Press Release
May 6, 2020

Transcript of DZRH interview with Senate Minority Leader Franklin Drilon

Q: On CDO vs ABS-CBN. Ito po ay nararapat habang naka-pending pa ang prangkisa sa Kongreso?

SFMD: Ito po ay pang-aabuso ng kapangyarihan. Alam n'yo kung bakit? Doon sa Kongreso habang pending ang pagdinig sa pag-renew ng isang prangkisa, patuloy po ang pag-operate ng prangkisa. Hindi theoretical ito. Sa kaso ng PT&T, SMART Communications, Catholic Bishops Conference of the Philippines, TV5, Subic Broadcasting, kung saan kahit nag-expired ang prangkisa at habang hindi pa naaktuhan ng Kongreso ang application for renewal, hindi naman nahinto ang operasyon nito. Hindi rin naman nag-issue ng CDO ang NTC. Kaya hindi ko maintindihan ang aksyon ng NTC dito. Ito ang tinatawag sa batas na grave abuse of discretion. Sana po ay mag-issue kaagad ng TRO ang SC lalo na sa panahon ngayon na nakikinig tayong lahat sa mga himpilan para malaman ang status ng COVID-19. If there is no sufficient communication, mapeperwisyo ang taumbayan.

Sa katunayan, ang Kongreso at Senado ay nagsabi na sa NTC na payagan magpatuloy ang broadcast ng ABS-CBN, ngunit ito ay binalewala ng NTC. Ito ay condemnable act.

Q: Ang remedy ay mag-file ng TRO sa SC?

SFMD: Iyan na lang ang remedy.

Q: May mga alegasyon ang ABS-CBN na inabuso ang prangkisa?

SFMD: Ang dapat magtalakay niyan ay ang Kongreso kung saan pending ang application for the renewal. Pwede po iyan na maging dahilan para i-deny ng Kongreso ang application. Habang tinatalakay ang opposition sa isang pag-renew ng license, dapat ipagpatuloy ang broadcast ability ng franchise holder.

Q: May abuse of authority ang NTC dito?

SFMD: Maliwanag po ang pag-abuso ng kapangyarihan. Iyan ay base sa kanilang gawain na yung ibang prangkisa na nag-expire habang ito ay tinatalakay sa Kongreso, hindi sila nag-issue ng CDO.

Bakit hindi nag-issue ng CDO ang NTC? Ngunit dito sa ABS-CBN mabilis silang mag-issue ng CDO. Hindi patas ang application of the law.

Ito ay may chilling effect sa freedom of the press. Ngunit ang pag-aabuso sa kapangyarihan ay maliwanag dahilan sa hindi equal o patas ang treatment sa ABS-CBN at ibang franchise holder. Iyan ay maliwanag na pang-aabuso sa kapangyarihan.

Q: Yung nagbayad ng political ads ang President at hindi inere ng ABS-CBN, pwede bang kasuhan ang ABS-CBN?

SFMD: Nasa Presidente po iyan.

News Latest News Feed