Press Release
May 20, 2020

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin Drilon Teleradyo's Kabayan hosted by Noli De Castro

Q: Parang mawawalang bisa ang ginawa ninyong hearing kahapon sa provisional franchise ng ABS-CBN?

SFMD: Kasi sinabi na po ng HoR na dapat 25 years ang prangkisa ng ABS-CBN at magkakaroon sila ng malawakang pagdinig. Hanggang June 3 na lang kami, hindi matatapos ang hearing nila hanggang June 3. Kaya sa aking tingin, wala pong prangkisa na maaprubahan bago mag-June 3. Kaya dapat itinuloy na nila yung 5 buwang provisional franchise at pagkatapos ay tapusin namin kaagad sa senado para mabuksan ulit ang AB-SCBN. Habang umiiral ang 5 buwan, doon mag-hearing para sa 25-year franchise.

Ang pwedeng remedyo na lang ay yung kaso sa Korte Suprema. Yung hinihinging TRO ng ABS-CBN.

Mayroon pang isang panukala ako, ito yung aking panukalang batas na ang sinasabi ay habang dinidinig ang prangkisa sa Kongreso at nag-expire ito habang pending sa Kongreso - dahil hindi naman kasalanan ng TV o Radyo na nag-expire ang renewal sa Kongreso - dapat tuloy ang prangkisa. Iyan po ay kaagad kong hinihiling na ipasa. Lahat ng prangkisa kung saan pending sa Kongreso na nag-expired. Iyan din ang nakikita kong isa pang remedy kung papayag ang HoR.

Q: So, wala na ang prangkisa bago mag June 3?

SFMD: Wala na kasi hindi kami pwedeng umaksyon sa prangkisa dahil iyan ay isang private bill, kaya dapat ay ipasa muna sa HoR. Wala kaming pagbobotohan kung wala pa po sa amin.

Yung hearing kahapon, iyon ay para sa 5-month provisional franchise. Kaya binilisan naming, nagkaroon kami ng hearing in advance, ngunit hindi na magagawa dahil ayaw na ng HoR sa provisional franchise.

SFMD: Nakakalungkot dahilan sa hanggang Agosto kayang bigyan ng sahod ang 11,000 kawani ng ABSC-CBN, ngunit after that or in August - hindi naman natin masisisi ang ABS-CBN dahil walang pumapasok na kita - wala ng sahod. Malungkot po iyan ngunit nasa HoR at sa administrasyon kung ano ang kanilang tingin sa 11,000. Nobody will get harm kung bigyan kahit ng provisional franchise ang ABS-CBN. Walang masasagasaan, walang masasaktan. Ang masasagasaan yung 11,000 employees ng ABS-CBN.

Q: Wala ng panahon siguro kahit sa July kasi ang sabi uunahin yung mga important bills?

SFMD: Sinabi naman ni Speaker Cayetano na wala ng panahon. Siguro sa kanila hindi mahalaga yung trabaho ng 11,000 empleyado ng ABS-CBN.

Q: Kahapon ay may narinig din ako sa Senado na kinukwestyon ninyo yung sa COVID testing package sa Philhealth?

SFMD: Tama po iyan. Malaking dagok ito kapag nangyari. Ang aking tingin ay may potential na overpricing para sa testing packages, at ang overpricing potential lost ay aabot ng P8.3 billion. Itong testing ay kailanga kung sino ang maysakit, malaman kung nasaan sila at mabigyan ng treatment. Kaya nagkakaroon ng lockdown para matigil ang spreading. Ang kailangan ay mag-test para malamang kung nasaan itong ating mga kababayang may virus. Iyan ang tinatawag na testing, tracing at treatment. Ang Philhealth ay mayroong package, sa bawat test na gagawin ay kami ay magbabayad ng P8,150. Ibig sabihin, kung ang isang mamamayan ay pupunta sa isang testing center, ang Philhealth ay magbabayad ng P8,150.00 per test.  Ngayon magkano ang actual test ng isang testing. Ang isang cost ng test kit galing sa China ay P1,500.00. Yung overhead, ang estimate ay P2,000.00 bawat test. Sa makatuwid, ang cost ay P3,500.00. Sabihin mo na naglagay sila ng tubo na P500.00. So, ang total cost ay reasonable ang P4,000.00 bawat test. In fact, iyan ang charge ng Philippine Red Cross sa mga tine-test nila. Magkano ang ibinabayad ng Philhealth? P8,150 per test. Kahapon, nakakalungkot dahil makikita rito ay may overpayment ang Philhealth sa bawat test, P4,150.00.  Kahapon sinabi ng IATF na kailangang mag-testing sa 2 million nating kababayan, kung ang overpayment at P4,150.00 bawat test, ang potential overpayment at lugi sa Philhealth ay P8.3 billion. Sinabi ko kahapon iyan kay Sec. Duque, bakit P8,150.00 ang ibinabayad ng Philhealth? Nakakalungkot na parang hindi niya alam kung paano na-compute ang P8,150.00

Q: May pera pa pala ang Philhealth.

SFMD: Hindi ko alam pero kung wala ng pera, anong gagawin nila? Itataas ulit ang premium.

SFMD: Kaya po ang pag-test ng 2 million for only a total cost of about P8 billion, pero ang babayaran ng Philhealth ay around P16 billion. Kaya may additional cost of about P8 billion for testing the 2 million.

Kung iyan po ang babayaran ng Philhealth, ang laki ng overpricing at sa panahon ngayon na hirap ang pamahalaan - may deficit, kulang ang pera, at naghahanap ng malaking pera para sa economic stimulus - nakakalungkot iyan. Babalik ang Philhealth sa amin at sasaibihin ko sa kanila deretso na this is a criminal act. P8 billion ang masasayang at hindi naman kailangan.

Q: Ang sabi ni Sec. Duque yata depende kung yung machine donated? SFMD: Depende kung sinasabi nilang nakuha ba nilang libre ang machine. Tanungin kita, ka. Let's be realistic about it. kapag nag-bill ba sa Philhealth, sasabihin kung donated yung machine, etc? Magpapapunta ba ng tao ron ang Philhealth?

Q: Paano ang Charter Change?

SFMD: Ang kailangan po natin ngayon ay pagkain, hindi ang sayaw na Cha-cha.

News Latest News Feed