Press Release
May 4, 2020

Statement of Sen. Francis "Kiko" Pangilinan on PhilHealth raising OFWs' contributions
PhilHealth circular raising OFWs' contributions Insensitive, ill-timed: Pangilinan

"Nakapaloob sa Universal Health Care Act ang pagtaas ng kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Sa panahon ng COVID-19, kaisa tayo sa pagtutol sa kautusan ng PhilHealth na taasan ang kontribusyon ng overseas Filipino workers (OFWs). Insensitive at wala ito sa timing.

Higit 200,000 na OFW ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, o kaya ay nagtitiis sa pinaiksing oras ng trabaho. Yan ay halos isang milyong Pilipino na tulad dito sa Pilipinas ay nagdurusa dahil sa pagtatanggal sa trabaho at halos walang aktibidad sa ekonomiya.

Hinihikayat natin ang gobyerno na itigil ang kautusan at maghanap ng iba pang paraan para makakuha ng pondo para sa PhilHealth.

Kabilang ang mga OFW sa mga pinaka-tinamaan nitong krisis. Panahon na para ibalik ng gobyerno ang kanilang mga naging sakripisyo at kontribusyon sa ekonomiya, at huwag nang itaas pa ang kanilang PhilHealth contribution."

News Latest News Feed