Press Release
May 26, 2020

Gatchalian proposes class opening beyond August

A bill that seeks to allow the opening of classes beyond August has reached the Senate floor.

Senator Win Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, sponsored Senate Bill No. 1541, which amends Section 3 of Republic Act No. 7797 or "An Act to Lengthen the School Calendar from Two Hundred (200) Days to Not More Than Two Hundred Twenty (220) Class Days." The proposed amendment will allow the President to set a different date for the start of the school year nationwide or in selected areas when a state of emergency is declared. The date of the postponed class opening will be based on the recommendation of the Department of Education (DepEd) Secretary.

Senate Bill No. 1541 retains the DepEd Secretary's authority to end the school year while taking into consideration the Christmas and summer vacations, including the peculiar circumstances surrounding each region. The DepEd Secretary also retains the authority to hold Saturday classes for elementary and secondary levels for both public and private schools.

Senate Bill No. 1541 is the substitute bill consolidating proposals by Senators Joel Villanueva, Francis Tolentino, and Senate President Vicente "Tito" Sotto III.

Republic Act No. 7797 originally mandates the opening of classes between the first Monday of June but not later than the last day of August. This law served as the basis for DepEd's decision to move the class opening to August 24 amid the persisting threat of COVID-19. Last April, the Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases recommended to move the opening of classes to September but has approved this month the August 24 school opening.

According to Gatchalian, the enactment of the proposed measure into law before the opening of classes will give DepEd more flexibility should the country's public health situation and future calamities require further delays to class openings. He emphasized that what is at stake is the safety of the country's more than 27 million learners, their parents, and approximately 900,000 teachers and personnel.

"Sa pamamagitan ng panukalang batas na ito, mabibigyan natin ang mga paaralan ng mas mahabang panahon upang siguruhin ang kaligtasan ng bawat mag-aaral, guro, at kawani ng mga paaralan. Bagama't hangarin natin na maipagpatuloy ang edukasyon, ang kaligtasan at kalusugan pa rin ang ating pangunahing prayoridad sa gitna ng pandemyang ating kinakaharap," said Gatchalian, who is also a co-author of the proposed measure.

###

Bagong petsa ng pagbubukas ng klase tatalakayin sa senado - Gatchalian

Pormal nang binuksan sa Senado ang talakayan hinggil sa pagbubukas ng klase kontra sa itinakda ng Department of Education (DepEd) na a-bente kwatro ng Agosto ngayong taon.

Inihain ni Senador Win Gatchalian, na siyang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, ang Senate Bill No. 1541. Layunin ng panukalang batas na amyendahan ang Section 3 ng Republic Act No. 7797 o "An Act to Lengthen the School Calendar from Two Hundred (200) Days to Not More Than Two Hundred Twenty (220) Class Days."

Sa ilalim ng naturang panukala, magkakaroon ang Pangulo ng Pilipinas ng kapangyarihang mamili ng ibang petsa para sa pagbubukas ng school year tuwing magkakaroon ng state of emergency. Maaaring ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa buong bansa o sa iba't ibang lugar na apektado ng mga sakuna. Ang panibagong petsa ng pagbubukas ng klase ay irerekomenda naman ng Kalihim ng Department of Education.

Sa ilalim din ng Senate Bill No. 1541, nananatili sa Kalihim ng DepEd ang kapangyarihang itakda ang pagwawakas ng kasalukuyang school year. Kasama sa magiging basehan nito ang Christmas at summer break, pati na rin ang mga sitwasyon na kinakaharap ng bawat rehiyon. Nananatili rin sa kalihim ng DepEd ang kapangyarihang pahintulutan ang pagsasagawa ng klase tuwing Sabado para sa elementary at high school sa parehong pribado at pampublikong paaralan.

Ang Senate Bill No. 1541 ay isang substitute bill ng pinagsama-samang mga panukala nina Senador Joel Villanueva, Francis Tolentino, at Senate President Vicente "Tito" Sotto III.

Sa ilalim ng Republic Act No. 7797, maaring magsimula ang pasukan sa pagitan ng unang Lunes ng Hunyo ngunit hindi lalagpas sa huling araw ng Agosto. Ang batas na ito ang naging basehan ng DepEd upang itakda ang simula ng klase ngayong taon sa Agosto 24 habang patuloy na nilalabanan ng bansa ang COVID-19. Noong nakaraang Abril, inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagbubukas ng klase sa Septyembre. Ngunit ngayong buwan lang din inaprubahan ng IATF ang panukalang simulan ang klase sa Agosto.

Kung maisabatas ang panukala bago magsimula ang klase, magkakaroon ang DepEd ng ligal na basehan upang ipagpaliban ang klase tuwing may kalamidad, lalo na ngayong patuloy ang banta ng COVID-19 sa bansa, paliwanag ni Gatchalian. Binigyang-diin ng mambabatas na pangunahing prayoridad sa pagbubukas ng klase ngayong taon ang kaligtasan ng mahigit dalawampu't pitong milyong mag-aaral, ang kanilang mga magulang, at siyam na daang libong (900,000) mga guro at kawani.

"Sa pamamagitan ng panukalang batas na ito, mabibigyan natin ang mga paaralan ng mas mahabang panahon upang siguruhin ang kaligtasan ng bawat mag-aaral, guro, at kawani ng mga paaralan. Bagama't hangarin natin na maipagpatuloy ang edukasyon, ang kaligtasan at kalusugan pa rin ang ating pangunahing prayoridad sa gitna ng pandemyang ating kinakaharap," ani Gatchalian na isa sa mga may akda ng panukalang batas.

###

News Latest News Feed