Press Release
August 1, 2021

STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON THE 40TH DAY OF FORMER PRESIDENT NOYNOY AQUINO'S PASSING

VIDEO LINK: https://drive.google.com/file/d/1Tf09GodwGfiJyKI0HuoaJTVWxOSkSnOZ/view?usp=sharing

They say the 40th day is when a person's soul finally leaves earth and ascends to Heaven. We say goodbye to Noy, but history will never. History will remember his bravery against China, the infrastructure he imagined, the economy he built, the international relationships he fostered, the bills he signed into law against all odds, his indifference to personal attacks. His presidency was a part of the Filipinos' story, and proof again that we as a nation can overcome anything.

PNoy brought a quiet dignity to his work at the Palace. There was nothing vain about his presidency. He did what he said, and said what he did, nothing more. The Presidency was a job he had to do, and the only thing on his agenda was the Filipino people. I am grateful that he served us.

He did the brave work of helping Filipinos plant the seed. Now, we are left with the responsibility to tend it, to grow it, to protect it, so that one day we might sit beneath and pick fruits from the branches of a tree Noy never got to see. Walang ginusto si Noy kundi bumunga ang mga pangarap nating lahat, kahit hindi siya makakalilim o hindi niya matitikman ang mga prutas.

It has been 40 days since his death. I will always mourn our loss of PNoy, but I look to his life with much faith. That we the Filipino people can in time turn the tree he grew into a forest, that we can sustain it, that we can make it live forever. Noy is an example of who we truly are as a people. And as he also believed all his life, the Filipino shall always overcome. We can make it possible again.

For now: Good bye, my President. Good bye, my friend. Maraming salamat.

#####

PAHAYAG NI SENADORA RISA HONTIVEROS SA IKA-40 NA ARAW MULA NG PAGPANAW NI DATING PANGULONG NOYNOY AQUINO

Sabi nila, sa ika-40 na araw na pagpanaw ng isang tao umaalis sa mundo at pumupunta sa langit ang kanyang kaluluwa. Nawalay man si Noy sa atin, hindi siya mawawalay sa kasaysayan.

Saksi ang kasaysayan sa kanyang katapangan laban sa pang-aabuso ng Tsina, sa mga imprastraktura na kanyang ipinundar, sa kanyang ekonomiya na binuhay, sa mga relasyon sa ibang bansa na kanyang pinagtibay, sa mga mahahalagang batas na kanyang isinulong, at sa kanyang pagiging kalmado sa harap ng matinding batikos at pag-atake. Ang kanyang pamumuno bilang pangulo ay bahagi na ng kwento nating mga Pilipino, at patunay ito na kaya nating maging mas mabuti, at lagpasan ang bawat hamon.

Tahimik at may dignidad na nagtrabaho si PNoy noong siya ay nasa Malakanyang. Hindi siya naging mayabang o hambog. Yung sinabi niya o ipinangako niya, ginawa niya. Bilang Pangulo, ang kanyang nag-iisang agenda ay ang kapakanan ng mga Pilipino. Buong puso akong nagpapasalamat ako sa kanya, sa kanyang paninilbihan sa bayan.

Kumbaga,si PNoy ang nagtanim ng binhi ng isang mas magandang bukas. Tayo ngayon ang may responsibilidad na alagaan ito, at palakihin ito, para isang araw, makinabang tayo dito sa mga prutas ng punong hindi na makikita ni Noy. Walang ginusto si Noy kundi bumunga ang mga pangarap nating lahat, kahit hindi siya makakalilim o hindi niya matitikman ang mga prutas.

40 days na pala simula ng mawala si PNoy. Nagdadalamhati ako sa kanyang pagkawala, pero napupuno ako ng pag-asa at pananalig. Umaasa at nanalig ako na kaya nating palakihin ang kanyang itinanim na puno ng mas magandang bukas, at gawin itong isang gubat, at buhayin ito magpakailanman.

Gamitin nating inspirasyon at halimbawa si Noy. Naniniwala siya, sa buong buhay niya - The Filipino shall always overcome. Kaya nating gawing posible ito, sa harap ng mga matinding problema at hamon.

Sa ngayon: paalam Mr. President. Paalam, aking kaibigan. Maraming, maraming salamat.

#####

News Latest News Feed