Press Release
June 30, 2020

Gatchalian urges LGUs to help DepEd localize, roll out Learning Continuity Plan

Senator Win Gatchalian is urging local government units (LGUs) to help the Department of Education (DepEd) in localizing the Learning Continuity Plan (LCP), a move that he says would respond to the specific needs and concerns of learners, parents, and teachers when classes reopen.

Since connectivity and the availability of gadgets remain a challenge to most learners, Gatchalian said there is a need to identify and maximize alternative learning modalities that are most accessible, especially in far-flung and disadvantaged areas. While some LGUs are distributing gadgets and internet load for their learners, Gatchalian acknowledged that others only have minimal resources to support the use of self-learning modules or radio and television-based instruction.

This is where mapping plays a key role, Gatchalian said, since it helps both the DepEd and the LGUs decide on the modes of distance learning to be adopted and the alignment in the development of learning materials.

In Valenzuela, for instance, Gatchalian shared how a survey identified Facebook Live as a preferred mode of learning for the city's learners. This prompted the LGU to decide on distributing smartphones so that learners can watch lessons delivered on Facebook Live sessions.

Gatchalian is also pushing for the creation of a Safe Schools Reopening Plan that institutionalizes the creation of a mapping system for hybrid learning. In Senate Bill No. 1565 or the Education in the New Normal Act, DepEd is mandated to develop a mapping system that identifies access to distance learning tools such as information and communications technology (ICT) devices, connectivity, capability, and geographical location, among others.

The proposed mapping system also looks at the needs of marginalized learners, including those who are living with disabilities, to ensure their continued education.

"Upang maging mabisa ang Learning Continuity Plan o LCP na isinusulong ng DepEd, ang pagpapatupad nito ay dapat i-ayon natin sa pangangailangan at kakayahan ng bawat lungsod, munisipyo, at probinsya, lalo na't hindi lahat ay konektado sa internet. Kaya naman mahalaga ang papel ng mga LGUs upang masigurong ang pagpapatupad ng LCP ay angkop sa sitwasyon ng mga kabataan at kanilang mga komunidad," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

In a Senate panel hearing, DepEd said it is waiting for the completion of enrollment data to finish its own mapping of distance learning modes available to learners.

###

Learning Continuity Plan' dapat angkop sa kapasidad ng LGUs -- Gatchalian

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga local government units (LGUs) na tulungan ang Department of Education o DepEd sa pagpapatupad ng Learning Continuity Plan (LCP) sa sitwasyon o kapasidad ng bawat lungsod, munisipalidad, o probinsya. Ito ay upang masigurong ang mga paraan ng pagtuturo ay magiging mabisa para sa mga mag-aaral, guro, at mga magulang at siguradong magagamit nila kapag nagbukas na ang klase.

Dahil maraming mga komunidad ang walang gadget o hindi konektado sa internet, binigyang-diin ni Gatchalian na kailangang tukuyin at isulong ng mga LGU ang mga paraan ng pagtuturong abot-kamay ng mga mag-aaral, lalo na sa mga liblib at malalayong lugar. Bagama't may mga LGU na nagpapamahagi na ng mga gadgets at internet load sa kanilang mga mag-aaral, pinaalala ni Gatchalian na hindi lahat ng LGU ay may kakayahang gawin ito. Aniya, may ilang LGU na kaya lamang suportahan ang pamamahagi ng mga printed self-learning modules o ang pagtuturo sa pamamagitan ng radyo at telebisyon.

Ayon kay Gatchalian, dito pumapasok ang kahalagahan ng mapping system upang gabayan ang DepEd at LGUs sa iba't ibang paraan ng distance learning, pati na rin ang pag-gawa ng learning materials.

Sa Valenzuela, halimbawa, nagkaroon ng isang survey kung saan lumabas na Facebook Live ang napiling gamitin para sa pag-aaral ng mga bata ngayong darating na pasukan. Dahil dito ay nagpasya ang LGU na magpamahagi ng smartphones upang magamit sa panonood ng mga aralin sa Facebook Live.

Ang pagkakaroon ng mapping system para sa distance o hybrid learning ay isinusulong ni Gatchalian sa kanyang panukalang 'Education in the New Normal Act' na maglalatag ng tinatawag na Safe Schools Reopening Plan sa panahon ng krisis at sakuna. Sa naturang panukala, inaatasan ang DepEd na magkaroon ng mapping system na layong tukuyin kung ilang mag-aaral ang konektado sa internet at may nagagamit na gadgets.

"Upang maging mabisa ang Learning Continuity Plan o LCP na isinusulong ng DepEd, ang pagpapatupad nito ay dapat sang-ayon sa pangangailangan at kakayahan ng bawat lungsod, munisipyo, at probinsya, lalo na't hindi lahat ay konektado sa internet. Kaya naman mahalaga ang papel ng mga LGU upang masigurong ang pagpapatupad ng LCP ay angkop sa sitwasyon ng mga kabataan at kanilang mga komunidad," ani Gatchalian na Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Sa isang pandinig sa Senado, iniulat ng DepEd na hinihintay nitong makumpleto ang datos ng enrollment para sa sarili nitong mapping para sa distance learning.

###

News Latest News Feed