Press Release
May 14, 2020

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Ted Failon of Teleradyo, May 14, 2020

On the Special Amelioration Program.

Q: Sinasaad po sa RA 11469 na two months ang subsidy, so dalawang tranche, pero sabi po ni Sec. Harry Roque wala na po yung second tranche...hindi po ba may pagkukulang doon or May pag labas sa Butas?

SP Sotto: Doon sa first two...meron tayong mapagkakasunduan pero meron din tayong hindi pagkakasundo ng kaunti. Palagay ko, hindi ko sinasabing baka nagkamali si Sec. Roque ano, kailangan linawin natin yan kasi doon sa binabanggit mo, sinasabi mo nga two months, hindi ba? Binanggit yung area, yung first line nung sinabi mo, yung emergency afflicted, parang ganyan?

Q: Wala pong nakalagay dito tungkol po doon sa, ang binabanggit lang dito ay emergency subsidy to around 18 million low income households and then the amount of subsidy nga, ngayon po kasi depende sa probinsiya. Meron pong pinaka mababa, P5,500, meron pong P6,500, at meron nga pong P8,000. Ang aking punto lang dito is that kung nakasaad po sa batas na for two months, so dapat po dalawang buwan yung ibibigay na amelioration program fund. Ang akin lang dito, yung feedback ng ibang mga lugar na GCQ kami, practically hindi pa balik sa normal at meron pa ring ilang sector na kailangan pa ring gumawa ng paraan para makakain, bakit po hindi na kailangan ibigay yung second tranche.

SP Sotto: Ako mismo nung nabanggit yung hindi na ibibigay yung second tranche ng GCQ, medyo (unclear) kaagad ako, sapagkat ang tingin ko hindi lang nalinaw mabuti. Sa akin kasi, kung ang sasabihin ng Executive Department ay yung mga areas na nag green light na, hindi GCQ, yung inalis na, yung community quarantine na lang, inalis na yung parang lockdown, kung yun ang gagawin, okay yun, swak doon sa batas yun, kasi meron silang power to expand or enhance yung response nila. Meron section doon na pwedeng gawin yung meron dito sa subsection nito, binibigyan ng DSWD and DOLE ng temporary emergency standards. Meron ibang klaseng standards of eligibility and level of benefits na standards nila, so yun ang magagamit nila na pwede nila ng (unclear) pero dapat yun, doon sa mga green lang, hindi sa GCQ. Sapagkat the reason is that yung sa green, pwede ng magtrabaho ulit, hindi ba? Pwede na magtrabaho ulit, pwede na rin yung mga negosyo, halos lahat pwede na. Yung sa GCQ, limitado. Limitado so hindi pa pwedeng i-lift mo yan. Ngayon, naintindihan ko kung bakit gusto nilang...nagdagdag eh, nagdagdag ng another 5 million families instead na yung 18 million lang. Pagkatapos yung mga sa green ang gagamitin nila sa nagdagdag na mga pamiIlya para sa second tranche. Yun ang alam kong gustong gawin pero hindi ko, ang pareho tayo ng thinking, ang hindi ko maintindihan, bakit sa GCQ hindi magbibigay? Community quarantine pa rin yan. Baka doon sa green ang ibig sabihin. Lilinawin natin yan, we have two days para linawin natin yan, Thursday, Friday pa kasi supposed to be Sabado pa ang lifting.

Q: Actualy itong ginagawa nating ugnayan ay napakalaking bagay nga po kasi if you remember, yung ating mga ilang tinatawag sa inyo kinaklaro po ninyo ang then eventually ay oo nga ano, tinutugunan din naman ng Executive in fairness.

SP Sotto: Ngayon mismo after we talk, at tawagan ko yung Secretary of Finance aalamin ko kung bakit yun ang nabanggit ni Sec. Roque. Iba yung nabanggit at sa nakasulat. Baka kako ang understanding ay yung mga nasa green light.

Q: We are trying to reach Atty. Harry Roque para nga tanungin din siya dito po sa provision ng batas na ito kasi nga again, ginagawa ko lang itong panayam na ito kasi sa amin din pinaabot yung feedback ng mga kababayan nating nahihirapan ngayon. Ang sinasabi nga, nakatanggap kami ng first tranche, pero nung natanggap namin yung P8,000 ubos kaagad eh.

SP Sotto: At saka medyo delayed pa nga, kaya nga isasama nga natin dito sa second tranche dahil nakapaglatag na sila, madali na itong second tranche. Nevertheless kung ano man yung sabihin ni Sec. Roque sa inyo ako naman makikipag coordinate ako because ang tingin ko, hindi magandang yung GCQ, alisan mo na. Hindi maganda yun, dapat yung green lang ang alisan mo. Marami, 37 provinces yun and 17 cities.

Q: And kung ano po ang nakasaad dito nakasulat sa batas.

SP Sotto: Oo, kasi yung nakasulat sa batas, itutuloy yan because of the national emergency.

Q: Kung na-lift na yun.

SP Sotto: Okay, kung sasabihin nila na meron provision dito na sinasabi nga na pag hindi na national emergency nasa diskarte na ng DSWD at ng DOLE, at ang gagawin nga nila ay hindi na bibigyan ng second tranche yung mga yun, yung wala sa national emergency which is yung mga green.

Q: Oo pero ngayon kasi wala pa, we are still under a state of national emergency.

SP Sotto: Oo, ganoon nga. Lilinawin ko rin yun with all the proper authorities.

On the franchise of ABS-CBN.

Q: Sabi sa Lower House either Monday or Tuesday magkaroon na ng transmission in the Senate ng kanilang version.

SP Sotto: Mag third reading siguro sila on Monday.

Q: Oo.

SP Sotto: Ang pinaka naiisip natin dito, yung pinakamagaan na magagawa, which is yun, Monday sila pwedeng mg third reading. Ibig sabihin noon, the following day magtatransmit sa Senate.

Q: Sa inyo in the Senate, what do you think, tingin po ninyo kung ito ay nakakalusot, mga kailan po kaya kung saka-sakali?

SP Sotto: Kung darating sa amin on Tuesday yan, in the first place, una sinabi ko na ito, pagdating sa amin ng franchise, ako boboto ako in favor of the franchise ninyo. Nabanggit ko na yan many times over. Ang medyo kailangan lang (unclear) alam mo naman may mga kumokontra, may kontrobersiya, kailangan niyan ang kilos namin ay ika nga tama ang hakbang, sapagkat pag napunasan yan, ay meron dahilan para tirahin. So kahapon, yung Senate bills na nakafile sa Senate at ililipat na ng, nasa committee on rules, kapag let's say gustong gawing city yung Mandaluyong, nung unang-una, pagka may nagfile ng Senate bill, hindi pwedeng dalhin kaagad sa committee on local government. Kailangan ilagay muna sa committee on rules sapagkat it is a bill of local application. Private bill katulad nung franchise ng ABS-CBN. Sa committee on rules muna yan, so may mga Senate bill na nakafile, nasa ano yun, nasa committee on rules, hindi sa committee on public services which handles franchises. Kahapon nag motion na ang Majority Leader na ilipat yun doon sa committee on public services sapagkat na (unclear) nga sa House. Ako naman, sinabi ko kaagad muna, kaya ako kakausapin ko pa rin yan, si Sen. Gatchalian, siya ang acting ngayon, sabi ko teka muna, hinay-hinay ka. Yung Senate bill ang ihe-hearing mo pag nag hearing ka, hindi yung House bill, eh pag magrereport out ka ang irereport out mo yung House bill di ba, eh hindi pa umaakyat sa atin. Ngayon ang problema, hindi ko maintindihan, gusto kong tanungin bakit yung franchise na inaapprove ng House eh 5 months. Ngayon lang ako nakarinig ng 5months na franchise. Twenty-five years kung 25 years, bakit 5 months, hindi ba? Kaya siguro magtatawagan kami ngayon, after nito tatawagan ko si Sen. Win sasabihin ko make sure mag ingat ka baka biglang may butas na makita ang kung sino-sino diyan. Pero anyway, to answer your question, kung walang sabit yung sinasabi namin, so palagay mo naghearing within the next few days sapagkat naitransfer, Monday, Tuesday, Wednesday may committee of the whole. Gagawa ng committee report yun within that week. Kung hindi rin lang maabala yung committee of the whole namin ng Monday, Tuesday, Wednesday, any of those three days pwedeng pagusapan on second reading, yun ang nakikita ko. Therefore, kung magkakaroon ng walang masyadong problema, pagdating ng week of the 18th yun ng Monday, yung week of the 25th, pwedeng i-second reading or the latest is third reading on that week. Ganoon ang pinakamagandang pwedeng mangyari.

Q: We understand and respect yung inyong prudence sa pag act dito nga ninyo kasi nga gusto ninyo walang malabag na rules in the Senate, walang makita ng butas na legal ang sino man para po ang inyong aaprubahan kung saka-sakali ay hindi makukuwestyon.

SP Sotto: Correct. Baka mamaya pag dating sa Executive Department, sabihin bakit ganito, ganito, ganito, binigyan mo ng butas, hindi ba?

Q: Assuming both Houses adopt yung version ng isa, wala ng bicam, and you are going to transmit sa Malacanang for the President's signature, tatlo ang pwedeng mangyari. Number one is he signs it, or i-veto niya, or lapse into law. Kung sakaling lagdaan ng Pangulo, depende po naman yan doon kung kailan niya pipirmahan. But under the law, pag hindi niya pinirmahan...

SP Sotto: After pinadala namin sa kanya...after I sign it and send it to him, oras na nareceive ng Malacanang, within thirty days dapat pirmahan niya.

Q: Pag hindi niya pinirmahan maglalapse into law.

SP Sotto: Pag hindi niya pinirmahan maglalapse into law. Doon sa nagtatanong papaano nag-adjourn sine die kayo, or adjourn sine die na ang Kongreso, walang kinalaman yun. Walang kinalaman yun, basta't napirmahan ko tapos napadala ko sa kanya ano yun, within thirty days lapse into law pag hindi niya pinirmahan, kung hindi niya vineto.

Q: Pag hindi pinirmahan. Ngayon yung veto, depende po we are going to cross the bridge when we get there. Pero ito din ang catch, para lang maintindihan ng taong bayan, assuming lang na lagdaan ng Pangulo, kailangan pa rin ng 15 days publication, it's must. Sa version po ng House, meron po, Republic Act so requirement ito ng batas, the Act shall take effect 15 days after its publication in the official gazette or in a newspaper of general circulation. So 5 days, after 15 days, assuming pinirmahan, naipublish na, dito rin nakalagay na kailangan kumuha ng permit pa rin sa NTC, so another few days yun.

SP Sotto: Yung publication, ang sistema diyan, during publication pa lang, pwede ng magfile sa NTC. Sapagkat ang NTC wala ng karapatan na mag (unclear) ng authority kung may franchise ka, ang dahilan ng NTC, wala kang franchise, (unclear).

Q: Anyway para rin lang natin maintindihan itong dadaan pang proseso nito kasi nga sa sabi ni Speaker Cayetano, hopefully nga daw by June and we hope and pray nga po na by June. Para lang natin maintindihan nga ang dadaanan niyang proseso and at the end of the day, we hope and pray nga din po, sincerely pray na pirmahan nga ng Pangulo kung saka-sakaling matatapos ninyo.

SP Sotto: Tiyak na matatapos sa amin yan, yung araw lang ang hindi ko alam.

Q: Baka abutin naman ng six months, tapos na.

SP Sotto: Hindi, hindi.

Q: Salamat po sa inyong aksiyon at mabuhay po kayo.

News Latest News Feed