Press Release
June 24, 2022

Gatchalian urges schools, LGUs: Prepare for rollout of COVID-19 booster shots for minors

Senator Win Gatchalian is urging local government units and schools to prepare for the rollout of COVID-19 vaccine booster shots among minors aged 12 to 17.

Gatchalian made this call following the Department of Health's approval of using the Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine as a booster dose for the 12-17 age group.

According to Gatchalian, giving booster shots to minors in this age group will give them an added layer of protection as the Department of Education (DepEd) eyes the full resumption of face-to-face classes in August. Gatchalian also emphasized the need to protect minors amid a steady increase of new COVID-19 cases nationwide.

Gatchalian, who is also the incoming Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture in the 19th Congress, reiterated the need for schools to proactively participate in the COVID-19 vaccination program. This is to ensure efficient identification, inoculation, and monitoring of learners who are eligible to receive COVID-19 vaccines and booster doses.

Last May, the National Task Force (NTF) Against COVID-19 gave instructions to make COVID-19 vaccines available in schools, a move that Gatchalian supported.

"Ngayong makakatanggap na ng mga booster shots ang ating mga menor de edad o 'yung mga nasa edad na 12 hanggang 17, dapat nang maghanda ang mga lokal na pamahalaan at mga paaralan upang maging maayos ang ating sistema ng pagbabakuna," said Gatchalian.

While COVID-19 vaccination is not mandatory for face-to-face classes, Gatchalian maintained that increasing COVID-19 vaccine coverage among learners will add safety when schools reopen next academic year.

"Mahalagang gawin natin ang lahat ng hakbang upang matiyak natin ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik sa face-to-face classes," the lawmaker added.

Gatchalian has called on the incoming administration to open all schools, child development centers and Alternative Learning System (ALS) community learning centers to accelerate the recovery of the basic education sector from the impact of the COVID-19 pandemic.


Gatchalian: Paghandaan na ang COVID-19 booster shots para sa mga menor de edad

Hinihimok ni Senador Win Gatchalian ang mga paaralan at mga lokal na pamahalaan na paghandaan na ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine booster shots sa mga menor de edad o 'yung nasa 12 hanggang 17 taong gulang.

Ito ay matapos aprubahan ng Department of Health ang paggamit sa Pfizer-BioNTech vaccine bilang booster dose sa naturang age group.

Ayon kay Gatchalian, dagdag proteksyon ang mga naturang booster shots sa mga menor de edad, lalo na't pinaghahandaan na ng Department of Education (DepEd) ang ganap na pagbabalik ng face-to-face classes. Binigyang diin din ng senador na kailangang protektahan ang mga kabataan, lalo na't may nakikitang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Dagdag pa ni Gatchalian, na nakatakda uling maging Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture sa susunod na Kongreso, mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mga paaralan sa pagbabakuna ng mga menor de edad kontra COVID-19. Ito ay upang mapadali ang pagtukoy at pagmonitor sa mga mag-aaral na maaari nang makatanggap ng bakuna, kabilang ang booster shots.

Noong nakaraang Mayo, nagbigay ng direktiba ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 na magpamahagi ng mga bakuna sa mga paaralan, bagay na sinuportahan ni Gatchalian.

"Ngayong makakatanggap na ng mga booster shots ang ating mga menor de edad o 'yung mga nasa edad na 12 hanggang 17, dapat nang maghanda ang mga lokal na pamahalaan at mga paaralan upang maging maayos ang ating sistema ng pagbabakuna," pahayag ng senador.

Bagama't hindi mandatory ang pagbabakuna ng mga mag-aaral bago lumahok sa face-to-face classes, giniit ni Gatchalian na mahalagang mabakunahan ang mas maraming mga mag-aaral upang mabigyan sila ng proteksyon kapag nagbukas na ang mga paaralan sa susunod na academic year.

"Mahalagang gawin natin ang lahat ng hakbang upang matiyak natin ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa kanilang pagbabalik sa face-to-face classes," ani Gatchalian.

Upang mapaigting ang pagbangon ng sektor ng edukasyon mula sa pinsala ng pandemya, hinihimok ni Gatchalian ang susunod na administrasyon na buksan na ang lahat ng mga paaralan, child development center, at mga Alternative Learning System (ALS) community learning centers.

News Latest News Feed