na maraming Pilipinong taga Middle East, at sa Filipinos in Thailand Group.

But one of the most sinister of the FB pages, and probably there are more like it, is called POGO SECRET FILES. Private page po ito, ibig sabihin, may admin na sumasala sa mga members. Ibig sabihin rin, extra layer ito para sa ating mga otoridad na nais basagin ang modus na ito.

Ilan pang mga nagbabagang tanong ngayon:

  • Sino ang pasimuno sa patuloy na pananamantala ng ating mga kababayang nag-iisip sumugal sa ibang bansa?

  • Paano sila nagka-work visa? - Sino ang nagtatatak ng kanilang immigration papers?

  • At matapos ang sinabi nilang malawakang paglilinis sa BUREAU OF IMMIGRATION, sino ang natitirang nagbibigay ng go-signal na palusutin ang mga Pilipino kahit ang end destination ay mapanganib at mahigpit na ipinagbabawal na lugar?

Sa susunod na video ng salaysay ni Rita, idinetalye nya sa amin kung paano sila tinuruan at pinilit ng Chinese mafia na manloko ng mga foreigners para mag-invest sa cryptocurrency. Narito naman ang kwento na yan.

(ROLL VTR)

Ibinahagi sa amin ni Rita ang isang pakete ng mga dokumento na ginagamit nilang blueprint sa pangi-scam. Kumbaga, para ring isang regular na call center agent na humahawak ng account. Mula sa workflow table:

"Insert investment topics and end chatting with unqualified customers as soon as possible. Don't waste too much time on unqualified and worthless customers and cut directly to the investment topic.

Know what time he goes to bed, you need to know if he is asleep when you chat, and arrange the time in advance when you open an account and recharge later. Most people spend the night in emptiness and loneliness, and you accompany him at this time. Just gave him enough love (night is the best time to touch people's hearts). Purpose: to make him like you, trust you, depend on you, and want to get you right away."

Binigyan sila ng striktong profile ng personality ng taong ipinipresenta nila. Kung ano ang mga dapat isaisip, ano ang priorities bilang agent, at kung ano mismo ang sasabihin sa mga kausap nila. Mula sa word file "na Matters Needing Attention:"

"First of all, we must clearly know which country our characters will be packaged to. Our current customer groups are mainly Canada and the United States, so we need to package our character work to the United States or Canada, but the nationality of our characters must be Asian."

"Secondly[...] Our characters are packaged as female elites in the workplace over 32 years old. We have very rich workplace experience. The position must be packaged as a manager or above, and it is forbidden to be packaged as a general employee."

Tulad ng isang call center agent, meron silang call flow. Meron din silang spiels, may mga nararapat na topics lang na pwedeng pag-usapan, at kasama nito mga nakahandang sagot sa pinaka-random questions na maaaring sabihin ng customer. Mula pagkain, binabasang libro, sports tulad ng basketball, hiking, and even skiing. May mga linyang nakahanda tulad ng mga sumusunod, mula sa CHAT TOPIC document:

"I am a New Yorker in the United States. I am motivated to travel."

"I listen to less pop music except for Taylor Alison Swift."

"I like playing basketball, and I am a fan of the Lakers. But since Kobe left, I have not dared to watch the Lakers game again."

"After dinner, I usually watch the news and research cryptocurrencies."

Higit sa lahat, hanapan sila ng extensive resume, handa rin ito, at may mga pekeng detalye at links. Kunyari ang agent ay nagpakilala bilang Claudine Wong. Marketing Manager at Accenture. Graduate ng Nanyang Technological University Singapore at USC Marshall School of Business. Dagdag pa ng profile, "Over 10 years of career in business management, team leadership and customer service with Fortune 500 companies."

Kaya, mga kababayan, maging mapagmatyag po tayo kapag may nagmemessage sa atin na hindi natin kilala, kahit sa LinkedIn.

Ngayon naman, idinetalye ni Rita ang pang-aabuso ng mga employer kapag hindi sila nakahanap ng mga taong mai-scam. At muli, ang mistulang pagte-training ng mga mafia kay Rita bilang future recruiter ng mga Pilipinong scammers sa Myanmar.

At this point, I want to highlight that this modus has two sets of victims - the trafficked and the scammed.

Additionally, the heavy impact on the victims' mental health, not just of the scamming, but also of having to sustain sexual and romantic "relationships" online... and somehow feign sexual desire para lang may mag-invest sa crypto nilang ito at huwag mapagbuhatan ng kamay.

Hindi biro ang mga nakukuhang text ng mga OFWs kapag hindi sila nakakakuha ng kliyente.

Bukod sa overtime, pinagbabantaan silang pagagawin ng 1000 squats, pagbubuhatin ng balde-baldeng tubig, hahatawin ng electric baton, babatuhin, at sasaksakin hanggang mamatay.

Sa mga panahong pinaparusahan at inaabuso sila ng mga Chinese, sinikap ni Rita at ng kanyang mga kasamahan na makipag-ugnayan sa aking opisina. Awa ng Diyos, dahil sa pagtutulungan ng lahat, sa lalong madaling panahon, makakauwi na sila.

Ngunit hindi dito natatapos ang lahat. Ang huling mensahe ni Rita, na nananawagang maging mapagmatyag ang ating mga kababayang naghahanap ng trabaho abroad. Nais din nyang makamit ang hustisya para sa kanilang mga nabiktima ng modus na ito.

And lastly, in a disturbing development, we also found out that the exact area where they were, Shwe Kokko Special Economic Zone (or Yatai New City, owned by Yatai International Holdings Group) - a hub described as a "safe haven for online gambling and fraud operators" - may possibly have a connection to the Pharmally players.

Yatai International Holdings Group owner, She Zhijang, who was arrested just last month by Thai authorities, has multiple business interests in the Philippines.

A company named Yatai International Corporation is associated with Linconn Ong. Pareho Lang kaya ang Yatai International Corporation and Yatai International Holdings Group? Para kaya itong yung Pharmally International Holdings, Pharmally Biological company at Pharmally Pharmaceutical company?

These links must be brought to light and further investigated.

Bago ako magtapos, dear colleagues, na-rescue man ang labindalawa nating mga kababayan, ating alalahanin na hindi pa rin tumitigil ang pananamantala ng mga masasamang loob. Marami pang Pilipino sa Myanmar ang nangangailangan ng ating tulong. Tulad ng mga na-rescue, napilitan silang kumapit sa mga pangako ng sindikato dahil sa hirap ng buhay. Sana ay maibalik na rin sila dahil katakut-takot na paghihirap na rin siguro ang sinasapit nila ngayon.

I am calling on the Department of Justice and the Inter Agency Council against Trafficking to investigate these syndicates and their accomplices for jeopardizing the future of many Filipino women and families. And who gave the green light that allowed such procedure to thrive?

I am calling on the Department of Migrant Workers to facilitate a national information drive against scam job offers on the internet, guarding against unscrupulous recruiters, even when the recruiter is a fellow Filipino. Palala po nang palala ang mga storya ng human trafficking na ating tinatalakay taun-taon. Tulad ng dati, handa pong makipagtulungan ang aking opisina para mapatigil na natin ang mga ganitong pangyayari.

Hinihingi ko din sa DMW, OWWA at DSWD na magbigay ng karampatang tulong o aftercare gaya ng counseling, legal assistance, livelihood assistance, sa mga trafficking victims natin para makatulong sa kanilang healing at mabilisang reintegrasyon.

And to the NBI and PNP Cybercrime Divisions, investigate and track down the admin of the Facebook pages and Telegram groups that are part of these operations. Ayon kay Rita, buo ang kanyang loob at handa syang makipagtulungan sa abot ng kanyang makakaya, upang matuldukan ang scam na ito.

I appeal to you all, and to all the government agencies who are able to help us: if we don't plug this hole, more and more of our kababayan will be duped, and more and more people all over the world will be scammed.

This issue involves investment scams and human trafficking at multiple dimensions - labor trafficking, technology-facilitated trafficking, and even sexual trafficking.

The welfare of our people and our national identity are at stake.

Let me reiterate: FILIPINOS ARE NOT AND WILL NEVER BE KNOWN AS A NATION OF SCAMMERS.

Maraming salamat po at magandang hapon. ###

Note: Google drive link for the presentation:
 https://drive.google.com/drive/folders/1ezFxh1xdUqJxnt9tBrZA6nzGuks1Zi04

News Latest News Feed