Press Release
May 14, 2020

Dispatch from Crame No. 796:
Sen. Leila M. de Lima on poor families in non-ECQ areas excluded from 2nd tranche aid

5/13/20

Ang pagkakait ni Duterte ng 2nd tranche subsidy sa milyon-milyong pinakamahihirap na pamilya na nasa mga lugar na mawawala na sa ECQ ay isang walang pusong desisyon at lantarang paglabag sa batas ng mismong namumuno. Sandamukal na nga ang problema sa 1st tranche, ganito pa ang gagawin nyo sa pangalawa.

Iligal ito dahil malinaw sa Section 4 (c) ng RA 11469 o Bayanihan Act na ang subsidy ay dapat ibigay ng dalawang beses sa loob ng dalawang buwan para sa 18 milyong mahihirap na pamilya.

Hindi rin makatwiran ang hakbang dahil Mayo 16 pa lamang mag-uumpisang maalis sa ilalim ng ECQ ang kalakhan ng Luzon at ibang parte ng Pilipinas (maliban sa NCR, Laguna at Cebu City). Kung ganun, sa unang bahagi ng Mayo, nasa lockdown pa ang 15.5 milyong mahihirap na pamilya na ura-uradang tatanggalan na ng ayuda.

Isa pang punto: kung ang subsidy ay para pambili ng pagkain, gamot at ibang pangangailangan ng mahirap na pamilya, kaagad bang magkakapera o makakakuha ng pagkakakitaan ang isang karaniwang manggagawa antimanong maalis ang ECQ sa kanyang lugar? Maano ba namang bigyan ng gobyerno ng konting palugit - kahit ilang araw o linggo - upang makatayo muli sa kanyang paa ang mahirap na pamilya, lalo pa't hindi naman biro itong pandemya.

The government may have forgotten that the emergency subsidy functions not only as a social safety net to cushion the adverse impacts of the pandemic among our poor families and other disadvantaged groups. It is a lifeline for many in these perilous times. Salbabida ito para sa mga walang-wala. Buhay at kaligtasan ang kahulugan nito sa marami nating mga kababayan.

Nananawagan ako sa gobyerno na agad na ibalik ang ayuda para sa lahat ng mahihirap saan mang dako ng bansa. Tunay, ganap at patas na pag-aaruga ng pamahalaan ang ating lubhang kailangan. Lahat ay apektado kaya dapat lahat ay protektado.

#AyudangSapatParaSaLahat #AllLivesMatter

(Access the handwritten copy of Dispatch from Crame No. 796: https://issuu.com/senatorleilam.delima/docs/dispatch_796)

News Latest News Feed