Press Release
May 14, 2020

HONTIVEROS ASKS NBI TO PUT A STOP TO ONLINE PAGES THAT SEXUALLY EXPLOIT CHILDREN

Dear NBI,

Please help put a stop to Facebook and online pages that sexually exploit children.

Nakarating sa opisina ko na mayroong mga Facebook pages kung saan naka-post ang napakaraming mahahalay na larawan ng mga babaeng bata. Matagal na ang mga Facebook page na ito ngunit active parin daw ang mga posts at groups.

Isa pa sa nakita namin ang Facebook page na may pangalang "Mahilig sa Bata". Napakasakit makita ang mga ito, lalo na para sa akin bilang isang ina at babae.

Ngayong COVID-19 pandemic, may mga reports na nagsasabing pwedeng mas dadami ang kaso ng online sexual exploitation of children. We need to be more vigilant and make sure that our children are safe and secure, online and offline.

Nananawagan ako sa Bureau na imbestigahan at agarang i-take down ang mga Facebook pages na ito. Kailangan malaman din ng NBI kung sino-sino ang mga taong nagpapatakbo nito. Kailangang panagutin at ipakulong ang mga kriminal na nasa likod ng mga Facebook pages at online content na ito.

Facebook also needs to be made accountable for these pages. The tech giant, with all its resources, should have technologies and mechanisms in place that prevent these kinds of pages from existing. Sobrang nakakabahala na hanggang ngayon, may mga ganito paring nangyayari sa platform na ito.

Kailangan nating protektahan ang online space bilang mga safe spaces. We need to make sure that our children are safe online, lalo na ngayong mas marami ang oras na ginugugol nila sa social media.

I am also calling on the public to be more vigilant in ending online sexual exploitation of children by reporting these pages to authorities. Together, we can protect our children.

Respectfully, Senator Risa Hontiveros

LINK: https://www.facebook.com/128801740656/posts/10164033301375657/?d=n

News Latest News Feed