Press Release
January 27, 2021

"MALAYO SA BITUKA ANG CHA-CHA" HONTIVEROS QUESTIONS URGENCY OF AMENDING CONSTITUTION

"Hindi pwedeng umiindak tayo sa Cha-cha habang marami ang napipilay sa taas ng presyo ng bilihin, nawawalan ng trabaho, at nagsasara ang mga negosyo."

This, according to Senator Risa Hontiveros who questioned the urgency of amending the Constitution, stressing that pushing for Charter Change amid the pandemic is 'ill-timed'. She says this is only a distraction from the real national problem of reviving the country's pandemic-hit economy.

"Pandemya ang pinakamatinding pagsubok na dapat nating nilalagpasan, lalo pa ngayong may local transmission na ng UK variant ng COVID-19. Kung hindi ito maagapan ay pwedeng tumigil na naman ang ekonomiya. Bukod pa dyan ay ang pagkakaroon ng herd immunity sa pamamagitan ng mga bakuna. Kaya sa ngayon, napakalayo sa bituka ng mga Pilipino ang Cha-cha," she said.

Hontiveros particularly has doubts about relaxing economic restrictions in the Constitution to allow more foreign investors. The senator believes this is ineffectual because global trade, which is also hard-hit by the pandemic, has significantly plummeted.

"Aling mga bansa ang sinasabing papasok dito para magbigay ng kapital at mga investments, samantalang halos buong mundo ay nakakaranas ng recession? Kanya-kanya nang pagsalba ang iba't-ibang bansa dahil pinadapa rin ng COVID-19 ang kanilang ekonomiya," she said.

"Marami pa namang kapital ang mga bangko at negosyanteng Pilipino pero napapaatras sa pamumuhunan dahil sa pagbagsak ng ekonomiya at ito ang dapat munang tugunan," she furthered.

Hontiveros emphasized, based on the current situation, the government's time would be better spent on addressing pandemic-induced health and economy crises first.

"Hindi ba dapat, sa ngayon, ay pagtuunan nating mas palakasin pa ang domestic trade, siguraduhing may sapat na suplay ng pagkain, suportahan ang mga magsasaka, bigyan ng kabuhayan ang mga nawalan ng trabaho kung ang tunay na layunin ay makabangon ang ekonomiya ng bansa?," Hontiveros asked.

The senator then put the spotlight on Filipino fisherfolk at the West Philippine Sea, whose livelihoods are halted due to China's incessant incursions.

"Ngayon palang, nagiging food blockade na itong pangha-harass sa ating mga mangingisda. Let's solve this issue first before we tackle any amendments on our Constitution that may only leave an opening for a Chinese stranglehold on our economy," she said.

"Ang problema ng bansa sa ekonomiya ay kailangan ng agarang tugon, kaya hindi praktikal na gumugol pa ng napakaraming oras para sumayaw pa sa Cha-cha," Hontiveros concluded.

News Latest News Feed